Chapter 11:
(Alex's POV)
Mabilis akong tinalikuran ni Cliff pagkatapos akong halikan nito.
Like what the Fvck?
I touched my lips unconsciously.
Still unable to move. Feeling ko may aftershock pa 'tong pakiramdam na 'to. Umiikot kasi ang tyan ko.
Maje-jebs na ata ako? Tama je-jebs– whaaat? Walastek talaga. Napapa-iling nalang ako sa naisip.
"Wants more of it?" Narinig kong sabi nitong unggoy. Humarap pa pala ito para mang-asar bago ako talikuran muli at maglakad papalayo. Napabalik ako sa tamang pag-iisip pagkarinig sa boses nito. Agad ko siyang hinabol-takbo. Sabay binatukan ko narin ng pagkalakas-lakas.
Full force! 'Yung sobrang lakas na kaya ko, kahit pagod pa ko sa kakatapos lang na laban. At kahit na nanlambot padin ako, hindi dahil sa nagdaang laban kundi dahil sa halik na iyon. Fvck.
Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi pwedeng maapektuhan ako ng dahil lang don. Psh!
Napayuko si Cliff. Hawak-hawak nito ang parte ng ulo na binatukan ko. Nilingon naman niya ako.
"Aray! Para saan yon?"
"Aba! Anong para saan, para sayo gago! Para yan sa kalokohan mong unggoy ka! Dapat ako ang nagtatanong niyan sayo! Para saan yung paghalik-halik mo sa akin kaninang gago ka?!" Here goes my long lines! Walastek, hindi ko ma-preno bibig ko. Sasabog na ata ako sa asar.
"Kung hindi ka ba naman siraulo! Hay nako! Dinadamay mo pa ako sa mga babae mo! Please lang, h'wag mokong isama sa mga conquest mo. Spare me! I hate you!" Tuloy-tuloy na litanya ko rito. Nanggi-gigil talaga ako sakanya. Bigla naman ay parang gumuhit ang sakit sa mga mata nito na-animo'y siya pa ang dapat masaktan. I just ignored it and continue talking or shouting rather in his face.
"At tyaka, ano yung 'quit fighting' quit fighting mo pang nalalaman ha?" Tinitigan ko ito ng matiim Nagseryoso naman si Cliff. Lumapit pa ito sa akin at hinawi ang ilang buhok na humaharang sa mukha ko.
Napatingin ako sa mukha niya.
Sa ilong niya.
Sa pisngi.
Sa labi. . .
*gulp*
Bakit ba kasi lumalapit na naman siya ng ganito?
Pero teka, dati naman hindi ako naaapektuhan kahit na mapalapit pa siya ng sobra sakin ah? Jusme! Ano ba 'tong nangyayari sakin?
"What I mean is..." Pabitin pa talaga. Mga nalalaman eh. Psh.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...