Kabanata 36

9.4K 222 6
                                    

I can feel my chest starts to tighten as my breathing suddenly hurts. Alam kong panaginip lamang ito ngunit hindi ako makagalaw.

Kailangan kong gumalaw. I know what is happening with me and with my body. Alam ko kung paano kokontrolin ngunit hindi ko magawa.

I tried shouting but to my dismay, walang lumalabas na sounds sa akin. Natatakot na ako.

"Ma..."

Napatigil ako sa pagpupumiglas. Ma? Ako ba? Lumingon ako at nakita ang isang bata sa tabing kalsada. Nakatitig siya sa akin na para bang sinisisi ako sa isang bagay na wala akong kinalaman.

Ma? Ako ba ang tinatawag niya?

Tumingin muli ang bata sa akin. His face is very familiar. Saan ko nga ba siya nakita? Hindi ko maalala.

"Ma..."

Kumunot ang noo ko at wala sa sariling napaturo sa aking sarili.

"Ma?" Takang tanong ko habang natatawa tawa, "Hindi mo ako-"

Napatigil ako nang yumakap nang mahigpit ang bata sa aking mga hita. I could feel my body stiffen as he continues to hug my thighs. The familiar face and the warmth of his hug shaken my body. Iba ang pakiramdam ko.

"I miss you, Ma. I'm sorry hindi kita na hug bago ako umalis." Aniya

His words are like bullets that shot me one by one and I could feel it penetrated deep inside me through my bones. My tears start to fall as my body starts to convulse. I kneel down in front of the kid and hug him tightly.

"CJ ko..." I whimpered in pain and in longingness.

CJ laughed and I cried even harder as his small arms wrapped around me and his warmth start to embrace me.

"I miss you, too, Mama." He whispered

"I miss you, too. So much, anak. Sobrang sobra." I answered in between my sobs. I couldn't even hear my own voice and feel my own body.

Alam kong panaginip ito. Pero kung ganito palagi ang panaginip ko, wag niyo na akong gisingin. Dito na lang ako kasama si CJ. Masaya na ako sa ganito.

"Wag ka na umiyak, Ma. Hindi naman ako magisa dito." Aniya

I pushed him lightly and stared at his beautiful face. Totoo nga, kamukha siya ni Craig. His eyes, his nose, his lips, and the face of his face are all from his father. Kamukhang kamukha niya ito. I smiled. Tuwang tuwa sa nakikita nang aking mga mata.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, "What do you mean?"

Ngumiti siya. Hindi katulad ni Craig, iisang dimple lang ang nakuha niya dito.

Lumingon siya at may tinuro. Sinundan ko nang tingin ang itinuro niya at ganun na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang itinuro niya.

Dahan dahan ang pagtayo ko habang papalapit si Craig sa amin na nakangiti din. Wala na siyang wheelchair na gamit ngayon at malaki na din ulit ang kanyang katawan ngayon.

Nang makalapit si Craig sa amin ay agad niyang kinarga si CJ. Naguusap sila at hindi ko maintindihan iyon. Para bang mayroon silang sariling lengwahe na hindi ko maintindihan.

"See, Mama? Hindi mo na kailangan mag worry sa akin at hindi mo na kailangan alagaan si Papa. Kasama ko na siya at aalagaan namin ang isa't isa." Ani CJ

Dahan dahan ang pagtaas ng balahibo ko sa katawan habang sinasabi niya ang mga salitang iyon.

Magkasama sila? Aalagaan ang isa't isa? Saan? Bakit sila lang? Bakit hindi ako kasama?

Naramdaman ko ang paghawak ni Craig sa aking pisngi. Umangat ang tingin ko sa kanya.

He's smiling at me.

"CJ is right. You can now rest, baby. Okay na kami. I'll take care of CJ from now on."

Umiling ako. Hindi pa natatapos ang bugso ng damdamin ko nang makita si CJ ay mayroon na namang panibagong damdamin ang dumudurog sa akin ngayon.

"No, baby," I whispered.

Tumalikod na si Craig sa akin habang karga karga si CJ na nakangiti at kumakaway sa akin.

Umiling muli ako. I wanted to run after them but I suddenly have no controls on my body anymore. I shouted instead but there's no voice that came out.

I feel the growing desperation in me, why can't I move? Why can't I speak or why can't they hear me? What is wrong with me!

I looked around to see something but the fog grew that I couldn't see anything than a small I am in. There's no Craig and CJ in here.

The room is very familiar with me. Madilim at halos wala akong makita ngunit alam kong familiar ang lugar na iyon.

Suddenly, in a corner, I saw a little girl. Naka dress ito nang puti na may mga ruffles. May piring ang mga mata, nakatali ang kamay at paa at may busal din sa bibig. She's whimpering in pain and in fear silently. Fuck.

The room starts to feel more and more enclosed. I suddenly have desperation in breathing and I could feel my chest tightened even more.

Seconds more and I can feel my breathing is starting to get harsher... Heavier...

Napa upo ako mula sa pagkakahiga. Gulat, takot at paghirap sa paghinga ang dahilan nang mabilis kong kilos.

Hindi pa nakakabawi ay halos isabit ko na ang sarili ko kay Craig habang yakap yakap siya.

I can feel his arms wrapped around me, "Shh... It's fine."

Hindi pa rin tapos sa pangalawa ay bumugso pa sa panibago. Craig didn't sleep while I cried so much in his arms.

My nightmares are coming back and now, it is worst.

Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog nang gabing iyon pero nang magising ay wala na din si Craig sa kwarto.

Tirik na din ang araw at medyo mainit na din sa pakiramdam. Siguro ay nagpakuha na si Craig sa kanyang nurse.

Agad akong tumayo at lumabas sa veranda para icheck kung nasa pool pa ba si Craig and I saw him there.

Ngayon naman ay may therapist na lalaki siyang kasama sa swimming pool. Inaalalayan siya nito doon habang nageexercise.

Dumaretso na ako sa banyo para makapag ayos at bumaba na din pagkatapos.

"Ilang oras na sila dyan?" Tanong ko sa nurse ni Craig habang nanonood.

"May dalawang oras na din po, Ma'am." Sagot nito sa akin.

Tumango ako at naupo na lang doon at nagumpisa nang kumain.

Inantay ko na munang matapos si Craig sa session niya bago kami muling bumalik sa kwarto.

Inuna ko muna siyang paliguan at ayusin bago ako naligo na din at nag ayos para pumasok sa trabaho.

"Are you sure?" Pangalawang tanong ni Craig sa akin simula nang sabihin kong papasok na ako sa trabaho.

Umirap ako sa hangin, "Oo nga."

"Kaya mo na ba? You can rest first. Ako na lang ang kakausap sa mga sekretarya para sa mga gagawin." Aniya

Umiling ako at tinigil ang paglalagay ng pulbos sa mukha at hinarap siya.

"Sige nga. Natatandaan mo ba yung sa La Vida Homes? Ano bang plano mo dun?" Tanong ko

Umirap siya sa akin at hindi na lang kumibo kaya nagpatuloy na lang ako.

"Kaya ko naman na. Don't worry okay? Sabi mo nga hindi ba, it is just a bad dream." Saad ko

I heard him sigh, "Alright. Just call me from time to time."

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon