Chapter 25:
(Alex's POV)
Past seven na nang makauwi kami kanina. Naghapunan lang kami tapos dumerecho na sa kanya-kanyang kwarto.
My friends have their own room in the third floor. While I am occupying the master's bedroom here at the second floor at yung kay Cliff yung room ko naman daw dapat noon.
Speaking of Cliff. . .
Bago kami maghapunan kanina, nakakapagtaka na hindi siya sumabay sa amin.
Ang akala ko ay masama lang ang pakiramdam nito kaya nang akmang aakyatin ko na ay biglang nagsabi si nanay na nagpaalam ito na magpapahinga nalang daw muna at hwag nalang daw tawagin kung maghahapunan man na.
It's already 10pm now at nasa kanya-kanyang kwarto na sila Venus at nagpapahinga. Samantalang ako, heto, hindi parin inaantok kahit wala pa rin akong matinong tulog.
Grabeng utak naman 'to, ayaw pa magpahinga.
Makababa na nga lang.
Gusto ko ng mainit na tsokolate. 'Yung matamis na hot chocolate para sure diabetes. Lol. Sakto, marami pa naman akong biscuits na binili. Sarap ka-pares!
Saktong pagkalabas ko ay siyang pag balik na pala ni Cliff sa kwarto nito.
Napatingin agad ako dito.
Katapat ko nga lang pala kasi ng kwarto 'tong mokong na 'to.
"Hey, ngayon ka lang kumain?" Pagbati ko sa nakatalikod na si Cliff sa akin. Lumingon siya at tumango. Pero bakit ganun?
Malamig na titig nito ang sumalubong sa akin. Ni-ayaw niya akong tingnan sa mata.
Ano na naman kayang problema nitong unggoy na 'to?
Nakatungo lang ito at hindi nagsasalita.
"Uhm, sige, goodnight." Sabi ko nalang. Nagmadali na akong bumaba agad. Hindi ko na siya in-intay pa na makapasok sa kwarto niya at sumagot sa tanong ko dahil mukhang wala naman siyang balak na sagutin pa ako.
What's wrong with you Cliff? Sarap mong sipain.
Dumerecho nalang ako agad sa kusina at nagtimpla ng pakay ko. Kumuha nadin ako ng biscuits sa cupboard at nagpunta sa dining para doon kumain.
While eating, naisip ko na naging kakaiba ang araw ko ngayon.
Habang iniinom ang mainit na tsokolateng ito, napagtanto kong hindi ko na gaanong naramdaman kung ano nga ba ang mayroon sa araw na 'to.
Sounds unreal.
Oo at naalala ko pa rin, pero atleast nabawasan 'yung oras na ginugugol ko sa kakaisip kagaya ng mga nakaraang taon.
Mga oras na puro paninisi sa sarili ko.
Oras na inuubos ko sa pagbabalik tanaw at maghapon na pagpapatangay sa lungkot.
Ang daming nangyari.
Sa totoo lang, I prayed na sana this day of the year may end differently, just like how unexpected I was sa mga unplanned and uninvited people who crashed my "supposed to be private day".
Unlike before na kapag ganitong araw mag-isa lang ako, nasa malayong lugar at madalas malalim ang iniisip.
Today, I am surrounded with lot of people.
First time ko na hinayaan si Cliff at ang mga kaibigan ko na samahan ako ngayong araw. It was unplanned, but I think it helped a lot.
Their presence, na dati ay ayokong hayaan na makagulo sa akin ay hindi naman talaga nakagulo.
BINABASA MO ANG
Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)
ActionMeet Alexandra Phoebe Fontanilla Araza or also called Apa, Cone, Alex, A, Fibi and so on. She has too many aliases to mention. She's not the typical girl you can easily read. She's someone with ample of issues in life. Someone who certainly and deep...