"Megan, stay here okay? Mabilis lang ako." Sabi ni Mama
Tumango ako at nanatiling nakaupo, "Saan ka po ba pupunta?"
Inayos ni Mama ang palda ko, "May bibilin lang ako na nakalimutan ko. Andyan naman ang yaya mo. Don't go out okay?"
"Yes, Mama."
Inayos muli ni Mama ang palda ko bago lumabas ng kotse dala dala ang kanyang itim na bag.
Mabilis akong luhod para habulin ng tingin si Mama na kinausap ang driver namin at ang yaya ko bago siya tuluyang naglakad papalayo.
The driver opened the driver's door, "Ma'am, bubuksan ko lang po ang aircon at hahayaan na bukas ng konti ang bintana habang inaantay natin si Madame."
Naramdaman ko ang pag alog ng kotse bilang tanda na nabuksan ang makina nito.
Muling lumabas ang driver ko. Kasama niya si Yaya doon sa labas. Lumapit si Yaya sa akin at kumatok sa bintana.
Ibinaba ko iyon para sa kanya.
"Megan, laro ka lang dyan. Dito lang naman kami sa labas. Kapag may kailangan ka tawagin mo lang ako."
Tumango lang ako sa kanya at pinagmasdan siyang bumalik sa kaninang tinatayuan. I continued playing with my doll.
Bigay ito ni Dad sa akin bago siya nag puntang ibang bansa nitong nakaraan. Ngayon naman ay abala siya sa pangangampanya. I don't know what that is pero sa naririnig kong mga tao na katulong ni Daddy, ganun daw iyon.
Lumuhod muli ako at nilingon ang likod ng kotse. Ang tagal naman ni Mama. Naiihi na ako.
Mabilis kong ibinaba ang isang bintana, "Yaya!"
Si Yaya naman ay abala sa driver. Hindi ko alam kung anong meron sa kanila pero gaya ng lagi kong naririnig kay Mama tuwing papagalitan siya ay lumalandi daw ito sa driver namin.
"Yaya Nieves!" Tawag kong muli
Sa huli, napag desisyunan ko na lang na bumaba ng kotse. Hindi man lang natitinag ang Yaya ko.
Lumapit ako sa kanya at nagulat pa siya nang makita akong nakatayo sa kanyang tabi. Mabilis siyang nagpaalam sa driver at sinamahan akong umihi.
"Hindi na kita sasamahan sa loob ha? Aantayin na lang kita dito sa labas." Aniya sabay tipa sa hawak hawak na cellphone niya
Hinayaan ko na lang siya at pumasok na sa CR. Wala akong nakitang tao sa loob pero may mga cubicle ang naka sarado.
Nang maka hanap nang isang available na cubicle ay agad akong umihi doon. Hindi ko alam kung alam pa rin ng Yaya ko na andito pa ako sa loob o busy pa rin siya sa pag tipa sa kanyang cellphone.
Ilang sandali pa ay saka ako lumabas at nag hugas ng kamay. Kumuha pa ako ng tissue pang punas nang kamay na basa saka ako lumabas ng CR nang mapansin ang ilang lalaking naka tayo malapit sa CR ng babae.
Nilingon ko ang sumunod na CR nang mga lalaki bago hinanap nang sariling mata ang Yaya ko. I walked passed the men and saw my Yaya still busy on her phone.
I was about to call her when someone covers my mouth with a piece of cloth. Nakita ko pang may humampas sa ulo ng Yaya ko bago ako tuluyan mawalan ng malay.
Ang sumunod kong nakita ay ang kwarto kung saan ako matagal na naka kulong. Ilang beses kong pinagaralan ang lugar at ilang beses na ginustong tumakas ngunit dahil nauuna ang takot sa akin ay palagi nila akong nahuhuli.
It's one of my nightmares. Ang paulit ulit na trauma na aking dinanas sa loob nang kwartong iyon ay ang nagpakalimot sa akin nang lahat.
"Run, Megan!"
BINABASA MO ANG
Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)
Fiksi UmumMegan Cecila Madrigal is married to Craig Siegel Sandoval. She expected her marriage to be plain and empty because it was just a marriage of convenience, despite the fact that she loves Craig so much. She settled with everything that Craig could giv...