TA 15

264 10 0
                                    

Elle's POV

"Ano bang nangyayari sa inyong mga bata kayo? Lalo ka na Elle, hindi ka namin pinalaki para lang makipag-away." Saad ni dad sa mababang tono. Halata ding hindi sya natutuwa sa nangyari.

Alam kong mali pero kailangan ko lang naman ipagtanggol sarili ko. Lalo na kung magkakapasa din ako!

"Pero dad"

"Tito"

Nagkasabay pa kaming magsalita ni Kisses. Inangat pa nya kamay nya para sabihing sya muna.

"Tito, wala pong kasalanan si Elle lalo naman po ako kaya wag nyo po ko papagalitan ha? Nasa labas lang po kami kanina nagkukwentuhan at hinihintay na din po ni Elle si Kade ng bigla nalang sabunutan ni Hazel si Elle. Alangan naman pong hayaan kong saktan nya si Elle kaya sinugod ko na din sya. Yun na nga po yung naabutan nyo kanina."

Bakit ganon? She looks sad. Kanina naman ok si Kisses ah. Malungkot ba sya dahil sa nangyari?

"Sige po tito, tita, guys aalis na po ako kung ok lang. May gagawin pa po ako sa bahay namin." Paalam ni Kisses pero sabi nya lang kanina sakin wala syang magawa kaya nga nandun kami sa labas kanina at dito daw muna sya sa bahay.

May problema sya alam ko but I need to explain first to mom and dad. Bakit ba naman kasi nakapasok yung Hazel na yun dito sa village namin eh.

Kade's POV

Galit ako. Galit na galit ako. Kanina bago ako umawat nakita kong sinaktan ni Hazel si Elle. Susugudin ko na nga din sya kung hindi lang lumabas bigla ang parents ni Elle at si Andrei. Hindi pa ko nakakapanakit ng babae pero sya talaga ang mauuna sa listahan ko.

Habang kinukwento ni Elle ang lahat pati narin kung ano bang problema ni Hazel bakit nya nagawa yun at kung san sya nasaktan lalo lang akong nagagalit. Sa susunod hindi na ko magdadalawang isip na gumanti!

"Hon, I know that look. You're mad." Hinawakan ni Elle ang kamay ko. Kaming dalawa nalang din dito sa sala.

"Hindi kita naipagtanggol. Kung kailan kailangan mo ko saka naman ako wala. Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko."

"Alam mong wala kang kasalanan. Hindi naman ikaw yung nanakit sakin eh. Hindi mo naman ako sasaktan diba?"

"Hindi nga ako pero ako ang rason kung bakit sya nandito kung bakit ka nya nagawang saktan."

"Wag mong akuhin ang kasalanan nya hon at hindi din nya pwedeng isisi sayo kung bakit nya nagagawa yun. In the first place may sarili syang utak, nobody's telling her what to do gaya ng ginawa nya. Sarili nyang desisyon yon so she's the one to blame."

Tinitigan ako ni Kade. Sobrang tagal at malulusaw na ata ako.

"Itigil mo nga yan." Natatawang sabi ko pero ang totoo kinikilig na ko. Basta titig lang nya nanginginig na ko sa kilig.

"I love you hon. Hindi ko na hahayaang magawa ka nya ulit saktan. Dahil kung mangyari yun hindi ko mapapangakong wala akong gagawin. Sa susunod hindi ko na papalagpasin ano mang gawin nya. Nasasaktan ako pagnakikita kitang nasasaktan. Lalo na kanina alam kong nasaktan ka. Kaya hindi ko maiwasang matuwa kahit papano nung nakita kong nakaganti ka sa kanya."

"Syempre naman hindi ko hahayaang saktan lang ako basta ng Hazel na yun. Siya ang unang nakapanakit sakin tapos nakita ko pang sinaktan din nya si Kisses. Sana lang talaga natakot sya sa banta ni mom at tumigil na sya."

Mukhang love ako ni God kasi pinagbigyan nya ko sa hiling ko. Yipeee!!!

Walang Hazel na asungot, na nananakit, na nagbabantang sirain ang relasyon namin ni Kade.

Sa buong taon ko ng pagiging fourth year high school ay walang naging problema. Masaya lang lagi. Sana tuluy tuloy na lalo na malapit na ang graduation day yehey!!!! College na ko sa susunod!!! Hindi naman sa excited ako magcollege ha? Excited na kong matapos na din ang college para susunod na ang career ko hahahaha.

At alam nyo bang mag-on na si Kisses and Marco? Gulat kayo noh? Ako din naman pero ganyan talaga ang pag-ibig hehehe.

"Hon tara na uwian na." Saad ni Kade sakin. Hanggang ngayon sya parin ang naghahatid samin ni Kisses. Minsan naman sumasama samin si Marco sa paghatid pero ngayon mukang may lakad sya.

Nandito na kami sa bahay at niyaya ko muna si Kisses magmiryenda dahil may binake na naman akong cake.

"Aba bestfriend sumasarap lalo bake mo ah. O gutom lang talaga ako?"

"Hahaha masarap hon. Hungry or not masarap talaga."

"Asus! Hindi ko alam bolero na din pala yang boyfie mo Elle ha."

"Hahaha inggit ka lang best wala kasi si Marco."

"Pfftt!!! Hindi uso sakin mainggit noh haha. Oo nga pala! Anong course kukunin nyo sa college? And saang school para sama-sama tayo kahit magkakaiba pa course natin."

"Baking talaga ang gusto ko, parang hindi mo naman alam. Kaya lang wala namang school na four years kang puro bake lang kaya magstudy muna ako in four years na ibang course tapos papasok ako sa Baking Academy of Philippines. Ang tagal nun pero kakayanin ko magkabake shop lang ako haha."

"Sinabi ko naman kasi sayong tutulungan kita eh."

"Hon napag-usapan na natin to diba? Nag-usap na kami ni dad. Siya na ang bahala makagraduate lang talaga ako. Yun lang hiling nya sakin. Yung pagtulong mo naman saka na pag may bakeshop na ko." Nagsmile ako sa kanya.

"Ang sweet naman. Eh ikaw Kade anong course mo? Wag mong sabihing secret dahil yan nalang lagi sinasabi mo samin."

"Oo nga naman hon. Kahit sakin hindi mo sinasabi ha."

"Hahaha wag na magtampo." Pinisil pa nya pisngi ko. "Pero ang totoo kasi nyan hindi ko pa alam kukunin kong course dahil nagdadalawang isip pa ako. Napapansin ko kasing masyado ng busy si mom sa business namin eh lalo na yung nasa France. Iniisip ko kung susundin ko pa ba yung gusto ko o tutulong nalang ako kay mom."

"Oo nga, ang tagal na din palang nasa France ni tita. Hindi pa ba sya uuwi?"

"Sabi nya baka sa graduation natin pero hindi din sya magtatagal dito."

"Atleast makakapunta mom mo diba? Eh san ka naman mag-aaral?"

"Balak kong mag-aral sa France-"

"Ano???"

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon