Kabanata 9

15.6K 374 7
                                    

The stress keeps coming back. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakabawi para mawala iyon.

I cried the night after my mother visited us. Every word that comes out from her mouth cuts me. Hindi ko alam kung napapansin ba ni Craig iyon o hindi. But he kept quiet and calm.

My mother laughed, "Itong batang ito kasi nagtatampo ata sa akin. Hindi man lang sinabi na buntis sya."

Hindi ako kumibo. Craig drunk his water and asked for another glass of it.

"Ang sabi ko nga, 'wag mag madali sa pag me-merge ng kompanya." She continued

Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. What?

She sipped on her wine and chuckled. Tumaas ang isang kilay niya nang tumingin sa akin. Kulang na lang ay isumbat pa sa akin na siya na ang gumagawa ng paraan.

It's not that I don't want to help our company. Kaya nga ako nagpakasal ay para doon. Iyon ang una kong inisip bago ang sariling kapakanan.

Mas inintindi ko ang magiging kalagayan ng kompanya kesa sa magiging kinabukasan ko. Kahit na ba labag sa aking sarili ang ilang bagay ay ginawa ko.

Sinakripisyo ko ang sarili ko, ultimo ang puso ko kahit na alam kong walang kasiguraduhan ang mangyayari sa akin kinabukasan. Kahit na alam ko, ang lalaking pinakasalan ko ay hindi kailanman ako magiging mahal.

Bumagsak ang mata ko sa aking pinggan at dahan dahan nilaro ng kutsara ang kanin na andoon. As much as I want to excuse myself and just lock myself upstairs, ay hindi ko magawa.

"Don't get me wrong, Hijo. My daughter just wants the best for her company. It's the only thing that her father gave her. Natural lang naman na aalagaan niya iyon." Patuloy ng akong sariling Ina.

Humigpit ang hawak ko sa kutsara at hindi pa rin nagsalita. Bakit ako? Bakit ako ang idinadahilan niya? Ano na lang ang sasabihin ni Craig sa akin? Ang hindi ako makapag hintay at sobrang ganid ko sa pera?

Marahan akong pumikit para pigilan ang luhang nag babadyang tumulo.

Noong nagpakasal kami ni Craig ay alam kong gold digger na ang tingin niya sa akin. I married him for convenience. And I know he just did it too dahil may utang na loob ang pamilya niya kay Papa noong nabubuhay pa ito. Kaya din sila pumayag sa kasal na ito ay para din sa pangakong napag kasunduan noon.

"We actually talked about this already, Mama." Magalang na sagot ni Craig.

Tumawa si Mama, "Oh I know, I know. Nabanggit na ni Megan sa akin iyan."

Umangat ang tingin ko kay Craig. Mula kay Mama ay nilingon niya ako. Nagtagal ang titig niya sa akin ng ilang segundo bago muling bumaling kay Mama.

A fake smile plastered on my Mother's face. She does not like the situation even more.

"I told her to wait and she said she's fine with it. Hindi ko naman po pinapabayaan ang kompanya kahit hindi pa natutuloy ang pag me-merge ng dalawang kompanya." Ani Craig bago nag punas ng bibig gamit ang table napkin

Tumango tango si Mama, "I know, hijo. But of course, iba pa rin kung maibabalik natin sa dating tayo ang kompanya. Naiintindihan kita ngunit naiintindihan ko din si Megan sa gusto niyang mangyari."

Napa inom ako ng tubig. Hindi titigil si Mama hangga't hindi niya nakukuha ang gusto niya. I know her too well that I know all her intentions.

My Father is rich but not as rich as the Sandoval's who has different businesses around the globe and a family who is known from the business world. My Father owns land in Batangas and Laoag. Ngunit hindi naman ganoon kalaki.

Sandoval Duology 1: Unwanted Wife (Self-Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon