TA 14

249 10 0
                                    

Elle's POV

Nandito kami ngayon ni Kisses sa labas ng bahay namin at nagkukwentuhan. Hinihintay ko na din si Kade dahil pupunta sya dito dahil holiday kaya walang pasok hehehe.

As usual umaarangkada na naman ang bibig nitong bestfriend ko dahil may nakilala daw syang gwapong lalaki. San naman kaya noh? Eh lagi kaming magkasama.

"Ano ka ba? Sa school syempre! Actually nakita ko lang sya kaya hindi nya ko kilala at hindi ko din sya kilala hahahah. Nahiya ako magpakilala eh! Kasi ano..."

"Ano?" Ang tagal magsalita ha.

"Kasi ano..." Nagsway-sway pa talaga sya. Alam nyo yun? Yung hawak yung palda tapos magsusway. Tsk! Malala na talaga. "Kasi nakita ko yung I.D. lace nya pangfirst year high school eh. Huhuhu ang bata naman nya!"

"Hahaha may meant to be ka pang nalalaman dyan ha. Wag kang papatol sa bata please lang."

"Bakit naman? Ang dami kayang magkarelasyon na malaki ang age gap. Meron nga kahit lolo na nagkakagirlfriend pa eh."

"Ok lang yun. Pero sayo hindi pwede. Kung mas bata sayo yung magiging boyfriend mo edi pareho kayong isip bata. Hindi tatagal relasyon nyo, sayang naman diba?"

"Oy ikaw Elle ang sakit mo na magsalita ha. Hindi ako isip bata noh. Mukang baby lang hahahaha."

"Girl, ang akin lang naman mas bagay sayo yung mas matanda maging boyfriend mo. Gaya nalang ni kuya Andrei."

Bigla syang nasamid kahit wala naman syang iniinom. Ang dami talagang alam gawin nito.

"Nainlove ka lang bestfriend naging si cupid ka na. Makapagpareto ka naman sakin kala mo papatulan ako ng kuya mo."

"Pero diba gusto mo naman si kuya?"

"Hala! Hindi ko-" tut tut tut! Cannot be reach na si Elle. Bigla syang nagdissapear sa harapan ko!

"Ahhhhh! Kisses!!!!"

Kisses's POV

Waaaaa panong hindi mawawala sa harapan ko si Elle eh bigla syang hinila sa buhok ni Hazel!

"Walang pwedeng manakit sa bestfriend ko! Yaaaahhhhh!!!" Sinugod ko sya agad. Sinabunutan ko din sya ng makita kong sinipa nya sa sikmura ang bestfriend ko.

Galit na galit na ko. Hindi parin nya pinapakawalan yung buhok ni Elle kaya sinipa ko sya sa tagiliran nya habang hawak ko ang buhok nya. Napabitaw naman sya kay Elle. Ha! Malakas ata akong sumipa!

Sabay sana naming susugudin si Hazel ng biglang may bumuhat sakin at ganun din kay Elle.

Hindi namin namalayan nasa labas na pala ang parents ni Elle pati na si kuya Andrei na bumuhat sakin. Nandito na din si Kade na bumuhat naman kay Elle. Si tito naman ay nilapitan si Hazel para hindi na masugod si Elle.

Nakita kong may kausap si tita Lily sa phone nya at maya maya lang ay dumating na ang security guard ng village namin.

"Palabasin nyo yang babaeng yan dito sa village at wag na wag nyo syang papapasukin dito." Galit na galit na sabi ni tita. "At sa susunod na saktan mo ang anak ko ipapapulis na kita!" Banta nya kay Hazel.

Ayun ang bruha natakot bigla. Hawak ba naman sya ng mga guard eh tapos nakakatakot pa si tita magalit.

"Tara na sa loob ng bahay. Mag-uusap tayo mga bata." Sumunod naman kami kay tito.

Pwede bang wag na ko sumama? Natatakot ako eh haha kaya lang buhat parin ako ni Andrei. Eh si Elle naman binaba na ni Kade, magkahawak nalang sila ng kamay papasok ng bahay.

"Andrei, ang OA naman na ata hindi mo pa ko binababa."

"Hindi ko gusto yung ginawa mo. Alam kong gusto mong tulungan si Elle pero sana inisip mo din sarili mo. Hindi mo nga nailagan nung siniko nya muka mo eh."

"Nakita mo yun? Oo nga, ang sakit nga ng muka ko eh." Bigla naman nya kong binaba. Muntik pa akong maout of balance. Talaga to.

"Nakita ko nung sinugod mo na yung babaeng yun." Hinawakan nya ko bigla sa pisngi kong nasiko ni Hazel. Ay wait lang nakakailang ha. "Kailangan mong dalhin sa ospital."

"Hahaha ang OA talaga nito. Baka palabasin din ako agad sa ospital lalo na wala naman problema sakin. Tsaka ikaw ha, ang sweet mo. Para kang boyfriend ko kung makareact ka." Sinundot ko pa tagiliran nya.

"Kapatid lang tingin ko sayo." Sabay alis nya at pumasok na sa loob.

Ako naman naiwang tulala. Bakit? Bakit parang ang sakit nung sinabi nya?

"Kapatid lang tingin ko sayo."

Waaa hindi ko matanggap!

"Kapatid lang tingin ko sayo."

Hala! Paulit ulit ko pang naiisip. Bakit ako nagkakaganito? Hindi ko akalaing masasaktan ako sa sinabi nya. May gusto ba ko sa kanya? Ahhhh kasalanan to ni Elle dahil sa pagmamatch make nya samin! Pero hindi nya kasalanang kapatid lang turing sakin ni Andrei. Waaaa ang sakit!

Malungkot akong pumasok sa bahay nila.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon