Papunta na akong Indulgence dala ang inorder na Chocolate Cheesecake ng dalawa naming customer. Kahapon bago matapos ang araw ay pinilit ako ni Natalie na ituro sa kanya yung mga recipe ng Indulgence para tulungan ako sa pagbebake dahil nakapag-aral din sya ng baking. Mukhang napansin nyang marami akong ginagawa haha.
"Goodmorning, Miss Elle! What a beautiful day!" Bati sakin ni Alexa. Anong nakain nito at ngiting ngiti pa? Nginitian ko na din sya para hindi sya nag-iisa.
Dadalhin ko na sana yung Chocolate Cheesecake sa cake cooler ng makita ko si Kade na nakatingin din sakin kaya inabot ko nalang kay Alexa at dumiretso na ako sa office.
Ano din bang problema nun at nakangiti din sya sakin? Diba sinabi ko ng wala syang mapapala sakin?
Pagpasok ko sa office.... "Wow! Tulips!" Kinuha ko agad yung tulip na nasa vase na at mukhang si Alexa na din ang naglagay. "Siguro galing kay Alexa kaya ngiting ngiti sya kanina."
"Those are from me, Elle."
Nagulat nalang ako ng magsalita sa likod ko si Kade at muntik ko pang mabitawan yung vase. Bakit kasi nakalimutan kong isara yung pinto eh ng dahil sa tulips.
"Don't you knock? Tsaka sayo galing tong mga tulips? Nilagay mo dito ng nakikita nila Alexa?"
"Yeah, kaya nga nilagay na ni Alexa sa vase eh. May problema ba?"
"Meron!!! Ikaw ang problema ko! Bakit mo ba ako binigyan nito ha? Do you think you can win me back because of these flowers? Plea-"
"Hindi naman masamang magtry. Pero kahit ayawan mo yan hindi parin ako susuko. I'm willing to wait kahit gaano pa katagal. Ganun kita kamahal." Sabi nya at dumiretso na sa pinto palabas.
"I love it and mom loves it too because it's our favorite flower." Bulong ko sa sarili ko at mahinang napaiyak.
"Elle! Why are you crying?"
Ano ba? Bakit ba bumalik pa tong lalaking to. Mabilis ko namang pinahid ang luha ko para manahimik na sya.
"I'm not crying. Please go back to your work."
"Hindi ako aalis dito kung hindi mo sasabihin sakin. Dahil ba sa flowers? Itapon mo kung gusto mo basta wag ka lang umiyak."
"O sige na, ayaw mong umalis? Ikaw nalang ang boss kaya dyan ka na." Lalagpasan ko na sana sya pero hinawakan nya ako sa kamay ko.
"Elle, ayokong nakikita kang umiiyak. Sabihin mo sakin kung anong problema."
"Kapag sinabi ko ba sayo lalabas ka na ng office ko ha?"
Bumuntong hininga muna sya bago pumayag.
"You know I love tulips, right?"
"Hindi ko nakakalimutan kaya nga yan ang naisip kong ibigay sayo. Even your mom loves it. How is she, anyway?"
"Oh my god! You don't know? Sabagay, bakit pa ko aasang alam mo eh nawala ka ngang parang bula diba? Siguro pati sa mga barkada mo wala kang balita. Ganon ba kasakit yung naramdaman mo sakin noon at kinalimutan mo lahat?" Tanong ko pero hindi ko na sya hinayaang sumagot at nagsalita na agad ako. "Patay na si mom, Kade, pati na si dad. Car accident."
"What???? Hindi magandang biro ya-"
"Sa tingin mo may anak na kayang magbiro ng ganyan? Sobrang mahal ko ang paren-" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla nalang akong niyakap ni Kade. Pinipilit kong lumayo sa kanya pero lalo lang nya akong niyakap ng mahigpit.
"Please Elle, let me hug you. Kahit ngayon lang. Alam kong masakit mawalan ng magulang. Naranasan ko na diba nung kunin samin si dad. Pero mas masakit siguro kung pareho silang kinuha sayo. I'm sorry, Elle."
Habang yakap nya ako damang dama ko ang kalungkutan nya dahil alam kong napalapit na din sya kila mom and dad. Habang yakap din nya ako parang mas gumagaan ang pakiramdam ko kaya lumayo na ako sa kanya.
"Salamat sa flowers and hug. Bumalik ka na sa pwesto mo at baka kailangan ka na nila dun." Nakatungo ako habang nagsasalita at salamat naman dahil umalis na sya.
BINABASA MO ANG
Together Again (Completed)
RandomI'm Elizabeth Fiara Alcantara but you can call me Elle because you see ang haba ng name ko hehe. I experience the thing they called love when I was a fourth year high school student and become a girlfriend of the guy they called at school as their k...