6: I Have. . . No Partner

201 6 0
                                    

Chapter 6:

(Alex's POV)

"Sa palagay ko ay kilala niyo na naman ang isa't isa. Kaya naman, bago ko tuluyang tapusin ang araw na ito, gusto kong humanap kayo ng isang makaka-pareha ninyo sa requirements na ipapasa niyo next meeting. Ang requirements, pumili ng kahit na anong published book ni Rizal at gawan ng summarization, with the list of characters, synopsis and reaction. Bahala kayo kung paano niyo hahatiin— blah blah blah..." At nagkagulo na nga sa room. Akala mauubusan ng makaka-partner? Psh.

"Any questions?" Walang sumagot.

"I guess, that's all for today. See you next meeting class." at inayos na ni prof G ang mga gamit niya bago umalis.

"Bye sir!!!" Sigaw na naman ng mga Stove girls. Ipagdadasal ko nalang siguro ang mga voice box nila.

Nang makalabas na ng tuluyan si prof G, mas umingay pa lalo sa room. Kanya kanyang tayo at pili ng makakapartner ang mga ate at kuya mo. Parang nagkakaubusan ng matinong makaka-grupo. Sabagay, bilang lang sa daliri sa isang kamay ko ang matino dito. At isa na'ko dun.

May angal?

Well, who's gonna be my lucky partner? Hmm?

I search for anyone na willing. But sadly, alam na. Wala. No one even dare to look at my direction.

Kaya nag-ayos nalang ako ng gamit ko para makalayas narin sa magulong kural na ito.

Kasalukuyan kong hinahanap na naman ang susi ng sasakayan ko ng maya-maya'y parang may nangangalabit sa akin.

Hindi ko ito pinansin. Busy kasi ako sa paghahanap talaga. Ang lalim kasi ng bag ko eh, bwiset.

Ilang beses pa akong nakaramdam ng pangangalabit ngunit binabalewala ko ito.

(>_>)/

Nasa aktong kakalabitin pa sana ako ulit nitong katabi ko pero nabitin sa ere ang kanyang kamay ng lumingon ako.

"Uhm. . . Hehe!" Pa-cute na bungad ni Banyo King sakin habang nakamot sa bandang sentido niya.

"Why?" I asked in an uptight manner.

"Uhm, ano... May partner kana ba?" Jusme po, pa-cute na naman.

"I have." Well? Let's try this bathroom singer.

"Ah, ganon ba? Wala pa kasi ako. Sige." Wtf. Did he just pout and use a puppy fvcking face for pity? In all fairness, bago ah? Nalungkot ang mukha. Parang mas bet ko 'yung ganun.

Stupidity to Infinity ∞ (UNDER MAJOR REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon