Kabanata 17

15.2K 373 15
                                    

"She'll be staying for a night." Ani Craig sa akin

Nanatili ang titig ko sa kanya, "Dito? Dito talaga? Hindi ba pwedeng sa condo mo o kahit sa hotel?"

Pagod nya akong tinitigan. Umawang ang labi niya para magsalita sana ngunit agad din itinikom iyon.

I blinked a few times to confirm that I wasn't dreaming. Ang asawa ko, inuwi ang babaeng nabuntis nya sa bahay namin at papatulugin pa. Who cares about the length of her stay? The deal is why does he have to let her in?

"Is the baby yours?" Tanong ko

He licked his lower lip before turning to me once again. Nasa kwarto kami naguusap. Pagdating nila ay ako agad ang dinala nya sa kwarto and asked me to talk to him.

"I did not cheat on you." Mariin at klaro niyang saad

Audie's what? A month pregnant or two? Kung titignan sa tyan nya ay halos hindi pa kita ang baby bump.

"Even if she's pregnant, the baby she's carrying isn't mine. Megan, look at you and look at her. You are in your sixth month." Aniya

Bakit ka nagsasalita ng mga bagay na lalong magpa paasa sa akin? Bakit mo lalo akong pinapahulog kung wala ka naman balak na ako'y saluhin?

Hindi ko isinatinig ang mga tanong. Hindi na ako lumabas ng kwarto nang gabing iyon, ganoon din si Craig. He managed to do all of his works inside our room. Kahit na may kailangan ay tinatawag na lang niya si Jonah.

I slept that night thinking about what will happen tomorrow. Nakatulugan ko na ang mga tanong, ala-ala, sakit, pagtataka at si Craig na nanatiling gising magdamag.

Ngunit nang magising ay isa isa na muli akong binalikan nang mga iyon kinabukasan. Anong mangyayari na?

Bakit nandito si Audie? Bakit kailangan siyang dalhin ni Craig dito? Bakit kailangan niyang sabihin na si Craig ang ama kung hindi naman talaga?

Paano na ang baby ko kung mapatunayan na anak nga ni Craig ang bata? Paano ako? Papaalisin niya ba ako? Or he will let me stay, but he'll live with Audie? Iiwanan niya ako? Iiwanan niya ako para sa dating kasintahan.

I can't help it. I'm starting to get jealous. Kahit sabihin kong nakaraan na siya ni Craig, at ako ang asawa. Wala pa rin akong laban. Asawa lang ako sa papel. Ngunit siya, nagkaroon siya ng pwesto sa puso at buhay ni Craig.

Isang pagkakataon na matagal na matagal ko nang gustong maranasan. Ang mahalin ako nang sariling asawa. Ang mahalin din ako nang taong mahal ko.

I start to wonder, when will he start to see me? Can he even see me? Will he love me? Or he'll just stay with me because I am pregnant? Because I am the mother of his child and he has no choice but to keep me.

Hanggang kailan? Hanggang kailan ako mananatili sa kanyang tabi? Hanggang kailan ako aasa na mamahalin niya din ako?

Mabagal ang kilos ko habang naliligo. My head hurts. Para akong lumulutang sa sakit noon. I took a bath and wore a comfy maternal dress.

Patapos pa lang ako sa pag aayos nang pumasok si Craig ng kwarto. Kumunot ang noo ko habang tinitignan siya. He's wearing a white v-neck shirt, running shorts and running shoes. He's sweating.

Tinanggal niya ang earphones sa tenga saka inilapag sa harap ko ang cellphone na dala dala.

"Kakagising mo lang?" He asked bago naupo sa edge ng kama at naghubad ng sapatos niya

"Kanina pa." Sagot ko habang pinapanood ang bawat kilos niya

"I went for a jog this morning and bought you something for breakfast." Aniya bago tumayo

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon