TA 16

252 12 0
                                    

Nagulat sila ng sumigaw ako. Eh sino ba namang hindi mabibigla yung boyfriend mo sa ibang bansa pala mag-aaral tapos hindi mo alam?

Ang nakakaasar pa eh nagawa pa nyang tumawa. Naiiyak na kaya ako.

"Uy Kade naiiyak na si Elle." Sumingit na si Kisses, alam nyo naman.

"Hon! Teka lang! Hindi pa kasi ako tapos eh." Niyakap nya ko bigla. Tinulak ko naman sya ng konti para tapusin nya ang sinasabi nya.

"Sabi ko diba balak lang? Nung una talaga sa France ko gusto mag-aral. Nakahanda na din lahat para don pero nakilala kita Elle. Simula non ayoko ng umalis, ayokong mahiwalay sayo kaya sa simula palang na naging tayo nasabi ko na agad kay mom na hindi na ko tutuloy. Dito nalang ako mag-aaral para makasama kita. Para magkasama tayo."

"Waaaaa! Kinikilig ako bestfriend! Sana ako nalang Kade!"

Kinurot ko naman agad sa tagiliran nya si Kisses. May boyfriend na mang-aagaw pa ng iba.

"Aray naman! Yung bilbil ko ha nananahimik yan." Pero wala naman talaga. Talaga to oh.

"I love you hon." Sabi ni Kade sakin.

"Ay teka walang ganyanan. Marunong din pala akong mainggit! Wag sa harap ko maglandian ha?"

"I love you too hon." Sabi kong hindi pinansin si Kisses.

"Waaaaaaaa grabe kayo." Nagsisisigaw na sya na parang bata.

"Sabi na si Kisses yung umaatungal eh." Si kuya na mukang kakauwi lang.

"Hoy! Grabe ka si Kade yun." Haha nagtawanan kaming lahat.

"Baby! Ang tagal mo naman?"

Nakita nalang naming may sumulpot na babae sa likuran ni kuya at niyakap sya. Humaygosh! Inosente pa kami.

"Huh? May baby na kayo? Bakit hindi ko nakitang nagbuntis si tita?" Pagbibiro ni Kisses pero muka naman syang hindi natutuwa. Problema nito?

"Hahaha sya ba yung sister mo baby? Ang cute naman nya." Si Kisses ang tinuro nung babae hindi ako.

Kisses's POV

Hmp! Nakakabadtrip! Gusto ko ng umalis kaya tumayo na ko pero bago ako umalis nilingon ko muna yung babaeng yun.

"Baliw ka!" Sabi ko sa face nya. Hmp!

"Bestfriend!" Hindi ko na nilingon si Elle. Kumaway nalang ako ng nakatalikod at lumabas na ng kusina nila.

Naaasar na ko! Sobrang naaasar ako dahil hindi ko na makontrol tong nararamdaman ko. Matagal na. Sobrang tagal na kong nasasaktan. Akala ko mawawala tong nararamdaman ko nung naging kami ni Marco pero hindi. Mahal ko na nga talaga si Andrei. The moment I started to feel something for him hindi ko na sya tinawag na kuya.

Sorry Marco. Kailangan naming mag-usap. Kailangan nyang malaman ang tunay kong nararamdaman.

"Kisses!" Yung boses na yun. Alam na alam ko kahit hindi ako lumingon. Sinundan pala nya ko. Ayoko syang lingunin dahil mahina ako ngayon. Baka masabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Ayokong magmukang tanga sa harapan nya. Ayokong lumingon dahil baka pagnakita ko ang muka nya bigla nalang akong mapaiyak na kanina ko pa pinipigilan.

Hindi ako nagsalita. Hinintay ko lang syang sabihin kung ano man ang sasabihin nya para makaalis na ko.

"Alam mo bang mali yung ginawa mo? Alam mo bang nakakabastos ka? Bestfriend ka lang ni Elle kaya wala kang karapatang bastusin ang girlfriend ko."

Ouch! Aray naman sobra. Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Ikaw ba naman sabihan ng ganun eh.

Tumakbo na ko palabas ng bahay nila pero naabutan nya ko sabay hila sa kamay ko kaya napalingon ako sa kanya. Shit! Ang pangit ko kayang umiyak!

"Anong???? Bakit ka umiiyak?"

Wag please! Ayokong magsalita.

"Kisses! Magsalita ka!" Sumisigaw na sya. Iyak lang ako ng iyak. Ikaw ba naman sigawan ng mahal mo eh.

"So-sor-ry. Si-ge uwi na ko." Paputol-putol pang sabi ko sabay hatak ng kamay para umalis na pero hinila nya ko ng malakas kaya napayakap ako sa kanya.

Yakap din nya ako ng mahigpit habang hinahaplos ang likod ko na parang pinapatahan ako.

"Please Andrei. Gusto ko ng umuwi. Tama na tong kahihiyan na to."

"Sorry Kisses. Hindi ko sinasadya yung mga sinabi ko. Hindi ako nag-isip bago magsalita. Sorry dun. I love you Kisses."

Tentenentenen.....

Wait, what? Pareho kaming nagulat sa sinabi nya. Pareho din kaming naestatwa sa kinatatayuan namin pero hindi pwedeng hindi ako magsasalita.

"Tama ba narinig ko?"

"Sorry. Kalimutan mo na yun. May boyfriend ka at may girlfriend din ako." Humiwalay na sya sa pagkakayakap sakin.

"Pero mahal din kita." Syempre nashock sya. Galing ko noh? Naakit din pala sya sa alindog ko hahaha.

"Kisses...." Nakatitig lang sya sakin.

"So paano na to? Syempre makikipaghiwalay ka na sakin Andrei diba? Walangya ka! Ngayon palang tayo mag-on lolokohin mo agad ako. At eto pang batang to ang ipapalit mo sakin?" O diba sabi ko sa inyo muka akong baby eh hahaha.

Susugudin na nya sana ako pero bigla akong niyakap ni Andrei kaya sya ang natamaan ng bag nung babae sabay umalis na at mukang ex na nya sigurado yehey!

"What now? I love you and you said you love me too but you're taken. Alam mo bang nasaktan ako nung malaman kong may boyfriend ka na?"

Naawa naman ako sa kanya. Eh ako din kaya nasasaktan pag may girlfriend sya. Tsk!

"Kailangan kong makausap si Marco, Andrei. Kailangan kong maging honest sa kanya."

"Hindi na kailangan. Kahit maging honest ka pa akala mo ba hindi ako masasaktan? Mahal mo sya? Edi magsama kayo!"

Hala! Aray naman. Bakit sya nandito? Nasaktan ko sya big time. Pero ang bilis naman nun. Parang nag-give way lahat maging kami lang ni Andrei. Gusto ko sana syang sundan pero nawala na sya agad.

"Alam kong nakasakit tayo pero hindi natin pwedeng baliwalain ang feelings natin Kisses. Dahil hindi lang sarili natin ang niloloko natin kundi pati sila."

"I know. Kaya nga girlfriend mo na ko ngayon kahit hindi mo pa ko tanungin eh." Dinaan ko nalang sa biro kahit na ang bigat parin sa pakiramdam na nakasakit ka ng iba. At gaya ko nakismile narin si Andrei.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon