TA 7

338 8 0
                                    

Kade's POV

"Fine! Oo gusto na din kita." Saad ni Elle.

Ang saya ko sobra. Hindi ko akalaing may gusto na din sya sakin. Buti nalang talaga ang daldal ni Kisses. Mabuti syang kaibigan promise! So what now? Hindi sa hindi ko alam kung ano na ba talaga nangyayari, nagkagirlfriend na din naman ako pero pagdating kay Elle nabablanko na lang ako. Parang mas gusto ko pa syang titigan nalang magdamag at hindi ako magsasawa.

"Edi ano tayo ngayon Elle?" Nahihiya pang sabi ko at bigla pang nag-init ang muka ko. Ano ba to?

"Hoy Kade! Dont tell me ngayon ka pa matotorpe?" Eksena na naman ni Kisses.

Nginitian ko lang sya at lumapit na ko kay Elle habang nakatingin lang din sya sakin.

"Elle, will you be my girlfriend? I'll promise I'll be good to you at mamahalin kita ng sobra sobra. Higit pa sa lahat dahil importante ka sakin. Akin ka lang."

"Love?" Sabay pa silang nagtanong ni Kisses. Bakit gulat na gulat ata sila? Tsk! Hindi ko pa nga pala nasabi sa kanya.

"Maka-akin ka lang dyan kala mo naman sinagot ka na ng bestfriend ko." Singit na naman ni Kisses. Yung totoo? Hindi ba to magsasawa makisali samin?

"I love you, Elle." Seryosong sabi ko habang hawak ang kamay nya.

"Waaaaaa! Pakshet! Nakakakilig!" Sigaw ni Kisses.

"Dawn Jasmine! Kanina ko pa naririnig yang pag-atungal mo dyan. Halika ka na nga dito may ipapagawa ako sayo." Sigaw ng matandang babae na kaage lang ata ng mom ni Kisses sa kabilang bahay.

"Elle, pagpasensyahan mo na anak ko alam mo namang baliw yan." Hinging paumanhin pa nung matanda sabay pasok na sa loob ng bahay nila nung pumasok na din si Kisses habang kumekembot kembot pa. Ang lala na talaga ng bestfriend ni Elle.

"Mom sya ni Kisses. Si tita Agnes." Sabi ni Elle sabay tahimik na ulit. Wala man lang ba syang sasabihin dun sa pag-I love you ko sa kanya? Kahit hindi naman sya mag-I love you agad sakin ok lang eh wag lang yun parang hindi nya ko narinig.

"Elle, I said I love you." Naulit ko tuloy. Hindi ako mapakali eh.

"I know. I heard you. Hindi ko lang alam sasabihin ko dyan sa sinabi mo. Ang alam ko lang ang bilis ng tibok ng puso ko. I never felt it before kasi wala pa naman nagconfess sakin dati dahil wala akong pinapansin sa mga nanligaw sakin. Pero ikaw iba ka. Iba ka sa lahat. Alam kong may nararamdaman na din ako sayo pero hindi ko sigurado kung gaya na nga din ng nararamdaman mo para sakin."

"Teka. Hahaha." Sabi ko habang natatawa ako. Hindi ko maexplain ang nararamdaman ko. Halo halo na kasi at sobrang natutuwa ako. Bigla naman syang napapout. Ang cute.

"You're laughing at me." Diretso ang tingin nya sa kalsada.

"No. I'm just happy. Hindi ko lang alam kung anong una kong irereact. Nagsabay sabay na kasi eh pero masaya ako. Sobrang saya ko kasi alam kong may nararamdaman ka din sakin. Natutuwa ako kasi imbes na ako magpakilig sayo ako pa ata kinikilig dito dahil sa mga sinabi mo. Hindi mo lang alam kung gano mo ko napasaya. I love you, Elle."

Nagblush sya at napasmile nalang. Okay na kahit wala syang sabihin. Naiintindihan ko na. Maghihintay ako. Hihintayin ko yung araw na sabihin din nya sakin yun at alam kong malapit na. Alam kong mahal na din nya ako.

"Kade." Tawag nya sakin. Tinitigan ko sya. Ang ganda nya talaga.

"Yung kaninang tanong mo. Oo pumapayag na ko."

Pumapayag saan? Bigla kong naalala yung tanong ko sa kanya kanina. (Will you be my girlfriend?)

Ay shet! Ang daming makakalimutan yun pa? Ang galing ko talaga.

Syempre bigla nalang akong napasugod sa kanya at niyakap sya ng mahigpit. Parang ayoko na nga syang pakawalan eh. Gusto ko kasama ko sya lagi. Niyakap din nya ko pagkatapos nyang magulat. Ang saya ko!

"Oy ano yan ha? Bakit diyan kayo nagyayakapan sa labas?" Bigla naman kaming naghiwalay ni Elle pero hinawakan ko naman yung kamay nya. "Pumasok nga kayo dito sa loob. Kade, may tiwala sayo ang parents ko kaya wag mong sirain. Baby sister ko yan wag mong tsansingan." Si kuya Andrei yun at nasa taas sya ng bahay nila at nakatingin samin habang kumakain ng cake. Gusto ko din haha

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon