"I, Craig Siegel Sandoval, take thee, Megan Cecilia Madrigal, to be my wedded wife, to have and to hold, from this day forward, for better, for worse, for richer, for poorer, in sickness and in health, to love and to cherish, till death do us part, according to God's holy ordinance; and to that, I pledge thee my pledge myself to you."
Isinuot niya sa akin ang sing-sing. Gusto kong ngumiti dahil sa wakas ay ikakasal na kaming dalawa. Na sa wakas, sa hinaba haba nang panliligaw ko sa kanya ay kinasal na din kaming dalawa. Sa wakas, sa akin na 'yung taong mahal na mahal ko.
Pero bakit ganoon? Hindi ako makaramdam nang kahit konting saya? Ganoon ba talaga pag kinakasal? Hindi masaya? Pero bakit sa lahat nang napuntahan kong kasalan ay masaya naman ang ikinakasal? Bakit parang baliktad ang sa akin?
Nilingon ko ang mga tao at ang paligid. Everyone is on their white best suits and gowns. Gaya nang gusto kong kasal, ganoon ang nangyari. Maayos naman ang lahat. Naka ngiti ang lahat. Para silang tuwang tuwa sa aming dalawa pero...
"Megan," Tawag ni Craig
Bumaling ako sa kanya, "Ha?"
Mariin ang titig niya sa akin at ang kanyang panga ay umiigting.
"Don't tell me you're having second thoughts of marrying me?" Iritableng tanong niya.
Mabilis akong umiling bago binalingan ang pari na nagkakasal sa aming dalawa. Humingi ako nang tawad pagkatapos ay saka ko sinabi ang pledge ko para kay Craig pagkatapos ay isinuot sa kanya ang singsing.
"Throughout this ceremony, Megan and Craig have vowed, in our presence, to be loyal and loving towards each other. They have formalized the existence of the bond between them with words spoken and with the giving and receiving of rings. Therefore, it is my pleasure to now pronounce them husband and wife. You may now kiss your bride!" Ani ng Pari
Itinaas ni Craig ang belo ko. Nilingon niya ang mga tao sa paligid. Narinig ko pa ang mga kaibigan niyang kinakantyawan siya ngunit hindi niya pinansin ang mga 'yon. Inilingan lang niya bago siya muling tumingin sa akin.
"Kiss!" Malakas na sigaw ni Stephie.
Lilingunin ko sana siya nang hawakan ni Craig ang pisngi ko at marahan iyong haplusin. Sa sobrang rahan ay parang gusto kong pumikit at namnamin iyon ngunit hindi ko magawa dahil sa mga mata niyang nakatitig din sa aking mga mata. Nakakahumaling ang matingkad na kulay nang kanyang mata.
Semi-shaved ang magkabilang gilid ng buhok ni Craig at maayos ang pagkakasuklay sa gitna. He has a deep golden brown eye-set framed by long and thick eyelashes, pointed nose, naturally red lips and dimples on his cheeks.
Kinakabahan ako. This is my first kiss, and I don't even know how to kiss!
Bago pa ako makailing sa kanya na sa pisngi ako halikan ay inilapat na niya ang mainit at malambot niyang labi sa akin. His soft lips grazed the entire of mine. Nanlaki ang mata ko. He softly bit my lower lips and sucked it like he's determined to enjoy a very fines dessert. Halos iwanan ako nang huwisyo ko sa ginawa niya.
Ngumisi siya at tumigil pagkatapos nang halik na iyon saka lumingon sa nagpapalakpakang mga bisita. Hinapit niya ang beywang ko at mas inilapit pa sa kanyang katawan. Nanatili ang titig ko sa kanya. Ni hindi ko na marinig ang ingay nang paligid. Isang halik. Isang halik lang niya ay halos mawala na ako sa katinuan ko.
"I can't wait to get you home, wife." Bulong niya
Ang mainit na hininga niya ay ramdam ko sa aking tainga. Ramdam na ramdam ko ang pagtindigan nang mga balahibo ko sa init noon. Kahit kailan ay hindi ko pa naramdaman ito sa kahit na kanino. Is this because I am head over heels to him? Is this because I am so in love with him that's why I almost faint with just his hot breathe?
BINABASA MO ANG
Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)
General FictionMegan Cecila Madrigal is married to Craig Siegel Sandoval. She expected her marriage to be plain and empty because it was just a marriage of convenience, despite the fact that she loves Craig so much. She settled with everything that Craig could giv...