TA 13

270 10 0
                                    

Hazel's POV

"Aaaahhhhh! Nakakaasar! Bakit kasi sabay pa silang pumasok sa school na yun eh! Tapos maghahalikan at yung makikita ko pa!"

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Umuwi agad ako ng makita ko yung paghalik ni Kade kay Elle, ang bruhang babaeng yon.

Ayon kasi sa napagtanungan ko inaabangan daw lagi ni Kade sa labas ng school si Elle at lagi syang nauuna. Kaya inagahan ko ang pagpunta don pero laking gulat ko magkasama pala silang papasok. Ang tanga nung pinagtanungan ko eh!

Hindi na ko pumapasok sa school ko matagal na. Hindi lang alam ng parents ko eh malamang lagi naman sila wala eh.

Paano ko ba maaakit yung Kade na yon? Mahal ko sya. Mahal na mahal kaya nga pinilit ko syang maging kami eh. Handa na din akong ibigay lahat lahat pati katawan ko pero nireject nya ko! Sa ganda kong to? Hindi daw nya ko mahal kaya nakipaghiwalay sya agad sakin.

Bakit? Anong bang meron sa babaeng yun at mas gusto pa nya yun? Kung mayaman sya, mayaman din ako! At kayang kaya kong makuha lahat ng gusto ko. Pero si Kade lang, si Kade lang ang gusto ko!

Bigla akong may naisip.

Pupunta ulit ako sa school na yon at hihintayin ko syang lumabas.

Alam ko kung anong oras ang uwian nila kaya nandito na ko sa labas ng school nila bago pa maglabasan ang mga estudyante. Sana naman lumabas sya agad.

Ang dami ng estudyante sa labas pero nakita ko agad ang hinahanap ko. Masyado syang matangkad para hindi ko mapansin kaya dumeretso na ko agad sa kanya at buti nalang mag-isa lang sya hindi nya kasama yung bwiset kong pinsan.

"Zac!" Tawag ko sa kanya at hinalikan sya bigla sa lahat ng maraming estudyante. Nahalikan ko na sya dati kaya alam kong tutugunin din nya ang paghalik ko sa kanya. Nilaliman ko pa ang paghalik sa kanya bago ko sya hinila sa gilid ng school na may mga puno.

Zac's POV

Tsk! Kahit kailan tong babaeng to easy-to-get. Pasalamat sya pinsan sya ni Marco kundi.... Haha.

"I know you like me Zac." Mapang-akit nyang sabi.

Tama sya. Maganda naman kasi ang katawan nya, bakit hindi diba. Pero hindi ako nagsalita nakangisi lang ako sa kanya.

"Pwede mong makuha ang gusto mo kung..." Nilapit nya sakin ang katawan nya at halos nakayakap na sya sakin. "Kung tutulungan mo kong mapaghiwalay sila Kade at Elle."

Huh? No way! Bigla ko syang natulak at muntik na syang matumba.

"Nababaliw ka na ba ha? Sa tingin mo magagawa kong gaguhin barkada ko para lang sayo? Lumayo ka sakin! Wag mo na kong lalapitan!" Iniwan ko na syang mag-isa dun at dali-daling pumasok ako sa school.

Sana nasa loob pa sila Kade ng malaman nyang may gustong sirain ang relasyon nila ni Elle. Ngayon ko lang sya nakitang masaya. Lalo na hindi na din sya nakikipag-away kung kani-kanino. Sya lang naman ang ganun samin, sasabihin nyang kailangan tumulong. Magpupulis ata yun balang-araw eh.

Ayun! Nakita ko na sila sa parking lot.

"Kade!" Tawag ko sa kanya. Buti narinig nya ko agad. Ihahatid na nya siguro sila Elle at Kisses. Infairness din sa friend ni Elle maganda din.

"May kailangan ka? O gusto mong magpahatid din?" Nakangisi nyang tanong.

"Tsk! Parang wala akong sasakyan ah."

"Malay ko ba kung nabangga mo na naman sasakyan mo."

Hahaha kaskasero kasi ako magdrive kaya ayun madalas mabangga o makasagi. Hindi naman masyadong malalo pero kailangan parin ipaayos yung sasakyan ko.

"Hindi. Bago lang kotse ko sayang kung ibabangga ko agad. Pero teka nawawala ako sa sasabihin ko eh. Do you know Hazel? Marco's cousin?"

"Hazel na naman? Ano bang klaseng babae yun at puro lalaki ang nakakakilala sa kanya? Sasabunutan ko na talaga yon!"

O! Nakakagulat naman bestfriend ni Elle. Daig pa tindera sa palengke makasigaw ah.

"Kilala ko sya." At kinuwento nya ang naging relasyon nya kay Hazel.

Weh? Di nga? Pinatulan nya yun? Hayaan ko na nga lang. Pero ang importante ay...

"Pre, mukang inabangan nya ko kanina sa labas ng gate, tapos sinabi nya saking tulungan ko syang paghiwalayin ko kayo ni Elle. Hinalikan pa nga nya ako eh."

"Ewww ha, ewwww!" Singit nung Kisses. Hindi ko alam kung matatawa ako eh. Nilapitan ko sya habang nakangiti.

"Hoy, hoy, hoy! Wag kang lalapit. Bestfriend!!!" Nagtago sya bigla sa likod ni Elle.

"Hahaha ewww pala ha. Hahalikan sana kita para malaman mo kung ano ang ewww." Pumasok naman sya bigla sa kotse. Cute.

"Tama na yan pre. Alam ko ng gusto nya kaming paghiwalayin. Si Marco na din ang nagsabi sakin. Hindi ko lang akalaing isa na naman sa barkada ko ang hiningan nya ng tulong. Salamat sa pagsabi pre."

"Wala yon. Sige na umalis na kayo. Hindi ko alam kung nasa labas pa yun para hindi nya na kayo maabutan."

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon