"Bakit ba hindi ka parin umaalis ha?" Pagalit na sigaw ko kay Kade ng hindi pa sya umalis at nakatitig lang sakin.
"Hindi ko ginusto lahat ng nangyari Elle pero hindi lang naman ikaw ang nasasaktan dito eh. Sa tingin mo ba hindi ako nasaktan nung makita ko kayo ni Jacob na naghahalikan noon sa mall? Nagkataong nandun din ako dahil kay mom. Hindi mo alam kung gaanong pagpipigil sa sarili ko ang ginawa ko wag ko lang kayong sugudin. Nagtiwala ako sayo Elle. Sobrang sakit ng ginawa mo sakin non. Naisip ko tuloy noon na hindi mo talaga ako mahal dahil ikaw na may sabi sa simula palang na hindi mo ako gusto." Maluha-luhang sabi ni Kade.
Yung pakiramdam ko ngayon hindi ko alam kung matatawa ako o tititig nalang sa kanya habang nakanganga dahil hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi nya. Pero umiiyak na ako ngayon. Iniiyakan ko ang mga panahong nasayang at sana magkasama kami dahil lang sa maling akala at kulang sa pagtitiwala.
Lalapitan nya sana ako pero pinigilan ko ulit sya gamit ang kamay ko at nginitian sya ng mapait.
"Sana sinugod mo na nga lang kami para mas natanggap ko pa. Para sana nalaman mo kung ano talagang nangyari." Umiiyak na sabi ko pero hindi pa ako tapos. Kailangan nyang malaman ang katangahang ginawa nya.
"Nang dahil lang sa maling akala Kade iniwan mo ako? Sabi mo may tiwala ka sakin. Pagtitiwala bang masasabi yung hinusgahan mo ako agad? Ni hindi mo ako kinausap Kade. Pero nung ako yung sinaktan mo ng harap harapan tinalikuran ba kita ha? Hinabol pa kita diba? Lumuhod pa ako sa harapan mo! Pinagmukha kong tanga ang sarili ko sayo yun pala wala ding kwenta because you dont love me enough to hear me out!!! At dahil nilamon ka na ng sobrang pagseselos mo!!!" Nagsisigaw na ako sa sobrang galit pero hindi pa ako tapos!
"Alam mo bang hindi man lang ako nagkaboyfriend ulit simula nung iwan mo ko ha? Dahil hindi ko kayang magmahal ng iba kahit anong pilit ko pa sa sarili ko! Pero nagsisisi ako at ikaw pa ang minahal ko. Sana nga si Jacob nalang dahil yun naman ang akala mo diba?"
"No! You dont mean that! Pagsisihan mo na ang lahat wag lang yung pagmamahal mo sakin, Elle. Gusto kong malaman kung ano ba talagang nangyari sa inyo ni Jacob. Gusto kong maintindihan lahat."
"Mahalaga pa ba yon? Tama na Kade, wala na rin namang silbi." Sabi ko sabay lakad palabas ng office pero hinarangan nya ang pinto.
"Please Elle, tell me everything. I want to know what happened." Nagmamakaawa nyang sabi. At ayun na naman yung mga mata nya na nakatitig sakin na parang nakikiusap din. Fine! Edi sabihin.
"Hindi ko sya hinalikan, sya ang humalik sakin." Panimula ko at sinabi ko sa kanya lahat ng nangyari. At ganon nalang ang panlulumo nya sa mga narinig. Napaluhod nalang sya bigla sa sahig habang umiiyak at kahit ako ay umiiyak na ulit.
"Shit! Ang laki kong tanga! Ang daming nasayang na taon na dapat kasama kita. I'm sorry. Naunahan ako ng takot na malamang kaya mo akong ipagpalit agad sa iba kaya bago mo ako masaktan pa ng sobra nagawa kong halikan si Hazel sa harap mo."
"Hahahaha," tumawa ako ng walang buhay. "How is she anyway? Kayo parin ba?" My god, Elle! Wag mo ng pahirapan pa ang sarili mo. Sabi ng utak ko yan ha, nababaliw na din ata ako.
Tumayo na sa harap ko si Kade at tinitigan ako sa mata.
"Elle, hindi naging kami. Hindi ko na sya nilapitan pagkatapos ng nangyari noon. Alam kong hindi tama yung ginawa ko sayo pero sana mapatawad mo ako. Pinagsisisihan ko lahat ng nangyari, Elle. Pareho lang tayong walang naging karelasyon pagkatapos ng nangyari dahil hindi ka mawala sa isip ko, hindi kita kayang kalimutan. Sorry dahil nawala ang tiwala ko sayo pero pangako iintindihin ko na lahat. I hope you can trust me again because I love you so much, Elle. I want you back in my life."
Tuyo na ulit ang mga mata ko pero hindi ibig sabihin non ay nawala na ang sakit na nararamdaman ko.
"Naniniwala akong nagsisisi ka na nga, Kade. Napatawad na din kita matagal na. Hindi ko lang talaga maiwasang hindi masaktan lalo na ang babaw lang lahat ng mga nangyari satin. Napakawalang kwenta kung tutuusin. Pero sa tingin mo ba ganun-ganon nalang yon? Like you're sorry and let's be lovers again? No, Kade. I wont have that. Kung nung una palang sana sinabi mo sakin yan matatanggap ko eh, pero ngayon? I guess you're too late. Find someone else to love you back because I cant be that one."
Pagkasabi non ay umalis na ako sa Indulgence at sumakay na sa kotse ko. Siguro naman isasara nya yung shop noh!
Ang hirap din palang magsinungaling tungkol sa totoong nararamdaman mo. Kaya nagmamadali na akong umalis dahil baka magbago pa ang isip ko at tanggapin ko sya ulit. Because....
"I still love you, Kade."
BINABASA MO ANG
Together Again (Completed)
RandomI'm Elizabeth Fiara Alcantara but you can call me Elle because you see ang haba ng name ko hehe. I experience the thing they called love when I was a fourth year high school student and become a girlfriend of the guy they called at school as their k...