Palagi nang tumatawag si Mama para mangulit tungkol sa kompanya. 2 weeks had passed pero wala pa rin ginagawa si Craig. My mother became more and more impatient as days passed by. Wala din naman akong magawa dahil hindi naman ako ang may hawak kay Craig.
He told me to wait. And that's all I can do.
"Sabi ko naman sayo, wag ka masyadong nagpapaka stressed dyan sa nanay mo." Sabi ni Stephie.
I invited her para may makasama naman ako. I am so bored at hindi naman kaya ng katawan ko ang umikot ikot pa sa mall para lang mag libang.
"Bawal sa buntis ang stress, Megan. Kung mahal mo yang anak mo, sinasabi ko sayo, ikaw na lumayo sa nanay mong luka luka."
I smiled at her. Stephie knew my life. She was there when I realized that I was not the natural child of my mother. She knew everything right from the start kaya naman ganun na lang ang tiwalang binibigay ko sa kanya.
Inilapag ko ang bagong baked na cupcakes sa kanyang harapan.
"Hindi naman ako nasstressed dahil alam ko naman na kahit hindi pa pinipirmahan ni Craig ang mga papeles ng kompanya ay hindi naman din niya pababayaan iyon."
Ngumuso si Stephie. Kumuha ako ng icing at naglagay ng isa sa isang cupcake.
"Saka I can handle Mama na. It's okay."
Umirap lang si Stephie sa akin bago kunin ang cupcake na nilagyan ko ng icing sa ibabaw.
"It's fine? Ikaw ba tumitingin pa sa salamin? Tignan mo nga yang itsura mo saka mo sabihin sa akin na it's fine."
Natawa ako sa kanya at nagpatuloy na lang sa paglalagay ng icing habang siya naman ay kumain lang at hindi na din nagkumento pa.
"Hindi pa ba nahahalata ni Craig yang tyan mo? Kahit ilang maluluwag na t-shirt pa yang isuot mo, lalaki at lalaki yang tyan mo."
Napa buntong hininga ako at binaba ang hawak na icing, "I know. Sooner or later malalaman niya din."
"Kailan mo balak sabihin sa kanya?" Napahinto sya sa pag kagat sa cupcake na hawak bago ako tinitigan, "May balak ka bang sabihin sa kanya yan?"
Ngumuso ako, "Meron naman. Nagaantay lang ako ng tamang panahon."
"At kailan naman ang tamang panahon na yun? Kapag malaki na ang tyan mo? Tell me. Wala bang balak magkaanak yang asawa mo kaya takot na takot kang sabihin sa kanya yang kalagayan mo?"
Nag iwas ako ng tingin sa kanya saka kinuha ang mga pinag gamitan bago tinawag si Jonah para magpatulong mag linis.
Nang makaalis si Jonah ay saka naman ako nagsalita.
"Hindi sa walang balak. Hindi pa kami handa sa ganitong bagay." Sagot ko
"Hindi pa handa?" Tumaas ang kilay niya, "Pero kapag gagawa ng bata handang handa? Niloloko nyo ba ako?"
Hindi na lang muli ako nagsalita.
"Kapag inayawan ni Craig yang baby nyo, my offer still stands." Aniya
Nilingon ko sya, "Do you think Craig won't like our child?"
She shrugs, "I don't know. I can't even imagine your husband being excited about the baby. I mean, his character?" Umiling sya
Naglapag ako ng ilang cup cake sa lamesa bago ibinox ang iba at pinasok sa ref. I gave cupcakes to our house maids bago inaya si Stephie sa pool area habang kumakain ng cupcakes.
"You are three months pregnant. Ang alam ko sa seventh-month pa pwedeng malaman ang gender nyan." Ani Stephie
"Oo. Naeexcite na nga ako." Ngumiti ako at hinimas ang tyan ko
"May naisip ka nang name?"
Tumango ako sa kanya at tumuwid ng upo, "Oo. May ilang naisip na ako. Pagpipilian ko na lang."
Ngumiti pabalik sa akin si Stephie, "Naiinggit ako sayo. Kung ako lang yang buntis, baka sa fourth month ko madami na akong nabili at nakagawa na ako ng kwarto niya." Tumawa sya
Natawa din ako, "I also want that. Tapos idedesign yung room."
We talked and planned about my baby for a few hours until Stephie decided to go home. Ang pagalis niya ay ang pagdating naman ni Craig. He's early.
"Hey," Bati ko
Madilim ang kanyang mga mata at matalim ang kanyang titig sa akin. Suplado niya akong tinitigan ng ilang sandali bago humalik sa aking noo.
"Let's go inside. It's cold." Aniya bago ako hinawakan sa pala pulsuhan at hinila papasok.
Sumunod ako sa kanya at sinalubong naman kami ni Jonah para kunin ang kanyang gamit. Nilingon niya ako.
"Maguusap tayo." Aniya bago tinawag si Manang at kinausap.
I sat on the couch as I waited for him. Doble ang tibok ng puso ko sa kaba. Why does he want to talk to me? May nagawa ba ako? What is it all about?
Sobra ang kaba ko habang tinititigan siyang naguutos sa kay Manang bago niya ako nilingon.
"Wait for me inside my office. Magbibihis lang ako. The maid will serve our food there." Aniya saka ako iniwan sa salas as he goes up to our room.
Huminga ako ng malalim bago sinunod ang utos niya. Kabadong kabado pa rin ako habang inaantay sya at pinagmamasdan ang mga katulong na ayusin ang pagkain sa aking harapan.
Para akong bibitayin pagkatapos kumain sa dami ng naka handa sa harapan ko. I don't know what's with the food pero sa kabila ng kaba ay nagugutom na ako sa aking mga nakikita.
Ilang sandali lang ay naramdaman ko nang pumasok si Craig. He kissed my head before sitting down in front of me.
"Let's eat." Aniya
Umangat ang tingin ko sa kanya, "What are we going to talk about?" Tanong ko
"Mamaya na. I want you to eat first."
Nilingon ko ang mga pagkain at bahagyang napalunok.
"You don't like it? You want anything else?" Tanong niya
Umiling ako, "No."
"Wala kang gustong kainin na iba?" Tanong niya ulit
Sumandok ako ng konting sabaw ng sinigang at humigop doon. It warms my stomach and it feels good.
"No. This is enough." Sagot ko saka nagpatuloy sa pag higop.
"Tell me if you need anything else. I will give it to you." Aniya bago nagumpisa na din kumain.
Hindi na ako nag salita pa at nagpatuloy na lang sa pagkain. I am salivating. Pero hindj lahat ay gusto ng tyan ko o ng pang amoy ko.
Napansin ata ni Craig at bahagyang pag duwal ko dahil mabilis ang kilos niya para bigyan ako ng tubig.
"Thank you." Sabi ko pagkatapos maka inom.
He stayed silent. Ramdam ko ang titig niya sa akin pero hindi siya nagsasalita. Bahagya kong iniurong ang isang dish na hindi ko gusto ang amoy.
Tumayo si Craig at kinuha ang putahe bago lumabas ng silid. Nagpatuloy ako sa pagkain hanggang makabalik si Craig.
He silently sat down and watched me. Hindi ko na lang sya pinansin.
"Tell me," Sabi niya ilang sandali, "How long are you planning to hide your pregnancy from me?"
BINABASA MO ANG
Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)
General FictionMegan Cecila Madrigal is married to Craig Siegel Sandoval. She expected her marriage to be plain and empty because it was just a marriage of convenience, despite the fact that she loves Craig so much. She settled with everything that Craig could giv...