21: His Realization

172 2 0
                                    

(A/N:

We're back to Alex's point of view na dito. Connected ito sa Chapter 15, Sweet Escape kung saan huling nag-appear ang last POV ni Alex. Ni-remind ko lang, para iwas lito langs..

Another thing, this chapter is SPG. It contains some words and scenes that may not be suitable for very narrow minded readers. Bawal ang 18 y/o pababa. Skip mo na 'to! Pero dahil alam kong pasaway ka, BAHALA KA! Hahalol!

Basta, Read at your own Risk.

'Yung lang! Osya, enjoy reading, love.

- Jinit 💛)
______________________________________

Chapter 21:

(Alex's POV)






Bakit parang ang bigat ng balikat ko?

Ugh! Nakakatamad pang dumilat, inaantok pa ako.

Gumalaw bigla yung parang nagpapabigat sa balikat ko.

Sinilip ko kung ano ba 'yun.

Holy fvck.

BAKIT MUKHA NI CLIFF YAN?!

At kailan pa siya nandyan?

Nanlalaki yung mata ko, kinutusan ko nga ito.

"Araaaay!!" Ini-angat nito ang ulo mula sa pagkaka-yukyok at humarap sa akin.

Nagkalapit tuloy ang mukha namin sa isa't isa.

"H'wag kang gagalaw." Mariin na sabi ko.

Mukhang nahalata naman nito ang iniiwasan ko kaya naman biglang todo ngisi ang kumag.

"Eh kung ayoko? Hmm?" At ang hudas mukhang nanadya pa. May kakaiba na namang ngiti ang naglalaro sa mga labi. Ang aga-aga nang aasar pa talaga!

Nilalapit nito yung ulo niya. Inilalayo ko naman yung akin.

"Hindi mo ba matandaan? Pumayag kang kasama ako." Umiling ako. Bukod sa ayokong magkamali ng galaw at mapahalik sakanya. Bagong gising palang kaya ako. What a morning breath for sure.

"Pwes, ipapa-alala ko sayo." Palapit siya ng palapit.

"Okay. Okay na. Bahala ka sa buhay mo. Bababa lang ako." Hinarangan ko ang nagbabadyang paglapit nito. Nakipag-apir lang naman yung palad ko sa mukha ni Cliff. At ang gaspang potek.

Tumayo na ako dala yung bag ko. Nasa loob na kasi kami ng barko ngayon.

Bumaba na rin ako para kunin yung kwartong pina-reserve ko dito.

At grabe lang dahil alas-otso na ng umaga pero malamig pa rin na parang madaling araw.






Dumerecho ako sa information.

Pagkakuha sa susi ng cabin ay pumunta agad ako sa designated room ko.

Pagkapasok ko sa kwarto, inihagis ko lang yung gamit sa kama at nagderecho sa banyo.

Lagkit na lagkit na ako sa sarili ko.

I took a quick shower at lumabas. Buti pala nagdala ako ng extra clothes. Pagkabihis ko naman, inayos ko lang yung gamit ko. I dried and pony my hair. Good thing rin at hindi na kailangan pang bendahan ang mga kamay ko. Buti nalang at hindi ito napansin ni Cliff. Napaka-usisero pa naman ng isang 'yun.






Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon