TA 40

305 8 0
                                    

Malapit na ako sa Indulgence ng matanaw ko si Kade sa labas na mukhang may hinihintay.



Pagkapark ko ng car ko dumiretso agad ako sa kanya.



"Hey! Waiting for me? Parang high school lang ulit ah." Sabi ko saka sya hinalikan sa pisngi.



"Hahahaha at gaya dati ayaw mong magpasundo sakin."




"Mapapalayo ka lang kasi." Nagkatinginan kami at sabay na napatawa. Ganun din kasi yung sinabi ko sa kanya nung high school kami.



"Pasok na tayo sa loob, sabihin nating engage na tayo. Alam kong matutuwa silang lahat." Sabi ni Kade. Nasubaybayan kasi nila yung panunuyo sakin ni Kade. Akalain mong madami din palang naging involve sa love story namin.



Kade opened the door for us to enter at lahat sila napatingin ng pumasok kami na nakaakbay sakin si Kade. Lahat sila nagulat pero ngumiti din eventually.



"Wow Miss Elle and Kade sa wakas kayo na po." Bati samin ni Alexa.



"Hindi lang naging kami ulit. Actually we're already engaged." Pagkasabi ni Kade non ay tinaas nya yung kamay kong nakasuot yung engagement ring na binigay nya sakin.



"Wow! Ang ganda naman."




"Uy! Kumikinang."




"Congratulations po Miss Elle and Sir Kade."



"Kade lang Paul. Barista parin ako dito. Walang nagbago."



"Pero magiging asawa na po kayo ni Miss Elle kaya owner na din po kayo ng Indulgence diba? Kaya Sir Kade na po?"



"Tama sya, hon." Sabi ko naman.




"Yeah pero barista pa rin ako dito. I love my job."



"Miss Elle ayaw atang mahiwalay sa inyo ni Sir Kade."


Nagtawanan naman silang lahat.



"Kailan po ang kasal?"




"Hindi pa namin napag-uusapan dahil mukhang mauuna ang kapatid ni Elle ikasal pero lahat kayo invited diba hon?"




"Siyempre naman dahil kayo ang kasama ko ng simulan ko tong business na to. Lalo na saksi kayo sa pagbibigay sakin ng flowers ni Kade."



"Grabe nga po Miss Elle. Pati kaming lalaki kinikilig kay Sir Kade. Tsaka ginaya ko din po ang strategy nya. Lagi tuloy akong pinagbibigyan ng girlfriend ko na ano, alam nyo na haha dahil sa flowers na binibigay ko."



"Hoy! Ano yang sinasabi mo? May inosente pa dito." Sigaw ng pinakabata sa crew.



"Hahaha tama na yan. Nga pala dahil mahal ko itong tao na to," sabi ko at niyakap pa si Kade sa harapan nila na nagpakilig na naman sa kanila. "Lahat kayo may free cake na iuuwi mamaya. Mamaya idedeliver dito galing sa bahay namin."




"Wow! Thanks po Miss Elle. Favorite namin lahat ng cake dito eh."




"Ganon? Nakakataba naman ng puso. Salamat din sa inyo. O sige na dun na ako sa office ko." Paalam ko sa kanilang lahat pati na kay Kade. Pero sinundan pala nya ako.


"Why hon?" Tanong ko.

He smiled and said, "I love you." And kiss me in my mouth. Haaayyy sweet.

"I love you too." I smiled at him too saka sya umalis.




Lunch time na kaya lumabas ako ng office para yayaing maglunch si Kade. Masyado kasi syang engrossed sa work nya kaya minsan nakakalimutan ng magbreaktime.




Malapit na ako sa kanya ng biglang bumukas ang pinto ng Indulgence at iluwa ang taong ni sa panaginip ay ayoko ng makita.




Si Hazel Kim. Sana naman o-order lang sya noh?!?




"Kade!" Sigaw nya na kala mo pagmamay-ari nya yung lugar kaya napatingin sa kanya lahat pati na ang mga customer namin. Please not again. Bakit ba sya nandito?




Nilapitan nya si Kade na nakakunot na ang noo. Halata namang nagulat din sya sa pagdating ni Hazel.




"I'm pregnant!!!" Sigaw ulit nya na ikinagulat ng lahat lalo na ako. Hello????? Fiancée here.




Bakit kung kailan okay na lahat bigla na namang may mangyayaring hindi maganda?




"Miss Elle, ok lang po ba kayo?" Nakalapit na pala sakin si Alexa ng hindi ko namamalayan.




Siyempre hindi ako okay pero nangako ako kay Kade na pag-uusapan namin kung ano man ang problemang dumating samin kaya nilapitan ko sya. Tinitigan ko sya na parang nakikiusap na sabihin nyang hindi sa kanya ang dinadala ni Hazel.




"Hon.", "Elle?" Sabay na sabi ni Kade at Hazel na pareho ng nakatingin sakin.





"Wait! I know what you're thinking. Don't worry hindi si Kade ang ama ng dinadala ko. Matagal na akong nakamove on sa kanya." Sabi nya sakin at kay Kade naman sya humarap. "Letseng yan! Yung bwiset na barkada mo!" Sigaw nya bigla.




"Teka lang Hazel. Halika dito sa office ko, dun kayo mag-usap. Hon halika na." Yaya ko sa kanila at sumunod naman sila. Haler??? Kanina pa kayang parang may live show dito kung makatingin lahat ng customer. Tss!




"Sino bang barkada ko ang tinutukoy mo Hazel?" Tanong agad ni Kade ng makaupo na si Hazel.



"Eh sino pa ba edi yung bwiset na Zac na yon!!!!"

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon