TA 35

284 5 0
                                    

Kade's POV

Hinayaan ko lang makaalis si Elle pero habang tinititigan ko ang sasakyan nya palayo lalo lang tumitindi ang sakit na nararamdaman ko sa pag-iwan nya sakin. Tinakbuhan nya ako na parang maling mali na magpakasal sya sakin kaya hindi ko na napigilang mapaiyak nung sinundan ko sya palabas ng Indulgence.

Ang sakit! Naramdaman ko na namang masaktan ng dahil sa kanya. Pero hindi ibig sabihin non ay susuko na ko. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya hindi ako papayag na hindi maging kami ulit.


Kahit sobrang sakit ng nararamdaman ko bumalik parin ako sa loob ng Indulgence para magtrabaho kahit na nakatingin lahat ng crew sakin pero wala namang naglakas ng loob na kausapin ako. Mabuti narin yun. Gusto kong manahimik nalang muna.


Elle's POV



Dumiretso ako sa bahay dahil gusto ko lang mapag-isa sa kwarto ko. Pero pagdating ko sa bahay mukhang hindi mangyayari ang gusto ko dahil nandito pa pala sila kuya at Kisses na nilalaro si Charlotte.


"Bestfriend? Bakit ka nandito? Masama ba pakiramdam mo?"


"Hindi naman. Pero kayo bakit kayo nandito? Diba may meeting kayo ngayon?" Kasama nila lagi sa trabaho si Charlotte kaya nagpagawa ng playroom si kuya sa building ng company namin dahil ayaw nyang naiiwan lang kasama si Charlotte ng mga yaya nito.



"Mr. Salazar cancelled our meeting because he's not feeling well. Nagpapacheck up sya ngayon. Eh ikaw bakit ka umuwi? Maaga pa ah."


"Haaaayyyy... Something happened and I dont know what to do so I run here."


"You mean to say you just run here? Why didn't you use your car?" Sabi ni Kisses na kung makatingin para akong sira na tinakbo ko lang ang pauwi sa bahay. Tsk!


"Baliw! I mean umalis ako sa Indulgence dahil may tinatakbuhan ako dun. Hindi ko akalaing gagawin nya yun!"


"Is it Kade? Fuck! Sinasabi ko na nga bang-"


"He proposed to me, kuya." Mahinang sabi ko na mukhang narinig naman nila base na rin sa reaction ng mukha nila.



"He proposed to you but you just runaway? You didn't say something to him? Wow! Astig! Ikaw lang ang gagawa nun bestfriend! I salute you! Hahaha."


"Huh? Anong nakakatuwa don? Pinahiya ko yung tao kahit na ba kaming dalawa lang ang nasa office ko nung mangyari yun."


"Ang lakas naman ng loob nyang gawin yun! Anong akala nya basta mo nalang syang papakasalan? Nahihibang na sya!" Magkapatid nga kami dahil pareho kami ng reaksyon.



"Mukhang nasaktan sya sa pang-iiwan ko sa kanya. I saw him cry and..."



Nilapitan ako ni kuya Andrei at tinitigan ako ng diretso. Pwedeng kumurap?



"You still love him." He's not asking me dahil alam nyang hindi na kailangan pang itanong kung ano ba talaga ang nararamdaman ko. Kitang kita na siguro sa reaction ko kaya nya nasabi yun.




"Yes, kuya. After all these years akala ko nakalimutan ko na sya. Akala ko wala na akong nararamdaman for him pero mali pala ako. The moment I saw him sa shop? Nalaman kong hindi ko pa pala sya naaalis sa puso ko. Mahal ko parin sya gaya ng dati." Habang nagsasalita ako unti unti ng tumutulo ang mga luha ko kaya niyakap na ako ni kuya.



"Eh kung ganon pala bestfriend edi sana tinanggap mo na ang proposal nya."




"It's not that easy pop tart." Sagot ni kuya kay Kisses na kapareho lang ng nasa isip ko.



"No. I object! Kung mahal nyo ang isa't isa wag na kayong magpatumpik tumpik pa. Hindi nyo alam kung hanggang kailan maghihintay ang isa sa inyo. Lets say, you suddenly realize that 'oh! I really love him and I want to marry him na' but then he's already like 'i'm sorry nag-expire na ang proposal ko sayo'. Gets nyo?"



"Hahaha pop tart tama na nga yang mga sinasabi mo. Hindi ko alam kung seryoso ka eh."



Pok! Ayan nabatukan tuloy ni Kisses. Tawanan ba naman kasi.



"Sira! Seryoso ako! Wag ka ngang makisali. Kami ang mag-uusap ni Elle. Wala ka namang isa-suggest na maganda dahil galit ka kay Kade."



"Siyempre gusto ko lang namang maging masaya si Elle. Pero kung anong desisyon mo sige hindi ako makikialam. Basta pag nasaktan ka ulit patatalsikin ko na talaga yang Kade na yan pabalik sa France."



"Thanks kuya." Sabi ko saka binalingan si Kisses. "May point ka sa sinabi mo Kisses pero paano naman kung pagkatapos ko syang tanggapin eh bigla na naman akong masaktan? Hindi ko alam kung makakaya ko pa sa pangalawang pagkakataon."



"Bestfriend, sa love hindi pwedeng hindi ka talaga masasaktan. Kung yan palagi ang iisipin mo edi maghanda ka ng tumandang dalaga. Kahit kami ni Andrei may pinag-aawayan kaya hindi talaga mawawala yun. Ang boring naman kung hindi kayo mag-aaway paminsan-minsan pero siyempre wag nyong sadyain hehe."



"Wow! Pop tart kailan mo natutunan yan?"



"Tumigil ka nga dyan hindi pa ako tapos! Anyway, ganito nalang isipin mo bestfriend. Alam kong masaya ka at kuntento ka sa buhay mo ngayon pero sa tingin mo ba mas may isasaya ka pa kung tatanggapin mo ulit si Kade sa buhay mo o malulungkot ka lang pag nandyan lang sya lagi sa tabi mo na mas gusto mo pang wala nalang sya?"



"Wow talaga pop tart! Henyo ka na sa pag-ibig ngayon?" Singit ni kuya.



"Wala kang kiss sakin!"


"I love you pala." Hindi ko na napigilang matawa sa kakulitan ng dalawang to.



Pero tama si Kisses, masaya na nga ako sa buhay ko ngayon pero may isasaya pa nga ba ako pag tinanggap ko na ulit si Kade sa buhay ko?



Hindi ko na muna sinagot si Kisses dahil ako din naman sa sarili ko hindi pa sure.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon