(A/N:
Please be guided, the next chapter you're about to read is PG-13. I'm afraid that your already polluted mind (loljk) will be more polluted by the blunt/violent words I used below. Again, PAUNAWA. Thankyou. Bow.)
______________________________________
Chapter 10:
(Alex's POV)
"At anong iniisip mo ha?" Biglang pagsulpot ni Cliff sa harapan ko mula sa kung saan.
"Na-ka-ka-gu-lat." Hinawi ko ang mukha nitong nakaka-irita palayo sa harap ko. Naramdaman ko na kasi ang presensya nito kanina pa. Panira ng pagbabalik-tanaw mood ko.
Speaking of pagbabalik tanaw, tandang tanda ko pa, pagkatapos ng hindi ko inaasahan na unang laban dito sa UG zone, paglakad ko palang palayo sa gitna ng ginawang arena ay nilapitan ko ng mabilis si Cliff.
Isang suntok sa mukha ang pinakawalan ko. Putok agad ang nguso nito. Hindi naman ito gumanti kaya hindi ko rin tinigilan pa ang pagsuntok. Naawat lang kami ng mahawakan ako ng mga bouncer at nakatakbo papalayo si Cliff. Pero hindi pa natatapos doon, dahil sinundan ko 'to pauwi at binugbog ulit.
Tatlong araw siyang hindi nakalakad ng maayos dahil doon. Mantakin mo ba naman na binuhos ko na sakanya lahat ng natitirang lakas ko para makaganti lang.
And take note, hindi lang mag-asawa, nanay, lola, kabit at manugang na sampal ang nakuha niya! Pati kapitbahay na sapak at kapatid na tadyak present! Complete family!
Mabuti na nga lang din talaga, in-enroll ako ni Tiddy sa taekwando class noong bata pa'ko. Black belter at 2nd dan level na ako ng mga panahong iyon. Kaya kahit papaano, maswerte pa akong nanalo. Dahil kung hindi, uuwi ako ng hindi na nakikilala.
Uuwi ako na 'yong makating wig nalang ang dala.
"Buti naman at nakita na kita. Alam mo bang kanina kapa hinahanap sa akin ni Moja?" Sabi ni Cliff.
"Ganun ba? Okay." Naglakad na ko papasok ng area habang tinatali ang buhok ko pa-bun. Sinasabayan lang naman ako ni Cliff.
Maya-maya, tumigil ito sa tabi ko at ini-ikot ako paharap sakanya. Tumaas ang kilay ko sa akto nito.
"Goodluck Ara." Ara. Well, that's my nickname here in UG Zone. No one knows my real name. That came from my surname actually. You know, for identity protection purposes. Ang ironic nga eh, kasi ako todo cover-up, samantalang itong isa, I mean itong unggoy na kaharap ko, ganun padin ang get up. As is. Cliff na Cliff at mukhang manloloko.
After that 'goodluck' message, he kissed me on the cheek. Nalukot ang mukha ko. Pa-beso beso pa. Nasanay na ata ang loko at akala niya isa ako sa mga babae niya. Psh, ultimate playboy.
"Moja wants a Good fight. Give them what they're expecting." Then he winked after those last words. I just rolled my eyes na kina-halakhak lang nito. Hinubad ko narin yung jacket ko nang wala na siyang sasabihin pa.
"Ingatan mo yang mga 'yan it cost your life." I kidded after I gave my belongings to him. Nagpatuloy nakong maglakad ng sa tingin ko ay handa na ako.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...