TA 26

262 7 0
                                    

Nandito ako ngayon sa cafeteria ng school. Actually late na para magbreaktime ako. Eh kasi naman ang daming project na pinapagawa samin tapos finals na next month!



Waaaaaa lapit na pala graduation namin!!! Hahaha sa wakas!!!


Ang dami ding nangyari sa loob ng taon na to pero lahat masaya. Unti-unti ko na ding nakakalimutan si Kade. Pag naiisip ko sya hindi na ako nalulungkot gaya ng dati. Naiisip ko nalang atleast naranasan ko kung paano mainlove. Pero alam kong hindi pa ako handang magmahal ulit. Ang hirap kasing magtiwala na naman tapos sasaktan ka lang din. Sana kung may ibang darating para sakin, sana sya na talaga pero career muna hehehe lalo na konting kembot nalang may bakeshop na ako weeeeee nakakakilig....


Lagi kaming nakavideo call nila mom and dad para makita din namin si Charlotte. Ang cute cute ng baby sister ko lalo na ang puti puti nya. Sa graduation ko one year old na sya. Ang bilis ng panahon pero syempre masaya kasi uuwi na sila.


"Elle! Nandito ka lang pala. Wow cake! Penge naman, alam ko ikaw nagbake nyan." Nakakagulat talaga tong si Nathan. Bigla nalang sisigaw eh nagmumuni muni ako dito.

"O sige kuha lang basta wag mo tangayin dahil gutom talaga ako."

Tumawa naman sya. Eh pano naman kasi one time tinangay nya yung cake ko ipapatikim daw nya sa mahal nya. Tikim daw eh pagbalik nya wala ng natira sakin. Tsktsk


"Bestfriend!!!" O eto pang isa kung makasigaw kala mo samin yung cafeteria. Nakaextend pa yung dalawa nyang kamay para sugudin ako ng yakap. Mga iskandalosa mga friend ko pasensya na.


"Ayan na! Ayan na! Malapit na tayong grumaduate!!!" Sigaw nya habang nakayakap sakin edi sa tenga ko sya sumisigaw.


"Kisses naman ang sakit sa tenga yang sigaw mo. Pareho kayo nitong si Nathan. Oy teka! Yung cake ko mauubos mo na." Sabi ko sabay hablot ng cake sa kanya.



"Honey babe!!!! May dala akong pagkain para sayo." Waaa pati ba naman dito nakasunod si Celine kay Nathan? Uy, friend ko lang si Nathan ha? Nagrereact lang ako kasi ayaw talaga sa kanya ni Celine.


Simula nung inassume nya na kami nga ni Nathan ay naging masungit na sya sakin. Gaya ngayon, nakataas na naman ang kilay nya sakin. Grabe toh!


Lumapit naman bigla sakin si Nathan tapos umakbay pa. Lagi po kaya nyang ginagawa yun pag lumalapit sa kanya si Celine.


"Bestfriend! Ano yan?!" Ngek! Hindi nga pala alam ni Kisses kung sino si Celine at kung bakit ako inakbayan ni Nathan.


"Nathan ano ka ba naman kasi! Tigi-" sita ko sa kanya pero tinakpan nya agad ang bibig ko.


"Babe!" Sabi nya sakin at pinagkadiin-diinan pa talaga yung babe. "Kumain ka lang ha? Ayokong nagugutom ka."


Si Kisses nakanganga lang samin at si Celine naman parang iiyak na nakatitig lang samin. Lagi syang ganyan at naaawa na ako sa kanya. Kahit hindi sya pinapansin ni Nathan lapit parin sya ng lapit dito at lagi pang may dalang pagkain para kay Nathan.


"Alam kong sabi ng dad mo wala na kong magagawa kung may girlfriend ka na. Ayaw din nyang makialam sa relasyon nyo but what can I do? I love you Nathan. Dont you have any feelings for me?"


"Meron naman pero bilang kapatid lang Celine. Alam kong nasasaktan ka pero hindi ko kayang pilitin ang sarili kong mahalin ka. Lalo na..... Wew! Ang hirap. Please, wag mo ng ipilit ang sarili mo sakin. Marami pang iba dyan na nararapat para sayo. Yung mamahalin ka gaya ng pagmamahal na binibigay mo sakin. I'm sorry Celine."


Umalis na si Celine habang umiiyak. Wala na syang sinabi kay Nathan. Sana nga wag na nyang habulin si Nathan para hindi na sya masaktan. Sana ngayon palang makapagmove on na sya.



"O ngayon na kayo mag-explain sakin. Kayo ba ha? Kung kayo makakatikim talaga kayo saking dalawa dahil hindi nyo man lang sinabi sakin." Si Kisses at nakapamewang pa.



"Eto kasing si Nathan eh. Akala tuloy ni Celine ako yung girlfriend nya. Bakit kasi hindi mo ipakilala yung tunay na girlfriend mo ng hindi ako nadadamay?"


"Its complicated, Elle."


"Yan nalang lagi sinasabi mo parang hindi mo naman ako friend."


"Ok fine. Lapit kayo sakin at ibubulong ko. But promise me na wala kayong ibang pagsasabihan dahil ayokong malaman ng dad ko." Nagpromise naman kami ni Kisses at lumapit na din.


"Siguraduhin mong maayos yang sasabihin mo Nathan ha, walang kalaswaan ha?"


"Ahahaha syempre wala pero...."


Binulong na nya samin at ganun nalang talaga ang gulat naming dalawa ni Kisses. Sinong hindi magugulat, aber?


"Humaygod ka Nathan!" Sigaw ni Kisses sabay batok. Natawa tuloy ako kahit shock parin at nakatitig lang kay Nathan.


"Aray naman! Masakit yun ha?"


"Bwisit ka! Malandi ka! Ang tagal na nating magkasama hindi mo man lang sinabi sakin? Isusumbong talaga kita sa dad mo."

"Nagpromise ka Elle. I trust you ok and Kisses too. Kapag nalaman ni dad baka itakwil nya ako."

"How can you say that? No matter what alam kong mamahalin ka parin ng dad mo. Sa family kahit gaano pa kamali yang nagawa mo o kung sino ka mang talaga mananaig parin ang pagmamahal nila sayo. Try mong sabihin ng hindi ka nagtatago habang buhay."

"Tama si Elle. Wag mong pangunahan yung magiging reaksyon ng dad mo. Malay mo tanggap pala nya ikaw lang nag-iinarte dyan?"

"Hahaha sige sige. Salamat sa payo. Maaasahan talaga kayo pero secret parin to ha? Hayaan nyo muna akong makahanap ng tiyempo para sabihin sa lahat."

"For sure mandidiri si Celine sayo." Wahahaha bumanat pa talaga si Kisses.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon