TA 18

212 10 0
                                    

Maaga kaming pumasok ni Kisses dahil nagpumilit na din ako. Sana pumasok na si Kade. Hindi ko na kasi alam kung anong iisipin ko eh. Nasasaktan ako dahil hindi man lang nya ko sinabihan kung ano man ang ginagawa nya at kahit pati sa school wala sya. Parang balewala lang ako sa kanya.

"Bestfriend!!!!" Sigaw nya malapit sa tenga ko. Sana lang hindi ako mabingi. Nandito na kami sa parking lot at papalabas palang kami ng sasakyan.

"Ayun si Kade oh!" Turo nya kay Kade na kakalabas lang ng kotse nya.

I'm so happy seeing him right now kaya lumabas agad ako ng kotse. Alam kong nakita na nya ako pero hindi nya ko pinansin. Kaya yung mabilis na paglalakad ko ay biglang bumagal. Hindi din sya lumapit sakin. Bakit? Anong problema?

"Kade! Let's talk please?"

Si Hazel? Bakit sya nandito? At ano pa bang sasabihin nya kay Kade?

"Hon!" I called him habang papalapit parin sa kanya. Bakit kasi ang layo ng pinagparkingan nya eh.

But he didnt look at me. Instead he walked towards Hazel and kissed her. As in kiss talaga, hindi smack lang. Gaguhan ba to?

Nakita kong kahit si Hazel ay nagulat sa ginawa ni Kade pero tinugon na din nya ang paghalik nito.

"Bestfriend." Kisses' already beside me at hindi ko man lang sya napansin sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.

Hindi ko na kinaya kaya tumakbo nalang ako sa classroom namin habang umiiyak. Wala pa naman masyadong estudyante dahil maaga kami.

Gusto ko ng umuwi pero kailangan ko syang makausap. Hindi ako susuko agad. Alam kong may mali at kailangan kong malaman kung ano man ang dahilan nya kung bakit nya yun nagawa kahit masakit. Sobrang sakit.

Nandito na din sa classroom si Kisses trying to stop me from crying.

Paano ko magagawang hindi umiyak? Sino bang hindi masasaktan pagkatapos kang balewalain ng mahal mo then all of a sudden he's going to kiss somebody else? Tapos ex pa niya? God! Ang sakit sakit.

But why cant I just be mad at him para mawala na tong sakit na nararamdaman ko? Bakit kung kailan pa ako natutong magmahal dun pa sa taong sasaktan din pala ako?


Pero kahit na sinaktan nya ako ng harap harapan, bakit mahal ko pa rin sya? Bakit?


Nakita kong pumasok sa classroom si Kade kahit na nanlalabo na ang mata ko kakaiyak. Hindi sya lumapit sakin at sa ibang upuan sya umupo.


Hindi man lang nya ako kakausapin? Wala lang ba sa kanya yung pinagsamahan namin?


"Bakit umiiyak si Elle?" Meron na ding ibang classmates namin sa loob ng classroom at lahat sila tinitingnan kami ni Kade.

"Oo nga. Si Kade my knight bakit nasa dulo sya nakaupo?"



"Please lang. Tama na. Tigilan nyo muna kami." Pagkasabi non ay tumayo ako at lumapit kay Kade.



Kisses tried to stop me but I just smiled at her and she let go of my hand.



"Kade." Tawag ko sa kanya dahil kahit nasa harap na nya ako ay hindi parin nya ako nililingon.

I hold his hand and said, "Let's talk please?"

Thank god he stands up but he also let go of my hand. It really hurts seeing us like this. Like we dont love each other. Why is this happening?



Nandito kami ngayon sa labas ng classroom.

"Go on, talk. But talk fast. And please stop crying. You're making a scene."

Paano ako makakapagsalita? Pagkatapos nyang sabihin yun?

"Ba-bakit ka gan-yan?" Sinisinok pang sabi ko.


"Elle! Ayusin mo yang sarili mo! Magsalita ka ng maayos!" And now he's shouting at me!


I can't believe this is happening to me! To us! I tried to control my emotions para masabi ko sa kanya ang lahat, kahit na mahirap.


"Anong nangyayari satin Kade? Lalo na sayo? Ano bang problema?"


"Bakit hindi mo tanungin yang sarili mo? Akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan ha? Hindi ako magkakaganito kung walang dahilan!" He's shouting again and so I started to shout at him too.


"Wala akong alam sa sinasabi mo! Ikaw tong hinalikan nalang si Hazel bigla! Ano to kayo na ulit ha? Hindi mo man lang ako kinausap! At eto ako ngayon trying to talk to you kahit sinaktan mo ko! Kahit sobrang sakit na ng nararamdaman ko!"

Hindi ko na mapigilan ang sarili ko iyak na naman ako ng iyak pero nagawa ko parin magsalita kahit na ang daming nakatingin samin.


"You told me you love me. Eto ba ang love para sayo ha? Ang saktan ang mahal mo? I trusted you! Kasi mahal din kita. Nagtiwala akong hindi mo ako sasaktan! Nangako ka saking hindi mo ako sasaktan!" Nanghihinang sabi ko kaya napaupo na ko sa sahig.

Wala akong pakialam kahit na nakatingin na lahat sakin. Ganito pala ako magmahal. Kahit mapahiya na ko sa lahat basta maipakita ko lang na importante at mahal ko ang taong nasa harap ko ngayon.

Pero wala syang sinabi. Huminga lang sya ng malalim at nagsimula ng maglakad palayo sakin.


Hindi pwedeng ganito nalang kami maghihiwalay!

"Kade!" I shouted his name. Tumigil sya pero hindi parin lumilingon sakin.

"Wala ka man lang sasabihin? Do you want me to beg huh? Do you want me to humiliate my self more para lang balikan mo ko?" Wala na, binaon ko na ang pride ko. Wala namang silbi yun kung mawawala ang taong mahal ko. "I love you, Kade."

Naririnig kong may napapasinghap sa paligid ko o kaya magsasabing "Nakakaawa naman si Elle." Pero hindi ko sila pinansin.

Wala na atang mas sasakit pa sa mga nangyari gaya ng talikuran ka ng mahal mo pagkatapos mong magmakaawa at sabihing mahal mo sya.

Iniwan nya na ko. Pero nandun parin ako sa sahig umiiyak.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon