Kabanata 43

8.8K 183 3
                                    

#Kab43

Ang sabi ni Craig ay hindi daw makakapunta si Barry dahil may inaasikaso daw itong mahalaga and I learned that Barry is part of the investigation I am in.

Hindi na lang ako masyadong nag tanong pa kay Craig tungkol doon. Bukod sa takot ang nararamdaman ko, hindi pa rin ako ganoon ka kumportableng pagusapan iyon.

Inabala ko ang sarili sa kompanya nang ilang linggo habang si Craig ay abala din sa ibang bagay. He's too focused on lots of things lalo na't sumunod sunod ang imbita sa amin sa iba't ibang occasions at charities.

Two months gone by so fast. Binuksan nilang muli ang kaso tungkol sa car accident ni Craig at kinausap ko naman si Mama tungkol sa kidnapping case sa akin noon. She didn't disagree pero kita ko ang takot sa kanya simula noon.

"I am leaving." Anunsyo niya.

Nagka tinginan kami ni Craig. Kumunot ang noo ko bago siya tinitigan. She wipes her mouth with the table napkin bago nag salitang muli.

"I already booked a flight next week." Aniya

Ibinaba ko ang hawak na kutsara saka nag punas din gamit ang table napkin, "Bakit? Hindi mo man lang nasabi sa akin ito?"

She chuckled at my response, na para bang may nakakatawa sa sinabi ko, "Hija, I'm just telling you now. Kagabi lang naman ako nag decide--"

"And you didn't tell me before you decide on your own. Wala akong kaalam alam?"

Umirap siya at hinawakan ang kamay ko. Agad kong iniwas iyon at saka kinuha ang kopita para uminom nang kaunting wine. I want to show her how I am not pleased with what she told me.

I felt Craig hold my hand. Napatingin ako doon bago umangat ang tingin ko sa kanya. He's looking at me intently as if asking me to listen first. I sighed before pulling my hand.

"Look, I know what you are feeling right now, hija, pero hindi mo  mawawala sa akin ang takot." Aniya

"Paano naman ako, Ma? Takot ka? Ano pa ako?" Saad ko bago muling uminom ng wine at ibinaba iyon, "I'm scared like you. Bawat gabi naiisip ko yun."

She licked her lower lips and lean on the table as she clasps her hands together, "Craig is here. He will do everything to protect you. Alam kong kahit wala ako dito, gagawin lahat ni Craig para maprotektahan ka."

"I know that. Craig can protect me by all means, and he can protect you, too! Kaya kong protektahan ka, Mama! Bakit kailangan mo pang umalis?"

Umiling siya at ngumiti sa akin bago muling hinawakan ang kamay ko, "Alam ko, hija. Ngunit kung nandito ako, mas makakadagdag pa ako sa aalalahanin ninyo. I can take care of myself at wala silang magagawa sa akin as long as I am not here in the country."

"I don't care, Mama. Sa bahay ka tumira, I will give you more men to guard you and... And..." I sighed in defeat. Nag unahan nang pumatak ang luha ko at hindi ko na napigilan iyon.

Mabilis naman akong dinaluhan ni Craig at hinaplos ang aking likod. Mama stayed still and keep quiet as she watched me cry. Natatakot ako hindi lang para sa sarili kundi para din sa kanya. Alam kong kaya akong protektahan ni Craig lalo na't nakita ko na din si Joseff.

Ngunit hindi ko ata kayang hindi ko kasama si Mama ngayon sa ganitong mga panahon.

In the end, I don't have any choice but to agree. That's what she wants and all I can do is to plan everything with her.

I kissed her cheeks and hug her tight. She did the same before caressing my cheeks.

"Contact me from time to time." Aniya bago ako muling hinalikan sa pisngi.

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon