TA 36

253 5 0
                                    

Tatlong araw din akong hindi pumunta sa Indulgence kaya si Alexa muna ang nagbabantay sa shop habang wala ako. Pero nagbebake parin naman ako para ipadeliver doon. Hindi lang talaga ako pumupunta pa sa Indulgence.

Bakit?


Hindi sa iniiwasan ko si Kade ha? Binigyan ko lang talaga ang sarili ko ng day off para makapagbonding na ulit kami ni Charlotte. Lalo na ngayong magtutwo na sya. Ang bilis nga nyang magsalita eh pero siyempre konti palang ang alam nya at bulol pa hehe.

Basta hindi ko talaga iniiwasan si Kade promise! Pero sige na nga iniiwasan na, medyo lang naman. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin ko kapag nagkita kami ulit. Baka bigla nalang ako mapa-oo sa kanya kahit ilang araw na nung nagpropose sya. Hay nako!



"Baby girl, lets go na. Mall na tayo." Nagtatakbo naman sya palapit sakin. Talaga to basta lalabas ang bilis bilis. Nasa work na sila kuya kaya kami lang ang lalabas. Hindi ko na din pinasama yung yaya nya.



Inaayos ko na si Charlotte sa car seat nya sa likod ng may magsalita sa likuran ko. Nakapark na kasi yung sasakyan ko sa labas ng bahay.



"Elle, can we talk?"




Ano ba? Bakit ngayon pa? Lilingon ba ako? Aba siyempre! Kung hindi eh nakatuwad lang ako sa kanya noh.



"We're going out, Kade. Ipapasyal ko si Charlotte."



"Okay. I'll go too and you can't say no. I know you're avoiding me, Elle. Nasasaktan ako sa ginagawa mo. Kai-"



"Tama na. Kung sasama ka bahala ka, aalis na kami."



Bubuksan ko na sana ang pinto sa driver's side pero naunahan ako ni Kade at kinuha sakin ang susi.


"What do you think you're doing? Give me that!"



"I'll drive. Iiwan ko nalang dito ang car ko para sa daan palang makapag-usap na tayo." Sabay pasok sa loob ng sasakyan ko at sinara ang pinto.



"Aba't! Kala mo sa kanya yung sasakyan!" Nagdadabog na pumasok na din ako sa passenger's side. "Baby Charlotte wag mo nalang pansinin yung driver natin ha? Dapat good girl ka lagi."



"Baby Charlotte dapat si kuya Kade lang ang titingnan mo ha kasi gwapo ako."




"Anong kuya pinagsasabi mo diyan?"



"Kasi ate ka nya kaya kuya nya ako. Naisip ko lang paanong nagkaroon pa kayo ng isang kapatid eh matanda na non si tita Lily?"



"We're not friends kaya hindi ko kailangang makipagkwentuhan sa'yo."



"Yeah we're not friends but you're my soon to be wife. Now tell me, who's her mother?" He asked, referring to Charlotte.



"The nerve! Hindi ko nga sinagot yung proposal mo diba?" Sasagot na sana sya pero pinigilan ko sya. "Hep! Tama na yung usapan na yun. Anyway, her mom is Stacie at ang father nya ay si dad. Loyal si dad kay mom ok? Nilagyan kasi ni Stacie ng drugs yung inumin ni dad kaya ayun may nangyari sa kanila at nabuo si Charlotte. Hindi tanggap ni Stacie si Charlotte kaya binigay sya kila dad."



"Hindi alam ni Stacie kung ano ang nawala sa kanya. Mukha pa namang mabait na bata si Charlotte."



Napatitig nalang ako sa kanya pagkasabi nya nun. Hindi ko alam kung bakit pero nakakatouch yung sinabi nya na parang pinapahalagahan nya si Charlotte. Alam kong magiging mabuti syang ama sa magiging anak namin. Huh? Hahaha. Sa magiging anak pala nya.



Pagdating namin sa mall kumapit agad si Charlotte kay Kade at hindi sakin. Aba! Ang kapatid ko nakakapit agad sa gwapo? Tsk.



"Do you want to play first, Charlotte?" Tanong ni Kade na binuhat na si Charlotte.


"Yes, Dada."



"Dada?"



"Yan din ang tawag nya kay kuya. Naisip namin siguro dahil naghahanap sya ng daddy kasi Mimi naman ang tawag nya samin ni Kisses like mommy. Kapag sinabi kasi namin yung mommy and daddy ang sagot nya Mimi and Dada."



"O sige baby Charlotte tawagin mo akong Dada ha? Para may daddy ka na. Dalawa na kami ng kuya Andrei mo. Hindi ka iiwan ng Dada."



Nagsmile naman sa kanya si Charlotte at may kasama pang hug. "Dada," sabi nya sabay kiss sa pisngi ni Kade.



"Wow! Love you, Charlotte."



Nakatitig lang ako sa kanilang dalawa. Natutuwa ako sa ipinapakita ni Kade kay Charlotte. Alam kong mabuti syang tao at yung sinabi nya kay Charlotte alam kong totoo lahat yun.



Humarap sya bigla sakin at nginitian ako gaya ng dati. Yung dati na kami pa. Bakit ganito ang pakiramdam ko? Biglang uminit naman ata at yung puso ko parang sasabog na sa sobrang bilis!



"Ah, a-ano.... L-lets go!" Nauutal lang ang peg? Ano ba naman kasi yang ngiti nya?!?



Pero ang magaling na lalaki tinitigan pa ako lalo na nagpapula naman ng mukha ko. Waaaaaa....



"Let me hold your hand, Elle." Sabi nya sabay lahad ng kamay nya sakin.



Bakit kasi sasabihin pa eh pwede namang abutin nalang agad yung kamay ko. Ay ganon? Pwede na ulit? Tse!



Inabot ko nalang din yung kamay nya para matapos na, kaysa naman pagtalunan pa namin diba? Walang kontra.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon