Kabanata 35

9.7K 240 7
                                    

I pushed his wheelchair near the swimming pool. Inilapag naman ni Jonah ang tray ng pagkain sa table.

"Ma'am, iiwan ko na po dito yung pagkain niyo. Kung may kailangan pa po kayo ay tawagin nyo na lang po ako." Aniya

Tumango ako sa kanya at nagpasalamat. Every morning, inilalabas ko si Craig para maarawan.

Ilang buwan bago tuluyan nagising si Craig. Wala naman ibang complications pero dahil na din sa aksidente ay naapektuhan ang kanyang mga paa at nakalimutan ang ilang mahahalagang bagay sa kanya. He can't feel his legs and move it.

Craig on his vegetative state is not that easy. It took us from months to one year for him to recover.

Nilingon niya ako. Ngumiti ako at humawak sa balikat niya. Hr lost too much weight and he became skinny. Taliwas sa Craig na maganda ang katawan but despite that, kahit ang mukha niya ay halos maging bungo sa payat ay ganoon pa rin siya kagwapo. Ang biloy sa kanyang pisngi ay nanatili ngunit hindi na ganoon kahalata.

"Can I have water first?" Tanong niya

Tumango ako, "Dito ka na muna. Wag kang malikot." Sabi ko at nilock ang wheelchair.

Dumaretso ako sa tray na dala dala kanina ni Jonah at kinuha ang tubig. Sabi ng Doktor ni Craig, malaki ang epekto nito sa kanya lalo na ang hindi inaasahan na pagka imbalido ng kanyang mga paa.

Craig's Father knew something is not right with the incident. We all knew how careful Craig when driving. Lalo na at palagi kong ipinaaalala sa kanya ang magingat.

The investigation says it is really an incident. They detained the truck driver pero dahil lahat ng evidence ay na kay Craig na mabilis magmaneho, pinalaya din nila ang truck driver.

With the help of the Montefero's, they decided to hire someone inside the police investigation to investigate everything privately.

Wala akong alam sa mga nangyayari habang abala ako kay Craig noon sa hospital. Ang alam ko, may file case again Craig for reckless driving and isang kaso galing sa truck driver.

Ikipinagtaka ko ang kasong isinampa ng truck driver kay Craig. Wala naman kahit anong nangyari sa kanya pero nakapag sampa pa sya.

Wala na akong nalaman o narinig na kahit ano tungkol sa nasabing kaso pero ang huling alam ko ay ginagawaan na nila ng paraan.

Sa susunod na linggo ay may hearing tungkol sa kaso ni Craig. Pupunta kami para dumalo. Ang family lawyer ng mga Sandoval ang bahala sa lahat nang iyon. Kailangan lang magpakita para hindi mabalewala.

Kinuha ko ang pinaginuman ni Craig ng tubig at inilapag iyon malapit sa amin.

"Wala ka bang ibang maalala sa araw na iyon?" Tanong kong muli sa kanya.

Umiling siya, "Nasabi ko na sayo na wala akong maalala. Ilang beses mo pa ba yan itatanong sa akin?" Iritableng saad niyang muli.

Napairap ako sa hangin. The doctor said that Craig is suffering from selective amnesia. Kulang kulang ang mga naaalala niya. The good thing is naaalala niya pa rin ako.

But ever since, his treatment for me changed. He's a bit cold towards me. Ibang iba sa nakasanayan ko sa kanya.

Naupo ako sa harap niya at minasahe ang binti.

"Kailangan ko itanong ulit sayo yun, araw araw. You have to remember."

Hindi siya nagsalita kaya tinignan ko siya at naabutan ang kanyang pagtitig sa akin. Ngumiti ako sa kanya.

"Mamaya, lilipat tayo sa walker ka naman. We'll try to walk again, okay?"

Tumango siya sa akin at nagiwas na nang tingin. Imbes na magsalita pa ay nanahimik na lang ako at nagpatuloy sa pag masahe sa kanyang mga binti.

Sa umaga, bago mag almusal ay iiikot ko muna siya sa buong hardin at swimming area pagkatapos ay saka mamasahiin ang kanyang mga hita.

Mamaya, bago naman mag tanghalian ay lilipat naman kami sa walker para masanay siyang naglalakad at para na rin hindi manigas ang kanyang mga paa.

Umangat muli ang tingin ko kay Craig. Minsan, naiisip ko kung ano kaya ang naiisip niya? Kilala niya ako bilang asawa niya.

Ngunit naaalala pa nga kaya niya yung pagmamahal na ibinigay niya sa akin? Sana. Siguro.

Mapait akong napangiti.

Paano kung kilala nga lang niya ako bilang asawa? Pero ang nararamdaman ay hindi na?

Umiling ako sa sariling mga naiisip. Pinag patuloy ko ang pagmamasahe sa kabilang binti niya.

Pagkatapos ay saka ko siya muling itinulak pabalik sa lamesa kung nasaan ang pagkain. Kailangan maarawan ni Craig araw araw tuwing umaga.

Kung hahayaan ko lang siyang nasa loob ng kwarto ay tiyak na mababagot naman siya doon.

Inayos ko ang pagkain niya bago naupo sa silyang nasa harapan niya.

"Bakit?" Tanong ko nang mapansin ang pagtigil niya sa pagkain at ang pagtitig sa akin.

Naka kunot ang kanyang noo at tiim ang bagang. Umawang ang kanyang bibig na parang may sasabihin ngunit, kalaunan ay tinikom din at hindi nagsalita.

Umiling siya sa akin bago uminom ng tubig.

"When did we got married?" Tanong niya

"August 17." Sagot ko bago kumagat ng hotdog at nilingon muli siya, "Bakit?"

"You are Megan Cecilia Madrigal, right?"

Tumango ako at ngumiti. Naalala na niya ng buo. Noong mga nakaraan ay Megan lang ang naaalala niya.

"Sandoval." Sagot ko

Tumango siya at kumunot muli ang noo bago umiling ay sumubo ng pagkain niya.

"May anak tayo." Saad ko

Tumango siya, "Craig Jr. Am I right?"

Ngumiti muli ako sa kanya at sumangayon sa sinabi niya.

"Why didn't we have any other child then?" Tanong niya

I licked my lips, "Nagkaroon kasi ng complications sa akin due to miscarriage. Ang sabi ng doktor ay magiging delikado na ang susunod kong pagbubuntis."

"And?"

Nag kipit balikat ako sa kanya.

"W-we didn't try again?"

Uminit ang pisngi ko at umiling sa kanya, "We fought kaya hindi na natin ulit triny."

Tumango siya ngunit ang noo ay ganoon pa rin. Parang hindi kumbinsido sa mga sagot ko.

"And... Nasabi mo na din na 'wag na lang muna."

"Why?" Tanong niyang muli.

"You said, you don't want to be in the same situation again where you need to choose between me and the baby."

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon