17: Missing Alex

125 2 0
                                    

Chapter 17:

(Nathan's POV)





Matapos makausap si Alex ay nanlalambot na ibinaba ko ang cell phone ko. Ramdam kong nasasaktan siya masyado. Pero pilit niya paring pinapakita na ayos lang siya. Sinasarili niya ang lahat ng problema.

Well, Alex is Alex. Hangga't maaari, ayaw niya na may idinadamay siya sa mga problemang meron siya.

Akala niya siguro kaya niyang i-absorb lahat. Hindi man lang niya maisip na andito lang naman ako. Kami, ng pamilya niya, na handang damayan siya.

Kahit nga ang pinaka absorbent na diaper napupuno at tumatagos, siya pa kayang tao lang? And what the hell? Did I just compare her to a diaper? I'm weird.

Bakit kaya dito sa Pinas siya ngayon mag-gagala? At saan naman kayang parte ng Pilipinas niya balak magpunta? Kailangang malaman ko kung anong plano nun ngayon.

Dahil kung dati, ayaw niyang ipaalam at sobrang nirerespeto ko iyon, ngayon, bahala na. Kahit magalit pa siya, kahit alam ko'ng sasama ang loob niya, pasensya na Apa pero kailangan ko lang talagang malaman kung nasaan ka.

Para kasing hindi maganda ang kutob ko eh. Pero sana nagkakamali lang ako. Sana inaatake nalang ako ng ka-weirduhan ko.

Pumasok na ulit ako sa kwarto ko. I opened my laptop to check her social accounts. Tiningnan ko yung twitter niya, pero last month pa yung last update. I also checked my e-mail if nag iwan ba siya ng messages, pero malinis. I last visited her facebook profile. Again, I'm dazed. Ang ganda talaga niya. Gusto ko pa sana i-browse yung album niya pero naalala kong may mas importante pa nga pala akong pakay. So, I searched to her timeline instead.

I-ilan lang ang friends niya pero maraming naka-follow sakanya. Ibang klase, famous talaga ang ate mo.

Chineck ko kung Online siya, pero hindi. Last na na-open ata ito nung Sunday pa? Yun kasi yung last date ng Status niya. May ilang post ng mga taong nag-aadmire sakanya. Meron din mga harsh status... Pero what gets my attention is a photo taken today with her and three other girls.

There's a caption in it saying;

"Glad to be complete today for some minutes. Here are the girls, I love the most." —tagged by JA Ybañez

The three other girls aside from A of course were her friends I met in a one occasion. They were introduced by Alex herself.

Julia Ybañez, the one who tagged the picture. Marie Tecson, the one who looks so innocent and Virgo I-dunno-her-surname, the girl beside Alex are the people I need to look for. Maybe they know where Alex could have been. I only have little knowledge about them since noong ipinakilala sila sakin ni A ay sobrang busy naman ng restaurant ko. I didn't have the time to seat with them their whole meal. But I remembered that I managed to serve them well, personally.

I looked one by one of their profile. Yung Jay yung mahilig mag status.

Yung huling post niya is; "Will be out with the girls later. Same place babes."

Well, that's my clue. Saan ba pwedeng pumunta 'tong mga to?

I checked the comment box.

Puro "Sama ako" o kaya "Hot" "Sexy" "Will be there" ng mga iba't ibang lalaki ang nakalagay. Ganito din kaya pag nag i-status si Alex? No. I hate that thought.

Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon