12: Dark Chevy

187 3 1
                                    

Chapter 12:

(Alex's POV)





"Goodmorning Tiddy! How are you today?" Bati ko kay Tiddy na nag-aagahan pagkadaan ko sa dining.

Nakabihis na ako at papasok na rin, pero parang nagparamdam ang mga dragon ko sa tyan kaya naman naisipan kong magbreakfast muna at umupo sa katabing upuan ni Tiddy.

"Ang ganda ata ng gising natin ngayon Cone?" Pagpuna nito. Ngumiti lang ako at tahimik na kumuha ng pagkain sa lamesa at maganang kumain.

"Mukhang gutom na gutom ka ata?" Pagbubukas ni Tiddy ng usapan.

"Napalaban kasi ako kagabi Tiddy, ayun, ginutom tuloy." Tumango lang naman siya sa sagot ko at hindi na muling nagsalita pa.





"What's for breakfast?" Biglang sulpot at sabi ng pagod na pagod na si Cliff. Bagong ligo ito at mahahalata mo na wala pang maayos na tulog. Umupo siya sa upuan na nasa tapat ko. Tiningnan ako ni Tiddy. Nagkunwari naman ako na walang alam o pakialam. Kain lang ako ng kain.

"Why are you here Clifford? Mayroon ba akong dapat malaman?" Mahinahon pero seryosong tanong ni Tiddy sa anak niyang pasulpot sulpot.

"Would anyone fill me in? Ano na naman ang nangyari at bakit ka narito Clifford?" Untag na naman sa amin ni Tiddy.

"Hay, ang sarap ng breakfast. Ang sarap ata ng pagkakaluto ng hotdog ngayon ah?" Nakangisi kong sabi to lighten the darkening aura ni Tiddy. Kaso. . . wrong move ata?

Mas dumilim at tumaas pa kasi yung tensyon sa paligid. Walastek na bibig 'to, pahamak!

"Clifford?" Hindi din nagsasalita si Cliff. Tuloy lang ang pagkain nito.





"Wala ba talagang magsasalita sa inyo ha?" Napatigil kami ni Cliff ng magtaas si Tiddy ng boses. Nagkatinginan kami. Sumesenyas ito na magsalita daw ako. Well, ako talaga? Tinuro ko pa yung sarili ko, asking him if he was sure na ako yung pagsasalitain, at um-oo naman siya.

Great!

I have a better idea. Hahahahahaha!





"Ano po kasi Tiddy. . . The reason why. . . Uhm, between Cliff and I. . . may nangyari. . ." I said that with a very low and slow voice. Napabagsak yung fist ni Tiddy sa lamesa kahit hindi pa ako tapos magsalita. Nagulat din maging si Cliff. Pinandilatan ako ng huli.

"Sorry Tiddy. Ayaw sana naming itago to sayo kaso..."

Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon