Kabanata 26

14.2K 430 27
                                    

Bench's seventh birthday happened. Iyon din ang naging way para ipakilala nila Cassie ang anak sa public.

Hindi naging madali ang mga nangyari sa kanila lalo na't sunod sunod ang issue sa kanila sa mga nagdaang mga buwan.

Buti ngayon, masaya na sila. I'm happy for Bench. Kumpleto na ang pamilyang matagal na matagal na niyang hinihiling.

"Mama Megan! Tol!" Sigaw ni Bench sabay takbo palapit sa amin.

Ngumiti ako at bahagyang pumantay kay Bench para mayakap siya.

"Happy birthday, big boy!" Bati ko

"Thank you, Mama." Aniya bago humalik sa pisngi ko at kay Craig naman lumapit.

"Happy Birthday, brat boy." Ani Craig bago ginulo ang buhok ni Bench na ikinasimangot naman nito.

"Tol naman, eh! Not my hair!" Anito bago inayos ang buhok, "Si Dad nagayos ng hair ko!"

Natawa ako ganun din si Craig na lalong ikina simangot ni Bench.

"Hindi tayo bati, tol!" Sabi ni Bench bago ako hinawakan sa kamay, "Mama Megan, halika na nga dun. Dun ka sa table kasama si Sweetheart. Iwanan mo na yan si tol dyan. Pangit naman nya, eh."

Lalo akong natawa habang nagpatianod na lang kay Bench papunta sa table. Nang makalapit ay agad akong lumapit kay Mama para humalik, ang mother ni Craig, saka sa kay Papa, ang tatay niya, at huling huli kay Cassie.

Sa likod ko ay si Bench na nakikipag asaran pa rin kay Craig. Bumati din siya sa pamilya niya bago kami naupo.

Maingay at madaming tao ang party. Madaming naimbitahan. Dahil na din talaga sa laki nang pamilyang Sandoval at lalong lalo na ay dahil kilalang kilala si Cassie at ang tatay ni Bench publicly.

Naglapag nang pagkain si Craig sa harapan ko bago naupo sa tabi ko.

"You want anything else?" Tanong niya

Umiling ako, "Ayos na 'to." Sagot ko

Sa dalawang buwan na nagdaan, mas maayos na kami ni Craig ngayon. Each day, I'm already letting go of the things that hurt me and jailed me in the past without me knowing.

Ngumiti si Craig sa akin bago nakipag batian sa mga kamag anakan pa na dumating. I smiled back at him.

I realized that I am more than okay now. That I'm a lot happier and stronger. I am at peace and starting to collect every shattered piece of my broken self.

Self-love is not being greedy. It is not also a bad thing. It will actually be your shield and the source of strength.

I also realized that self-love will lead you to a better life. I am just waiting for me to finally heal, and the scars that wounded me will be forever in me but won't hurt me anymore.

Tumayo ako nang ipakilala ni Craig sa kanyang pinsan. They have the same deep set of eyes and nose. It's just that Craig has the soft features while his cousin has the rough sides.

"Ikaw ba? Kailan ka ba ikakasal?" Tanong ni Craig sa pinsan

"Oo nga! Dapat mauna ka na!" Ani Cassie

The man laughed at them, "Mauna ka muna, Cassandra."

Hindi ko na masyadong nasubaybayan ang usapan nila dahil hinila na ako ni Bench para manood nang magic tricks nang isang clown na hinire nila.

The party was a blast. Covered by the media, of course. Nakilala ko na din ang ibang pinsan ni Craig na wala noong kasal namin dahil may sari sariling mga buhay.

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon