TA 24

228 9 0
                                    

Hindi na ako nakatiis sa parang malungkot nilang itsura kaya tinanong ko na sila.

"What is it mom? Dad? Is something wrong?"


They didnt answer me kaya napalingon sakin si kuya.



"Bakit Elle? Anong meron?"



"I dont know. Mom? Dad? Talk to us please?" Bigla nalang akong kinabahan. Si kuya naman napapakunot na ang noo dahil tahimik lang sila mom.



Hindi sila ganito. Kung may problema sa pamilya pinag-uusapan namin agad pero bakit parang may mabigat silang dinadala at nahihirapan silang sabihin samin?



Nagulat nalang kami ni kuya when mom started to cry. Niyakap sya bigla ni dad na parang maluluha na din.




I hold kuya's hand because any minute now I know I'm going to start shaking dahil sa sobrang kaba. Hinigpitan naman nya ang hawak nya sakin.



"My god! I'm so sorry. This is all my fault!" Naghihysterical ng sabi ni mom.



"No sweetheart, it will never be your fault. You know its me. I'm sorry Andrei and Elle. Sana wag nyo akong husgahan. Sana patawarin nyo ako mga anak." Umiiyak na ding sabi ni dad.



Ano bang problema? Bakit ganun ang sinasabi ni dad?



"Please tell us what happened there? Maiintindihan naman namin siguro. We trust you mom, dad." Sabi ni kuya na ang higpit na ng hawak sa kamay ko.




"Okay mga anak. Patawarin nyo ako pero nagkasala ako sa mom nyo. At sa inyo na din. Pero hindi ko alam, I swear. Paggising ko nalang kinabukasan may iba na akong kasamang babae and we're both naked."



Ha? Bakit? Paanong nangyari yun? Si dad?



Hindi ko alam nakatulala na pala ako sa kanila ni mom habang lumuluha. Hanggang sa kalabitin ako ni kuya na mukhang kinakabahan sa reaksyon ko.




"Elle! Anong nangyayari sayo? Kanina pa kita kinakausap!" Pagkasabi non ay niyugyog na ako ni kuya.



"Hija." Saka lang ako tila nagising ng tawagin ako ni dad.



I looked at him straight in the eye. Ang dad ko? Mataas ang tingin ko sa kanya bata palang ako. Alam kong hindi sya gagawa ng ikasasama ng loob ng buong pamilya. Pero bakit nangyayari to?



Alam ko kung anong pakiramdam ng niloko. Pero si mom, alam kong sobra sobra pa ang nararamdaman nya dahil asawa na nya ang nanloko sa kanya. Paanong nagawa ni dad ang lahat ng to? Sa lahat ng lalaki sya ang unang unang may tiwala ako. Pero ngayon??? Paano ko pa magagawang magtiwala sa sarili kong ama pagkatapos nyang lokohin si mom? Kami ng kuya ko? Hindi ko alam kung kaya ko pa syang harapin. Hindi ko---



"Elle! Listen to mom! Tigilan mo yang pag-iisip mo ng hindi maganda dahil may dahilan kung bakit nangyari yun."



"Kung ano man ang-----"


"May naglagay daw ng drugs sa inumin ni dad kaya hindi nya alam ang lahat ng nangyari."



Ano ba yan si kuya. Pinutol na nga nya yung iniisip ko kanina pati ba naman yung sinasabi ko. Grabe to!


Pero anong sabi nya? Drugs ba? Anong meron sa drugs? Ahhhh yung nilagay sa inumin ni dad... Huh? May naglagay sa inumin ni dad ng drugs? Bakkkiittttt????Bakit ba ang slow ng utak ko ngayon?



"Wait, what???? May naglagay ng drugs sa inumin ni dad?" Sigaw ko na ikinagulat ni kuya. Ulit ulit kasi utak ko kaya napasigaw na ko hehe.



"Hindi ka kasi nakikinig eh. Alam kong ang dami ng tumakbo dyan sa utak mo." Kulang nalang batukan ako ni kuya sa panlalaki ng mata nya eh. Malay ko ba naman kasi.


"Mom pwedeng paulit ng kwento?"



"Hahaha okay hija, makinig ka na ng mabuti." Tumango naman ako, atleast napatawa ko na si mom at hindi na sya umiiyak.



"Nasa isang party kami ng dad mo na ginanap sa isang club inside the hotel na pagmamay-ari ng kasosyo natin sa negosyo. Lahat halos businessman ang nandodoon. Unfortunately, I enjoyed the alcoholic drink too much and end up in the hotel suite which is sa amin naman talaga ng dad nyo. Sasamahan na nya sana ako kaya lang may ka-deal syang panibago na namang businessman so I told him to go back in the club."


Habang sinasabi samin ni mom yun nag-uumpisa na naman syang umiyak kaya si dad nalang ang nagtuloy.



"Pagbaba ko sa club hindi ko alam na yung kausap kong businessman ay kakilala nung babaeng naglagay ng drugs sa inumin ko. Damn him for helping her give me those drinks! Hindi kasi ako tumatanggap ng inumin galing sa babae."



"Ofcourse dad!" Singit ko naman. Proud ako sa dad ko, kalimutan nyo na yung mga sinabi ko kanina ha?



"Pero hija dahil ka-deal ko ang nagbigay sakin hindi na ako nagdalawang isip. Ilang minuto lang nun nahilo na ako pagkatapos kong inumin yung alak. Hindi ko actually maalala lahat ng nangyari. Nagising nalang akong nakapatanong sya sakin habang natutulog at pareho kaming hubad. Kahit sobrang sakit ng ulo ko alam kong hindi sya ang mom nyo dahil alam ko ang amoy nya. Lalo na blonde pa ang buhok nung babae because she's an american."



"I pushed her as hard as I could dahil sobrang nandidiri ako sa nangyari. Kinasusuklaman ko ang sarili ko after what happened. Sinabi ko agad sa mom nyo. And thank god she listened to me and also believed in me." Patuloy ni dad sa sinasabi nya.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon