TA 3

500 12 0
                                    

Simula nang magstart ang klase hindi na ko umiimik. Alam kong tinitignan nya ko minsan pero hindi ko sya nilingon. Hindi ko alam gagawin ko at inisip ko na hindi naman tama kung magwawala ako o sisigawan sya dahil alam ko wala naman sya kasalanan.

Pero hindi ko parin maintindihan yung naramdaman ko kanina kasi biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko pa naramdaman yun dati kahit pa siguro may maghubad na lalaki sa harapan ko wala parin akong pakialam. (Pero kung macho why not?) Utak ko may sabi nyan hindi ako ha.

Malapit na mag-uwian sa wakas! Hiyang-hiya na talaga ako lalo na sa mga classmates kong mapang-asar. Bagay daw kami? Si Kade na palaaway? Pero baki eto na naman puso ko maisip ko lang yung mga sinabi nila kanina nagwawala na?

Hindi na ko nakapagpigil alam kong nakatitig sakin si Kade kaya napalingon na ko sa kanya.

Bakit ganun face nya? Nakakunot kasi noo nya, bakit kaya? Bubugbugin din ba nya ko dahil nahalikan ko sya? Ah hindi babae naman ako eh promise.

"Bakit ganyan ka makatingin?" Hindi ako nakatiis kaya tinanong ko na sya.

Nagsmile sya bigla. Hala! Nasa heaven na ba ko? Lalo syang gumwapo.

"Iniisip ko kasi kung galit ka sakin, sa nangyari." Sabi nya.

"Hindi ko nga alam eh. Hindi ko magawang magalit kasi alam ko namang walang may gusto satin sa nangyari."

"Gusto ko kaya." Bulong nya pero dahil magkatabi kami kaya narinig ko ang sinabi nya.

"Narinig kita." Sabi ko kahit namumula na muka ko nagawa ko paring magsalita.

"Hehehe sorry. Pero ang totoo kasi gu-"

"Elle tara na. Uwian na. Baka nandyan na din sundo natin." Biglang singit ni Kisses. Hindi nya napansin na magkausap kami ni Kade.

Magkapitbahay lang kami ni Kisses kaya yung sundo ko na si Mang Bert ay sundo na din nya.

"Sige Kade uwi na kami." Paalam ko kay Kade kahit ang awkward parin.

"May sundo ka pala. Gusto sana kitang ihatid eh."

"My gosh! Nililigawan mo ba friend ko? Kung oo sabihin mo agad para naman masabi ko agad sa parents nya. Nako lagot ka kay tito pag hindi ka nanligaw mismo sa bahay nila. I know, okay? Bestfriend nya ko eh, bestfriend!" Saad ni Kisses na sobrang lakas ng boses kaya eto na naman kami nakangangang tinitingnan ng buong klase.

"Waaaaaa. Nililigawan na nga sya ni Kade my knight! Oh hindi!"

"Huhuhu sana ako nalang."

"Bruha ka. Mas maganda naman sayo si Elle noh. Bagay nga sila eh."

"Elle! Wag mo na pahirapan si Kade ha? Love namin yan. Tutal naman nagkiss na kayo kanina diba?"

"Oh semento ng room namin na matigas, bumuka ka sana at lamunin mo sila hindi ako." Kanta ng isip ko sa sarili ko na sinasang-ayunan ko naman sa sobrang kahihiyan.

"Ah sige classmates goodbye." Sabi ko nalang sabay naglakad na ko habang hawak kamay ni Kisses. Kasi ang magaling na babae gusto pa atang magpaiwan kakatitig kay Kade.

"Girl. Sige na payag na ko, sayo na si Kade. Tutal naman ikaw ang gusto nya tsaka mahalin mo sya gaya ng pagmamahal ko sa kanya ha?"

"Nababaliw ka na naman Kisses. Daig mo pa girlfriend ah."

"Hindi na mangyayari yun dahil inagaw mo na sya sakin. Huhuhu. Sabi mo studies muna bago love life. Bakit ngayon mas mauuna ka pa magkaboyfriend keysa sakin?"

"Haaayy. Para kang yung mga babae dito sa school. Pasalamat ka bestfriend kita. Tsk tsk. Tsaka kami na ba? Makangawa ka naman diyan." Nandito na kami sa parking lot ng school at nagdadrama parin tong isang to. Batukan ko na kaya?

"Elle, wait!"

"Uy girl! Sinundan ka ni Kade. Magpopropose na ata!"

"Kisses! Yung bibig mo marinig ka nung tao!" Buti nalang ngayon palang sya nakalapit samin. Ang lakas pa naman ng boses nito.

"Papa Kade! Kung ihahatid mo sya sabay ka nalang samin. Kunyari ikaw naghahatid samin kahit na si Mang Bert ang nagdadrive. Pasok na dali! Dito na ko sa harap para magkatabi kayo." Nagmamadali namang umupo sa harap si Kisses sabay nakipagdaldalan kay Mang Bert.

"Buti nalang hindi ako pikunin at sana wag ka din maasar. Talaga si Kisses. Pasensya ka na Kade. Wag mo nalang pansinin yun."

"Ok lang. Nakakatuwa nga eh. Ininvite na din naman nya ko para ihatid ka kaya ok lang sana sayo?" Sabi nya while opening the back door of the car.

"Sasama ka talaga samin? Hindi ba out of the way sa house mo?"

"Its ok. I already called my driver. Dun nalang nya ko susunduin sa inyo."

Nagkibit-balikat nalang ako at sumakay na sa sasakyan kasunod sya. Syempre magkatabi kami.

Si Kisses? Lingon lang naman ng lingon samin. Kaya si Kade kahit mukang may gustong sabihin eh ngingiti nalang. Napapailing nalang ako habang pinipigilan kong matawa.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon