Hinintay ko lang magsalita si Kade. Pero bakit bigla akong kinabahan? Ahhhh. Ang tagal naman kasi nyang magsalita.
"Hon si Hazel kasi balak nya tayong paghiwalayin."
"What????? Sino ba kasi si Hazel?!?"
Oh diba naunahan pa ko ni Kisses magreact. Sino ba talaga samin ang girlfriend dito?
"Kisses, ako muna pwede? Para manahimik ka na din, si Hazel yung nanghalik kay Kade sa school."
"Ano? May hinalikan kang babae Kade? Tapos ang lakas pa ng loob mong pumunta dito!"
Hala na!!! Sasakit na talaga ulo ko. Pati ba naman si kuya? Hindi namin namalayan nasa garden na din pala sya. Lahat kami nagulat, si Kisses muntik pang mahulog yung platitong hawak nya.
"Sige! Sino! Sino pang sisingit?!? Sino pang sisingit sa usapan namin ha?!? Uso na ba singitan ha? Naaasar na ko!" Sumisigaw na ko sa sobrang inis. Naiinis din ako dahil sa sinabi ni Kade. Bakit kami paghihiwalayin? Halo halo na nararamdam ko at naiiyak na ko. Ngayon lang ako nagkaganito kaya hindi ko na alam gagawin ko.
"Hon, tama na." Hinawakan ni Kade ang kamay ko at pinunasan nya yung tumulong luha sa mata ko. Hindi ko namalayan pumatak na pala luha ko. Ayoko kasing mawala sya sakin.
Nagsmile sakin si Kade. Unti unti na ding nawawala yung pagkaasar ko. Hinarap ko naman sila kuya at Kisses na magkahawak na din pala ang kamay. Huh? Bakit???
"Kayo ba?" Tanong ko bigla sa kanila.
"Hindi noh!" Sabi ni Kisses sabay bagsak sa kamay ni kuya. "Hindi ko nga din namalayan magkahawak na pala kami. Wag ka naman kasi sisigaw ng ganun, nakakatakot."
"Wag din kasi kayo sisingit bigla bigla. Oy kuya, kung narinig mo sinabi ko kanina hindi si Kade ang nanghalik, sya ang hinalikan. Wala syang kaalam alam noh. Tsaka yung babaeng yun gusto kaming paghiwalayin."
"Teka bestfriend. O ayan ha may warning na ko na sisingit ako. Bakit ba nya kayo paghihiwalayin? Bruhang yon! Sabunutan ko yun eh."
"O wag maging amasona ha." Paalala ni kuya kay Kisses. Pasensya na pero pinalaki talaga kaming wag makipag-away. Except nga lang dun sa pagsampal ko kay Hazel. Iba na din pala pag-alam mong may threat sa relationship nyo ng mahal mo.
"Ex-girlfriend ko si Hazel at yung pinsan nyang si Marco ang nagsabi sakin na balak nga ni Hazel na paghiwalayin kami ni Elle. Kuya Andrei." Humarap sya kay kuya. "Wala akong balak saktan si Elle. Dahil ako ang unang-unang masasaktan pag nasaktan sya." Tinignan naman nya ko bigla.
Haaaayyy kinikilig na naman ako.
"Si bulinggit? Pinsan sya ni Hazel? Baka naman hindi din natin pwedeng pagkatiwalaan si bulinggit. Baka sinabi lang nya sayo yung binabalak ni Hazel pero tutulungan nya talaga yung babaeng yon."
"Akong bahala kay Marco, hon. Mahalaga sa kanya ang barkada kaya hindi nya ko gagaguhin. Sinabi ko lang naman sayo ang balak ni Hazel para maging handa tayo at ayokong pag-awayan natin kung ano man ang mangyayari. Hindi ako papayag na may gawin syang masama lalo na sayo."
"Tama! Bilib naman ako sa mga sinabi mo Kade. Kaya Elle wag nyong pansinin ang mga taong ganon. Kalimutan nyo muna yon. Tara na sa loob." Yaya samin ni kuya. Pero sige kakalimutan ko muna yun sa ngayon.
Monday ngayon at nagulat ako ng paglabas ko ng bahay ay nandun si Kade sa labas at nakasandal sa sasakyan nya.
"Hon, bakit ka nandito?"
"Ako na maghahatid sa inyo sa school. Nasabihan ko na din si mang Bert. Ayaw mo ba?"
"Aayaw pa ba ko eh nandito ka na. Si Kisses hintayin natin."
"I'm here!"
Ngek! Nauna na pala sa sasakyan at kumakaway pa.
"Tara na bilis! Kailangan na naman ang beauty ko sa school."
As usual may pinapagawa na naman sa kanya si adviser hehe, magiging busy sya walang maingay.
Pagdating namin sa school nagtatakbo agad si Kisses papunta sa adviser namin ng makita nya.
Pababa naman ako sa sasakyan ni Kade ng parang naramdaman kong may nakatingin sakin. Nilingon ko yung gate ng school pero madating student na pumapasok kaya hindi ko alam kung may nakatingin nga sakin. Hmp! Nahahawa na ata ako sa kabaliwan ni Kisses. Kinuha ko nalang yung kamay ni Kade na ikinagulat naman nya dahil ngayon ko lang kasi ginawa.
"Hehehe holding hands tayo hon."
"Ang sweet ah." Nagsmile sya sakin tapos tinitigan pa nya ko.
Bakit ganun? Parang lalo syang gumwapo sa paningin ko. Tapos hindi ko din maalis yung titig ko sa kanya. Gusto ko lang sya titigan buong araw. Bakit parang biglang tumahimik ang paligid? Kanina ang ingay ingay nila ah. Ano ba tong nangyayari sakin bumibilis tibok ng puso ko. May sakit ba ko? Napayuko ako bigla tapos tinignan ko ulit sya. Unti unti akong napangiti. Eto na ba yun?
"I love you Kade." Bigla kong nasabi sa kanya. Pati ako nagulat eh.
"Ano? Anong sinabi mo hon?"
"Ah wala di bale nalang." Pagkatapos kong magconfess hindi pala narinig? Hindi ko na uulitin noh.
"Pulang pula na muka mo hon. I love you too."
"Waaaaa narinig mo naman pala eh. Nakakahiya!"
"Nahihiya ka dahil mahal mo ko?"
"No! Syempre hindi. Nahihiya lang ako magsabi nun kasi pati ako kinikilig. Naman eh, ang dami kong sinasabi. Wag ka na kasi magtanong. Alam mo namang hindi ako sanay sa ganto eh."
Niyakap nya ko bigla. Sarap ng hug nya hehe.
"I love you, Elle. Hindi mo lang alam kung gaano mo ko napasaya nung sinabi mong mahal mo na din ako kaya masanay ka na kasi gusto kong laging marinig sayo yun." Humarap na sya sakin. "Tandaan mo kung gaano mo ko kamahal mas sobra sobra pa dun ang ipaparamdam ko sayo. I love you so much hon." Sabay halik nya sa labi ko. Mabilis lang pero damang dama ko.
BINABASA MO ANG
Together Again (Completed)
RandomI'm Elizabeth Fiara Alcantara but you can call me Elle because you see ang haba ng name ko hehe. I experience the thing they called love when I was a fourth year high school student and become a girlfriend of the guy they called at school as their k...