Wakas

20.8K 408 181
                                    

Warning: A long ending. Bear with me.
PS. Thank you for reading my Craig's story! I hope you enjoyed.

#UnwantedWifeWakas

Megan Cecila Madrigal is my dream girl. I had a huge crush on her since college. Kaya naman nang mabalitaan kong ikinasal siya kay Armando Aboitiz ay sobra sobra ang galit ko.

She's only fucking 18 years old! Hindi ko matanggap na sa lalaking yun lang siya babagsak. I knew they needed money for their company ngunit hindi naman ata sapat na dahilan iyon para ipakasal siya sa lalaking hindi naman niya gusto.

Ilang beses ko silang nakitang magkasama noong college. Armando and I are ahead of Megan. Kaya nagtataka talaga ako. I don't believe in fix marriages to last. Ngunit kung iyon lang ang dahilan ay gagawin ko.

When my father told me about my fix marriage with a Gonzales, hindi na ako humindi. My Megan is married, even though I am willing to be just her another man, I still don't know if she's willing to commit such sin with me.

But if that sin includes Megan, then I am willing to go to hell with her.

Nang mabalitaan ko ang nangyayari sa kanya, tinalikuran ko ang kasal na dapat ay para sa akin. Halos mabaliw ako gabi gabi kakaisip kung anong ginagawa niya o kung ano ang ginagawa sa kanyang nang lalaking iyon.

Noon pa lang ay hindi ko na gusto si Armando at mas lalong hindi ko na siya ginusto sa t'wing makikita ko silang magkasama ni Megan.

Megan and I are good friends. Siguro habang mayroon sila, sapat na sa akin ang maging kaibigan na lang muna at nang mabalitaan na ikinasal na siya ay gumuho ng husto ang mga pangarap ko, hindi lang para sa sarili kung hindi ay para sa aming dalawa din.

Para akong gago na magpa-park ng kotse sa harap ng bahay niyo para lang mag antay kung kailan ka mapapatingin man lang. Kung kailan ka lilingon. Kung kailan ako naman. Kahit sandali lang. Kahit segundo lang. Ako naman yung tignan mo.

"Are you insane?" Tanong ni Stephie sa akin

Hindi ko siya sinagot at ininom na lang ang whiskey na nasa basong hawak ko.

"Armando will spitfire on you." Aniya

Umiling ako at nilingon siya. Naka upo si Stephie sa sofa habang inililibot ang mata sa buong bahay.

"He won't know if he won't suspect and if you will shut your mouth." Sagot ko.

Tumawa si Stephie sa akin, "Tignan mo nga naman, nababaliw ang Sandoval na ito."

Suplado ko siyang inilingan bago tumalikod na lang muli at nilaro ang basong may whiskey. She's right. Nababaliw na nga ako. I bought a fucking house just in front of a woman I love who's already married to someone else. Pero putangina, kahit ano bibilin ko, kahit ano gagawin ko, para sa kanya. Para kay Megan.

Araw-araw at gabi-gabi akong naka bantay sa bintana, nag babakasaling makita ko siya ngunit magaling din si Armando. Bantay sarado ang buong bahay nila. Bukas ang mga kurtina nang bahay maghapon ngunit hindi makikita ang loob at sa gabi naman ay sarado ang mga kurtina.

Minsan, Sasabayan ko si Megan kapag papasok siya sa paaralan. Makikipag kwentuhan kapag free time. Susundan pauwi at saka uuwi sa bahay ko para lang bantayan muli siya.

Hindi ko kaya ang ganito. Sumasabog ang puso ko. Nahihirapan na ako.

"Bakit hindi ka mag confess?" Saad ni Stephie

Umangat ang tingin ko sa kanya, "How stupid, right? Bakit nga ba ako hindi na lang mag confess ng pag ibig sa babaeng kasal na?"

Umirap si Stephie sa akin, "Sabi ko nga... Eh! Kesa naman kasi ganyan ka diba? Napaka hirap kaya nang hindi mo man lang masabi yung nararamdaman mo. Hindi naman kasi porke't mag coconfess ka eh maghihiwalay na yung mag asawa."

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon