"Si Zac?" Sabay naming tanong ni Kade.
"Paanong si Zac eh may girlfriend sya?"
"May girlfriend sya? Sila na ba ulit? Sabi nya kasi iniwan sya ng girlfriend nya eh. Nagkita kasi kami sa isang bar. Mag-isa lang ako at ganun din sya kaya nilapitan ko sya dahil mukhang naglalasing. Eh yun din naman ang balak ko, ang maglasing. Pareho na kaming lasing pero alam pa namin ang ginagawa namin hanggang dumiretso kami sa condo nya. Eh ano pa bang gagawin namin doon edi magsex diba? Pero ang tanga non hindi man lang nagcondom kaya ayan! Buntis ako ngayon! Huhuhu." Umiiyak na sabi nya.
Pinatahan ko naman sya agad dahil baka maapektuhan yung baby kahit na wala akong alam sa bagay na yun. Naaawa ako sa kanya kahit na sinubukan nyang paghiwalayin kami ni Kade. Pero sa totoo lang wala naman syang nagawa na ikasisira namin ni Kade, sarili lang din namin ang dapat naming sisihin.
"Does he know you're pregnant with his child?" I asked.
"No. I went to his condo but he's not there kaya hinanap kita Kade. Do you know where he is?"
"Hazel pasensya na pero kasama nya ngayon ang girlfriend nya sa boracay. Nagkabalikan na ata sila."
Pinunasan muna nya ang mga luha nya bago sya nagsalita. "Wala na din palang kwenta kung makikita ko sya. Pasensya na sa abala." Sabi nya at tumayo na.
"Wait! Hazel, you're not gonna tell him you're pregnant? What about the baby? She or he deserve to know who's her father." I asked her.
"No! I'm a bitch once but I've changed. Wala akong balak sirain kung ano man ang meron sila ng girlfriend nya. Palalakihin kong mag-isa ang baby ko kahit na masakit. Alam nyo kasi, sya lang naman tumulong sakin para makalimutan ka Kade pero siyempre hindi nya alam yun. Lagi kasi akong nandun kila Marco non at lagi ding nandon si Zac. Kinakausap nya ako kahit hindi ko sya pinapansin. Simula non unti unti na akong nagkagusto sa kanya at alam kong simula din non nagbago na ako....
....Sa tingin nyo ba basta nalang akong papayag na may mangyari samin kung nagbago na nga ako? Siyempre pumayag ako dahil mahal ko sya na kahit dun man lang maramdaman kong gusto din nya ako. Hindi ko naman alam na mabubuntis nya ako....
....Pero masaya akong magkakababy kami. But I dont want to be the reason para may masaktan na namang iba. Kaya hindi ko nalang ipapaalam sa kanya."
"No! Kailangan nyang malaman. Hindi mo naman alam kung ano talagang magiging reaksyon nya diba? Dapat mo ding sabihin sa kanyang mahal mo sya before its too late. Malay mo, mahal ka din pala nya."
"Whaaatttt???? Hahaha imposible."
"Tama si Elle. He needs to know. Here, I have his number. Call him or I will."
"Fine! Akin na ng makaalis na." Binigay naman ni Kade but before she leave we make her promise na sasabihin nya samin kung nakausap na nga nya si Zac kahit ano pang mangyari.
"Nalulungkot ako para sa kanya." Sabi ko kay Kade. Nandito parin kami sa office at nagpadeliver nalang kami ng lunch namin para hindi na kami lumabas.
"Sana lang tanggapin sya ni Zac. Para na din sa baby nila."
Hapon na ng may tumawag sa phone ko. Sino naman kaya yun.
Si Hazel? Binigay din kasi ni Kade ang contact number namin para matawagan nya kami. At ako nga ang tinawagan nya.
"Elle!!!!! I'm so happy!" Huh? Mukha nga hehe.
"What happened?"
"He said he loves me too!!! Waaaa kinikilig ako." Ganito pala kiligin ang dating mataray. Parang mababaliw na. "And when I told him I'm pregnant and that he's the father sabi nya... sabi nya...."
"Ano? Nakakabitin naman. Spill it out."
"Sabi nya sinadya nyang ilabas talaga sa loob ko para makabuo na nga kami dahil ayaw na nya akong pakawalan pa. At sinabi nya saking hindi talaga sila nagkabalikan nung ex nya. Ang kasama daw nya talaga sa boracay ay family nya. Gusto na nga nyang umuwi dito eh pinigilan ko lang."
"Oh diba maganda yung kinalabasan. I'm happy for you Hazel. Palakihin nyong mabuti magiging anak nyo ha?"
"Siyempre naman. Thanks, Elle. And I want you to be the godmother of our child and Kade too dahil barkada sya ni Zac."
"That would be nice! Take care. Babye."
Pagkatapos naming mag-usap pinuntahan ko agad si Kade para sabihin sa kanya ang napag-usapan namin ni Hazel. Natutuwa din sya para sa kanila.
Hindi pa natatapos ang araw na yon ng yayain ko si Kade na umalis at may pupuntahan kami kaya si Alexa muna ang bahala sa Indulgence.
"Where are we going hon?" Tanong nya dahil ako ang nagdadrive kaya hindi nya talaga alam kung saan.
"Malalaman mo din. Malapit na tayo."
Pagdating namin doon ay bumaba agad kami para puntahan ang matagal ko ng hindi napupuntahan.
Kade holds my hand and kiss it. "We're visiting your mom and dad." He said and I just smile at him.
Nandito na kami ngayon sa puntod nila mom and dad. Magkatabi lang sila, halos magkadikit din ang lapida.
"Hi mom and dad. Sobrang miss ko na kayo. Alam nyo bang habang lumalaki si Charlotte lalo syang nagiging cute? Wag po kayong mag-alala inaalagaan namin sya ni kuya ng maayos. Pinapakita din namin sa kanya mga pictures nyo para kahit papano makilala nya kayo. Kami na nga po pala ni Kade ulit. Nandito nga din sya ngayon eh." Sabi ko sabay lingon kay Kade.
Inakbayan nya ako saka nagsalita. "Nagpapasalamat po ako dahil kayo ang magulang ni Elle. Kung hindi dahil sa inyo walang Elle na makikilala ko at mamahalin ko ng higit pa sa buhay ko. Wag po kayong mag-alala, aalagaan ko din po si Elle tulad ng pag-aalagang ginawa nyo sa kanya. Kahit po sa maikling panahon naramdaman ko pong minahal nyo din ako bilang nagmamahal sa anak ninyo. Nagpropose na po ako sa anak ninyo kaya sana ok lang po sa inyo. Mahal na mahal ko po si Elle."
Habang nagsasalita si Kade lumuluha na ako dito sa tabi nya. Ano ba naman kasi nakakatouch eh.
"S-salamat K-kade. Kahit k-kailan hindi s-sila nagalit s-sayo. At t-tama ka m-mahal ka din n-nila." Sinisinok kong sabi.
"Hahaha ang cute mo talaga. Tahan na hon, ayaw din nilang iiyak ka. Dapat masaya na tayo dahil alam kong masaya din sila para satin." Tumango naman ako at pinunasan na ang mga luha ko.
"Masaya din naman ako, natouch lang. Ikaw kasi eh. Tara na nga. Bye mom. Bye dad. I love you so much." Sabi ko sabay hawak sa kamay nya.
Tiningnan naman ako ni Kade at sinabing, "I love you, Elle. Always and forever."
"I love you more." I said and we kissed.
The End
____________________________________Uy the end agad haha....
Salamat sa mga nagbasa.
Sana basahin niyo din yung bago kong story na FALLING FOR YOU :)and Night Owl Assassin :)
BINABASA MO ANG
Together Again (Completed)
RandomI'm Elizabeth Fiara Alcantara but you can call me Elle because you see ang haba ng name ko hehe. I experience the thing they called love when I was a fourth year high school student and become a girlfriend of the guy they called at school as their k...