18: The Story Behind

129 1 0
                                    

Chapter 18:

(Clark's POV)






Gabing gabi na pero napabangon pa ako ng tawagin ng aming kasambahay dahil may dumating raw na bisita. Si Nathan lang pala na matalik na kaibigan ni Cone. Ganun ata ito ka-importante para sadyain pa rito sa bahay. Ano naman kayang problema ng batang iyon?

Nadatnan ko siyang nasa sala at nakaupo.

"Iho, gabing gabi na ah?" bungad ko sakanya. Hindi niya kasi ako agad napansin. Mukhang malalim ang iniisip nito.

"Tito..." Napatayo ito.

"Maupo ka na muna." At sabay kaming naupo. Tumawag din ako ng katiwala para magpatimpla ng kape.

"Ano bang sa atin Nathan at gabing-gabi na eh sinadya mo pa 'ko?" Deretyahan kong tanong rito.

"Ah, tito, alam niyo po ba kung nasaan si Alex?" Bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. Ako man, ay nag-aalala din pero hindi ko dapat ipakita iyon dahil baka manghina lalo ang loob nila.

"Alam mo naman iho na hindi ipinapaalam ni Alex kung saan siya nagpupunta sa mga ganitong araw hindi ba?"

"Alam ko po. Pero wala ho ba siyang nabanggit man lang kung saan siya maaaring tumuloy ngayon?"

"We both know naman na sobrang malihim niyang tao, kaya imposible ang tinatanong mo. Bakit, may nabalitaan ka ba na kung ano para mag-alala tayo ngayon?" Napatigil ako bahagya. Naalala ko kasi ang itsura ni Alex nang umuwi siya kanina rito. Hindi naman panigurado tungkol iyon sakanila ni Cliff dahil gaganti na iyon o kokomprontahin ako agad kung iyon nga iyon.

Iniisip ko kung dapat ko pa bang i-kwento pa iyon sa batang ito. Sa huli, napagdesisyunan kong hwag nalang para hindi na siya mag-alala pa lalo.

"Magtiwala nalang tayo kay Alex, Nathan. Alam mo naman na matalino at malakas na babae iyon. Kaya na niya ang sarili niya." Pagkumbinsi ko sakanya pati narin sa sarili ko.

Nawa'y magkatotoo nga iyon. Sana nga'y hindi mapaano si Alex. Nawala kaunti ang tensyon sa mukha nito. Nabawasan na siguro ang pag-aalala niya.

"Tama ho kayo. Sige po tito, pasensya na ho sa istorbo. Sadyang hindi lang ho kasi ako mapakali na hindi nalalaman kung nasaan si Alex ngayon. Lalo na't alam kong nasa Pilipinas lang pala siya pero hindi ko naman alam kung saan banda." Tumango lang ako. Ibang klase din itong binata na ito. Maswerte si Cone sakanya. Kung nabubuhay lang si Greg, malamang magiging masaya din ito dahil napapalibutan si Alex ng mga mabubuting tao na nagmamahal sa anak niya.

Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon