#Kab50LastChapter
Kabado ako habang nag aantay kung sino ang dadating o kung sino ang mauunang dadating. Kung si Craig ba o si Archer? O kung sabay ba silang dadating dito?
Hindi ako mapakali sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung ano na ba ang nangyari sa kanila? Kung ligtas ba sila? Hindi ko alam.
Nilingon ko si Daniel habang kinakausap ang bangkero. Hindi ko alam kung anong plano nila, ngunit kung plano ito ni Craig para maging ligtas ako ay hahawak ako dito kahit anong mangyari.
Bumaba ako ng sasakyan. Tumuwid nang tayo si Daniel nang makita ako. Lumapit ako sa kanya habang yakap yakap ang sarili. Sandali siyang nakipag usap sa bangkero bago niya ako binalingan.
"Wala pa bang text man lang o tawag sa kanila?" Tanong ko
Umiling si Daniel sa akin, "Wala pa, Ma'am."
Huminga ako nang malalim at tumahimik na lang. Ilang sandali lang ay tumunog na ang cellphone ni Daniel. Kinuha niya iyon mula sa bulsa niya at saglit akong tinignan bago sinagot ang tawag.
"Sir," Sagot niya bago lumayo sa akin.
Hinaplos ko ang magkabilang balikat ko at inantay si Daniel sa ibabalita niya. Ilang minuto lang ay dumaretso siya sa akin.
"Ma'am, utos po sa akin na mauna na tayo. Susunod na lang daw po sila."
Mabilis akong umiling sa sinabi niya, "Pero bakit? Sino ba ang nakausap mo? Saan tayo pupunta?" Natataranta ako habang sinusundan si Daniel na umikot sa likod ng van para may kuhanin na isang malaking itim na bag pack.
"Pasensya ka na, Ma'am. Kailangan ko sumunod sa utos sa akin." Sagot niya bago nag lagay ng isang baril sa likod at isang maliit na knife.
"Ano bang plano niyo? Alam kong may plano kayo!"
Kinausap ni Daniel ang driver ilang sandali bago nagmadali itong idrive ang van paalis sa lugar. Sinundan ko lang siya hanggang makipag usap naman siya sa bangkero.
"Hindi naman delikado papunta 'don, Manong?" Tanong niya
"Hindi naman, Sir! Maayos naman ang panahon ngayon." Sagot ng bangkero.
Naiinis na ako. Nilingon kong muli ang daan kung saan nag punta ang sinakyan kong van kanina. Ilang sandali lang ay may paparating nang sasakyan. Napatayo si Daniel at inaninag din ang sasakyan.
Hinila niya ako sa kanyang likod at handa ang kamay sa pag bunot nang kanyang baril nang huminto ang sasakyan sa aming harapan. Nang mamatay ang headlight ay bumaba din si Archer mula doon.
Agad na sumaludo si Daniel sa kanya. Hawak hawak ang kaliwang bahagi nang tyan, lumapit si Archer sa amin. Doon ko lang naaninag ang dumudugong bahaging iyon nang kanyang katawan.
I gasped as I saw him. Mabilis siyang dinaluhan ni Daniel at inalalayan.
"Where's Craig?" Mahinang saad ni Archer
Kumunot ang noo ko sa kanyang tanong.
"Hindi ko alam! Akala ko'y magkasama kayo?" Natataranta kong sagot habang pinag mamasdan siyang nang hihina at halos hinahabol ang hininga habang hawak hawak ang tyan na puro dugo.
BINABASA MO ANG
Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)
General FictionMegan Cecila Madrigal is married to Craig Siegel Sandoval. She expected her marriage to be plain and empty because it was just a marriage of convenience, despite the fact that she loves Craig so much. She settled with everything that Craig could giv...