TA 30

249 8 0
                                    

"Alexa, nasan na yung barista na nakuha mo? Ang tagal naman nya. One hour nalang mag-oopen na tayo."

Ngayon ang opening ng Indulgence at kompleto na lahat, yung bagong barista lang ang wala. Nandito din si Charlotte. Sila kuya at Kisses naman ay mamaya pa ang dating.

"I called him awhile ago. Sabi nya malapit na daw sya." Pagkasabi ni Alexa non saka naman bumukas ang pinto ng Indulgence.


"Sorry I'm late."


That voice. Kahit siguro nakapikit ako o kaya hindi tumingin sa kanya alam kong sya yun. Bakit sya nandito? Yung itsura ko gulat pa sa gulat.



Bakit ganito ang nararamdaman ko? Sa tinagal ng hindi kami nagkita, almost five years pero bakit ganito parin? Akala ko nakamove on na ko!!! Hindi pwede to! Ngayon palang nakita ko ulit sya parang flashback na bumalik sakin ang lahat lalo na nung iniwan nya ko. Ang sakit parin pala.



Ngayon lang ako nakakabawi sa pagkawala nila mom and dad. Ayoko ng masaktan ulit. Ayoko ng malungkot. Ayoko ng umiyak.


"There you are! Kade, meet Miss Elle, the owner of Indulgence and-"


"Finally we meet again. Hi, Elle." He said while smiling.


I closed my eyes to calm myself and try to ignore him. Saka ko nilingon si Alexa, "Mag-usap tayo sa office." Yun lang at umalis na ako.



"Is there any problem? You looked upset or something. What is it?" Tanong agad ni Alexa.


"It's just that, Kade is.... I know him ok? Wala na bang iba? Bakit sya pa?" Kulang nalang sabunutan ko sarili ko sa sobrang asar and at the same time kinakabahan din ako. Bakit kasi bumalik pa sya?!?



"Miss Elle pasensya na pero sya lang ang pumasa sakin lalo na he studied and have experience abroad. Wala ding problema sa kanya. Baka nga may maimprove pa sya sa coffee natin."



"The hell!!!" Siyempre utak ko nagsabi nyan. Hindi naman ako basta basta pwede magsungit sa empleyado ko except with Kade noh!



"Bakit kasi ang pagiging barista pa ang profession nya eh!"



"Huh? Ano yun Miss Elle?"



Ngek! Nasabi ko pala ng di sinasadya yung iniisip ko. Kasi naman yung lalaking yun eh!



"Fine! Wala na kong magagawa. Ilalagay ko na yung open sign sa pinto. Sana may pumasok! Grabe kinakabahan ako." Ganito pala ang pakiramdam kapag magbubukas ka ng sarili mong business.



"The moment na may pumasok sa pinto siguradong kakalat agad ang balitang masarap lahat sa Indulgence."



"Hahahaha parang may ibang meaning."


"Ah wala po Miss Elle. Alam ko pong makikilala ang Indulgence dahil magaling po kayo talaga."



"Salamat. Tara na sa labas."



Paglabas namin nasa kani-kaniyang area na lahat sila even Kade. Psh! Hindi sa pinapansin ko sya ha, no choice lang.



Nilagay ko na ang open sign at maghihintay nalang kami kung may papasok. Naipost na din sa website ng Indulgence na ngayon ang opening nito kaya sana may pumasok kahit papano. Merong website ang Indulgence para sa mga gustong mag-order ng mga personalize sweets like cakes, cupcake, cookies, and brownies for any occations.

Kade's POV

Sinadya ko talagang magpalate sa unang pasok ko sa trabaho para mapansin ako ni Elle. Pero palpak pala ang plano ko dahil mukhang pagkakita palang nya sakin sumama agad ang itsura nya. Tapos tinalikuran pa nya ako pagkatapos ko syang batiin. Pinagtinginan tuloy ako ng mga katrabaho ko. Ok lang yun pero sana kinausap man lang nya ako.


Bakit parang sya pa ang galit sakin? Diba dapat ako ang magalit? Pero kinalimutan ko na yun kaya nga ako bumalik eh dahil sa kanya. Lalo na nalaman kong hindi pala nya anak yung batang nakita kong binuhat nya non. Nilapitan ko kasi yung bata na nandito din pala sa Indulgence. Tinanong ko din sa mga katrabaho ko kung anong name nya at kung anak sya ni Elle.


"Charlotte ang pangalan nya. Pero hindi sya anak ni Miss Elle, sir. Kapatid nya si Charlotte." Sabi ni Fred na nabasa ko ang pangalan sa nameplate nya.



"Kade nalang itawag mo sakin. Masyadong pormal kasi yung sir tsaka magkakapantay lang tayo dito."


"Eh mukha po kasi kayong mayaman tsaka sabi ni Miss Alexa galing kayong ibang bansa."


"Hahaha dun lang ako nag-aral pero pantay parin tayo. Pero teka, sabi mo kapatid sya ni Elle? Paano nangyari yon?"


"Hahahah sasabihin ko po ba kung paano nakabuo yung magulang ni Miss Elle?" Natawa din lahat ng katrabaho namin. Hindi pala nila alam na matanda na sila tita Lily at tito Franco? Pero nasaan ba sila? Pati si Andrei at Kisses?


Simula kasi nung umalis ako hindi na ako nakibalita sa kahit kanino dito at kahit na sa mga barkada ko kaya wala akong alam sa mga nangyayari lalo na nagkaroon pa pala ng kapatid sila Elle.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon