Nagising ako sa tunog ng cellphone kinaumagahan. Sa tunog pa lang ng ring tone alam ko na agad kung sino ang tumatawag.
Mabilis kong hinanap ang cellphone ko at sinagot iyon. Craig is not beside me and it's just seven in the morning.
"M-ma?"
"Ano ba? Wala pa rin? Napakatagal na!" Singhal nya
Napa buntong hininga ako, "Ma, wala pa sinasabi ni Craig tungkol dun."
"Bakit hindi mo kumbinsihin? Ganyan ka ba ka-walang kwenta at yan lang hindi mo pa kayang gawin?!"
Napahilot ako ng sintido. Sumasakit ang ulo ko at nahihilo ako. I shouldn't be stressed.
"Ma... kasi po..."
"Hay nako! Puro ka excuses!" Disappointment laced on her voice, "Totoo ba? Buntis ka?"
"O-opo." Napabuga ako ng hininga
"Ha! At wala kang balak sabihin sa akin?"
Pumikit ako ng mariin at dahan dahan tumayo sa kama, "Sasabihin ko naman po kaso—"
"Sasabihin? Kailan pa? Kapag nanganak ka na? Estupida! Ako ang dapat makaalam ng mga nangyayari sayo para maiplano ko nang maayos ang buhay mo!"
Dumaretso ako sa banyo at naupo sa naka saradong toilet bowl pagkatapos i-lock ang pinto.
"Alagaan mo ang batang yan dahil yan ang magaahon sa atin dito sa lusak! Wag mong gawing walang kwenta ang buhay nyan katulad ng buhay mo!"
Magsasalita pa sana ako nang patayin na niya ang tawag. How would I tell her? Sa bawat conversation na mangyayari sa pagitan naming dalawa ay puro sya lang ang nagsasalita at hindi ako makasingit.
Not that I don't want her to know about my pregnancy but I don't want her to control my child-like how she controlled me.
Naligo ako pagkatapos makapag isip ng maayos. I chose a silky lace pink spaghetti strapped and shorts para komportable bago nag blower ng buhok saka naisipan lumabas ng kwarto.
Saka ko na iisipin pa si Mama kesa ang ma-stressed pa lalo sa kanya. Ang gusto pa rin naman niya ay hindi manggagaling sa akin kundi sa asawa ko.
Napatigil ako sa paghakbang pababa ng hagdan nang makasalubong ang ilang katulong na abala sa pag akyat baba sa hagdan papunta sa isang kwarto.
Kunot noo ko silang pinag masdan bago sinundan. Two doors after the master's bedroom is a guest room. Naka bukas ang pintuan noon.
Craig was there talking to an unfamiliar woman. Pinasadahan ko ng tingin ang babae. She has fair white skin and black curly hair. She's wearing a white button down shirt, black fitted pants, and boots. Sa kanang kamay ay may hawak syang parang sketch pad.
Bumaling ako sa kwarto. It's not big like the master's but it's big enough and spacious. Walang laman iyon kundi mga nakabukas na bintana at ang puting kurtina na tinatanggal nang ilang katulong.
Bumaling si Craig sa akin bago naglakad palapit sa akin.
"Hey." Bati niya
"Wala kang work?" Tanong ko sa kanya at napasulyap sa babae sa kanyang likod.
The woman smiled and approached me. She stretches out her hand on me.
"Good morning, Mrs. Sandoval. I'm Thalia Silva." Pakilala niya
Marahan kong inabot ang kanyang kamay at nginitian bago muling nilingon si Craig.
"I bring my works here para na rin maasikaso ko ito." Aniya
Ngumiti si Thalia sa akin at nag excuse ng sarili para sagutin ang tawag mula sa kanyang cell phone.
"Anong meron?" Takang tanong ko
Lumabas ang dalawang katulong, dala dala ang mga gamit na kurtina pati ang mga curtain rods na mukhang lilinisan.
Matagal nang hindi nagagamit ang kwartong ito. Wala din naman kasing bumisita sa amin para ipagamit. Kami naman ang sumasadya sa magulang ni Craig kapag gusto namin itong bisitahin.
"I'm gonna make this a nursery room." Aniya
Kumunot ang noo ko, "Don't you think it's too early for that? Besides, hindi pa natin alam kung anong gender nya."
Pinasadahan ni Craig ang buong kwarto, "That's why I called Thalia for help. She knew what to do and the things that are we going to buy for this room will gonna be all in neutral colors."
And yes, it warms my heart.
Ang bloke ng yelo na binuo ko para hindi na tuluyang mahulog kay Craig ay unti unti nang natutunaw dahil sa mga bagay na ginagawa nya.
I know it's wrong to assume things lalo na't alam ko naman na ang mga ginagawa niya ay para lang sa baby namin.
Ngunit lahat ng iyon, ay mas lalong nagpapahulog sa akin sa kanya. I didn't expect that there's a possibility that I can fall even further in love with him than I already am.
Things got easier in the next weeks. Mas lalo nga lang naging maarte ang pakiramdam ko habang nagbubuntis but Craig was there to attend it all.
The nursery room was slowly repairing. Craig left it with me kaya naman lahat ng gusto ko ay nangyayari. Pinalakihan pa ni Craig ang mga bintana dahil masyado daw maliit iyon at kaunting araw ang pumapasok. Inayos nya din ang tereza doon para daw kapag natuto nang maglakad ang anak namin ay hindi mahuhulog don.
The steps on the stairs are banded with anti-slipped taped. Ganoon din ang banyo. Pinabago nya. He even bought a mini refrigerator at pinalagay sa kwarto para kung sakaling magutom o mauhaw ako sa gabi ay hindi ko na kailangan pang bumaba.
Halata na ang baby bump ko. I am already four months pregnant. Dumating na din dito ang Mama ni Craig para mangamusta but his Father didn't.
Ang alam ko ay hindi pa rin sila ayos ng father niya kaya ganun. But it's taking too long. Kahit gustuhin ko man silang magka ayos ay wala akong magagawa doon.
Cassie, Craig's twin sister are calling every now and then. Checking me and my pregnancy. She's in her eight months. Masyadong malaki ang tyan niya. Dahil na din sa kambal ang kanyang dinadala.
Wala akong masyadong alam sa kanya at kung bakit hanggang ngayon ay kahit may anak na ay wala pa rin siyang magpakasal. Kahit kung sino ang ama nang pinagbubuntis niya ay hindi ko kilala.
The Montefero's went here to pay a visit. Tahimik ako sa kwarto, nagpapahinga habang sila Craig naman at ang mga kaibigan ay nagkakasiyahan.
Sa loob nang halos dalawang buwan na nag daan ay ganoon ang nangyayari. Family friends flocked here to celebrate with Craig's child. Hindi naman ako masyadong sumasama sa salo salo dahil mas ginugusto ng katawan ko ang matulog at magpahinga.
Kung sasali man ako ay ilang sandali lang ang itatagal ko at babalik na muli ako sa kwarto. And I think, Craig more likes it if I hide myself inside our room kesa makihalubo sa kanyang mga kaibigan.
Stephie and her husband went to visit also. Nagbigay lang siya ng mga pagkain na gusto ko, nangamusta at umalis na din.
Ang nakakagulat sa lahat ay ang pag dalaw ni Mama sa bahay nang hindi ko inaasahan.
BINABASA MO ANG
Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)
General FictionMegan Cecila Madrigal is married to Craig Siegel Sandoval. She expected her marriage to be plain and empty because it was just a marriage of convenience, despite the fact that she loves Craig so much. She settled with everything that Craig could giv...