Kabanata 24

13.9K 415 63
                                    

Tahimik ako habang nagtitingin ng menu. I can feel Craig's stare. Parang gusto ko na lang bumuka ang lupa at kainin ako ng buhay para lang mawala sa kanyang mga mata.

Itinaas ko ang menu para matakpan ang mukha ko para kunware ay talagang nagbabasa pero ang totoo ay hindi naman pumapasok sa utak ko ang mga binabasa.

Again, Pesto?

Napabuntong hininga ako at sumulyap sa kanya. Naka lingon sa kaliwa ang kanyang mukha at tahimik na nagmamasid sa buong kainan.

Nilingon ko ang tinitignan niya. Sa kabilang dulo, doon may malaking pader kung saan ginawang malaking painting area na may iba't ibang linya at kulay. He's staring at it intently na para bang may kung ano doon.

Bumalik ang tingin ko sa kanya at ganon na lang ang gulat ko nang makitang naka tingin na pala siya sa akin.

Tumaas ang kilay ko at muling tinignan ang menu. Sa gilid ng aking mata ay nakita ko siyang tumawag nang waiter na agad naman lumapit sa amin.

"Ano pong order nyo, sir, mam?" Tanong ng waiter

"I'll have lasagna and a coffee." Saad niya

Binaba ko ang menu at tiningala ang waiter, "Pesto."

Isinulat naman agad iyon ng waiter bago ngumiting muli sa amin. "Anything else?"

"Strawberry milkshake." Habol ko.

Tumango ulit ang waiter. Hindi na nagtanong at kinuha na ang mga menu saka umalis.

Muling nagtagpo ang mga mata namin ni Craig. Agad akong umiwas. I don't feel any butterflies anymore. Ang takot o ano man ang nararamdaman ko para sa kanya ay wala na.

How come I confidently said that my love won't fade? When today, I can't feel anything at all.

I heard him sigh after a long silence.

"May gusto ka bang sabihin?" Aniya

Umiling ako. Tumaas ang kilay niya sa akin.

"If you're going to ask me for an annulment, I swear I am—"

I cut him off, "No." sagot ko

Umawang ang bibig niya. Gulat sa sagot ko. Ngunit agad din iyon napalitan. I can't pinpoint what is in his eyes and stares. Hindi ko alam o takot lang akong malaman. Either, ayoko nang malaman pa.

"The last time you ask for dinner, you handed me the annulment papers that I tore in front of you." Aniya

I bit my lower lips.

"My stand regarding the annulment papers stays, Craig." Sagot ko

He chuckled and licked his lower lips. Isang beses siyang sumulyap sa ibang taong kumakain din doon bago muli akong tinitigan.

"Why still want to be annulled? You hated me that much?" Tanong niya

I pursed my lips, "I just want to eat dinner." I rolled my eyes, "Nothing else. We can talk about how much I hate you in our house but not in public."

Dahil kahit na gaano ang galit ko para sa kanya, he stays as my husband and the last thing I want to do with him is to ruin his image.

Sumandal siya sa upuan at bumuntong hininga. Para bang may tinik na hinugot mula sa kanya na ngayon lang siya naka pag relax nang ganoon.

"You still hate me." He said.

Hindi ako nakasagot nang dumating ang waiter at naglapag nang dalawang baso at isnag pitcher nang cold water.

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon