Friends na nga kami ni Nathan at lagi kaming magkasama. Ewan ko ba laging nakabuntot sakin to, gaya ngayon. Masyado kasing busy si Kisses kaya hindi ko sya nakakasama ganun na din si kuya. Hindi pa nga nila nakikilala si Nathan eh.
"Nathan bakit ka nga pala laging nakadikit sakin? Diba may girlfriend ka? Hindi ba sya magseselos magkasama tayo?"
"Huh? Girlfriend? Hahahaha."
"Hindi ko alam may pagkabaliw ka din pala. Dapat kayong magkakilala ni Kisses. Tsktsk."
"Who is she?"
"She's my friend and girlfriend din sya ng brother ko. Next time ipapakilala kita sa kanya, busy kasi sya eh."
"You have a brother?" Tanong nyang mukhang interested talaga.
"Oh bakit?" Tinaasan ko sya ng kilay.
"Ah wala. Baka pwede ko din maging friend."
"Siyempre naman. Mabait yun."
Bigla nalang napatigil sa paglalakad nya si Nathan. Papunta kasi kami sa next subject namin.
He holds my arm and said, "Elle, you go first. May kakausapin lang ako ha. Sige." Binitawan na nya ako at nakita ko pa syang tumakbo sa isang lalaking nakasandal sa pader.
Infairness gwapo din kagaya ni Nathan. Pero wala paring tatalo kay Kade. Huh? Ahhhhh!!!! Please naman! Ayoko na syang isipin! Erase! Erase!
Kade's POV
Nandito parin ako sa France. Sobrang lungkot lalo na pag naaalala ko si Elle.
Kamusta na kaya sya? Sana okay lang sya pagkatapos ng nangyari.
Alam kong nasaktan ko sya pero ako ba hindi nasaktan? Sobrang sakit 'till now. Hindi ko parin makalimutan lahat ng nangyari. Pero kahit ganun I still want to go back in Philippines. I still want to see her kahit na alam kong masakit.
Tatapusin ko lang ang pag-aaral ko dito. Pangako uuwi ako. Lalo na hindi naman ako itinali ni mom sa business namin. Sinabi nya saking kunin ko ang kursong talagang gusto ko. May relatives naman kami para tumulong sa kanya.
One day I will go back and win her back. Willing akong kalimutan ang lahat ng nangyari at sana tanggapin nya ulit ako.
Elle's POV
"Kisses!!!! I miss you bestfriend!" Nang makita ko si sya sa corridor tinakbo ko agad sya. Namiss ko naman talaga sya eh. Kahit kasi magkapitbahay kami hindi parin kami nagkikita dahil magkaiba schedule ng class namin.
"Bestfriend! Hindi ko alam iskandalosa ka na din pala hahaha." Niyakap naman nya ako.
"Eh hindi ka na kasi nagpaparamdam sakin. Buti pa nga kayo ni kuya nagkikita pa eh."
"Eh pareho kami ng schedule eh. Sinadya ata para hindi ko sya mamiss hahaha. Sakto wala kasi yung prof namin kaya dumeretso na ko dito. Miss na din kita."
"Breaktime ko naman. Tara sa cafeteria. Nagugutom na ako hindi ako nakapagbreakfast eh."
"Bakit? You're skipping meal again because of Kade? Kailan ko ba sasabihin sayong kalimutan mo na sya. Konti nalang ipapakulam ko na yung taong yun eh. Siguro pinakulam ka din nya na hindi mo dapat sya makalimutan? Hala best-"
"Hep! Ang dami mo na naman sinabi ha. Buti hindi sumasakit ang tenga sayo ni kuya noh? Tsaka ano ka ba? Ang tagal ng nagpakagutom ako dahil sa kanya. Wala lang talaga akong ganang kumain nun. Ganun siguro talaga kapag nasaktan ka ng sobra. Tsaka nagmamadali lang ako kanina kaya yun. Dont mention his name again Kisses. Kinalimutan ko na sya."
"Asus! Labas sa ilong yang sinabi mo."
"Heh! You're not helping Kisses."
"Magtu-two years na kasi pero hindi mo parin sya nakakalimutan girl." Pinanlakihan ko sya ng mata. "I know, right? You cant hide anything from me. Because we're bestfriends!!"
"Elle! Nandito ka lang pala." Papalapit sa table namin sa cafeteria si Nathan habang nakasmile.
"Oh! Oh! Oh!"
Anong problema ba ni Kisses at nanlalaki pa ang mga mata nya?
"Bestfriend!!!! Sya na ba ang new boyfriend mo?" Sabi nya at sakto namang nakalapit na si Nathan kaya narinig nya ang sinabi ni Kisses.
"Baliw! May mahal na yan. Tsaka mukhang hindi sya nabighani sa alindog ko hahahah."
Nakitawa naman si Nathan sabay tingin kay Kisses.
"You must be Kisses and finally we've met. Kinukwento ka sakin ni Elle. I'm Nathan." Nagshake hands naman sila.
"Ang gwapo mo naman hahaha."
Hahaha ang mga banat talaga ni Kisses.
"Pop tart! Ako lang ang gwapo."
Hala! Mukhang galit si kuya ah. Bigla nalang syang sumulpot sa likod ni Kisses. Kabute talaga.
"Hahaha nagseselos ata pop tart ko ah. Syempre naman ikaw lang ang number one gwapo sa listahan ko. Si Nathan naman ang sunod."
"Hindi! Ako lang dapat!"
Ay nako mukhang nahawa na si kuya sa pagiging isip bata ni Kisses. Bagay talaga tsk.
Nagkukulitan parin yung dalawa at si Nathan naman mukhang nakatulala kay kuya. Anong problema nito? Hinila ko nalang sya paupo sa tabi ko at niyayang kumain.
"Sino ba sya Elle?" Tukoy nya kay Nathan.
"He's my friend kuya and also my classmate. Dont worry hindi nya aagawin sayo si Kisses dahil may mahal na yan. Lahat nalang kayo may mahal pero ako wala, hmp!"
"May mahal ka bestfriend, wala nga lang."
"Ang bibig Kisses, bad yan."
"I thought he's your boyfriend." Singit naman ni kuya.
Napaubo naman bigla si Nathan kaya napatingin kami sa kanya.
"Aba Nathan! Ganun na ba ako kapanget sa paningin mo para mapaubo ka dyan?"
"No offense Elle, iba lang talaga type ko hehehe." Sabay tingin kay kuya. Baliw talaga.
BINABASA MO ANG
Together Again (Completed)
RandomI'm Elizabeth Fiara Alcantara but you can call me Elle because you see ang haba ng name ko hehe. I experience the thing they called love when I was a fourth year high school student and become a girlfriend of the guy they called at school as their k...