TA 31

265 10 0
                                    

Elle's POV

"Haaayy sa wakas!!! Ang saya Alexa, ang daming tao kanina. Hindi ko talaga akalain." Tuwang tuwang sabi ko. Nandito kami ngayon sa office dahil gabi na at nakasara na ang Indulgence. Naglilinis nalang yung iba para makauwi na.




"At hindi lang yan. Dahil best seller ang Chocolate Cheesecake mo may umorder na agad na dalawang customer. Para sa kanila lang daw yun. Indulgence daw talaga."



"Favorite ko din ang Chocolate Cheesecake. Next time gagawa ako para sa inyo lang mga employees for free."



"Wow! Talaga? Natatakam tuloy ako."



"Hahaha sige na umuwi ka na. Sabihin mo din sa iba na umuwi na kung tapos na sila, sabay sabay na kayo. May tatapusin lang ako dito."



"O sige. Bukas ulit. Ingat, Miss Elle."




"Thanks. Kayo din."




Nililista ko yung mga kailangan kong i-bake para bukas ng maalala ko yung nangyari kanina pagdating ni kuya Andrei at Kisses.




(Flashback)



Medyo madami na din ang mga customer sa Indulgence ng bumukas ulit ang pinto.



Oh my gosh! I forgot! Darating nga pala sila kuya at Kisses. Hindi nila alam na nagwowork din dito si Kade!



"Pop tart! Si...." Tinuro ni Kisses kay kuya si Kade at bigla namang dumilim ang mukha ni kuya. Sinasabi ko na nga ba.




Kung hindi lang siguro maraming tao sa loob ng Indulgence ay nasugod na nya si Kade kaya imbis na si Kade ang sugudin ay sa akin sya dumiretso at hinila sa loob ng office ko kasunod si Kisses. Nandito din sa loob si Charlotte kasama ang yaya nya.




"What the hell, Elle? Anong-"



"Watch your mouth kuya." Sabi ko sabay lingon kay Charlotte kahit hindi pa nya naiintindihan ang pinag-uusapan namin.





"Fine! Pero anong ginagawa nung lalaking yun dito? And why did you hire him? For all people, Elle, bakit sya?"



"I didnt hire him kuya, it's Alexa. Pero hindi naman nya kilala yung tao. And do I have a choice? Nalaman ko lang din kanina na sya ang pumalit sa barista namin na umalis. I need him here so I let go whatever my feelings are."



"You let go? Are you sure? Can you tell me you dont have any feelings for him now, that you dont love him anymore?"



"What's the point of this, kuya? Mahal ko man sya o hindi-"




"See? Yan ang sinasabi ko. You still love him! Kung nasa isang lugar lang kayo masasaktan ka ulit. Ayokong makita kang nasasaktan Elle. Fire him."




"No!" Huh? Sagot agad? Wala ng isip-isip? "Tama na kuya, kailangan ako sa labas." Tiningnan ko sya na parang nakikiusap.



"Pop tart, hayaan mo na si Elle. Kung sa tingin nyang okay lang yung ginagawa nya kailangan nating respetuhin yung desisyon nya."




"Fine! Pero pag nasaktan ka ulit hindi na ko magdadalawang isip na saktan din sya." Pagkasabi non ay lumabas na sya ng office.




"Halika na, ikaw na umorder para samin at baka kung ano pa gawin ni Andrei paglumapit pa kami sa counter." Yaya ni Kisses sakin sabay kuha kay Charlotte.



Haaayyy... Pasensya na pero mahal ko parin nga sya.

(End of flashback)




"Elle! Elle!"




"Ha? Anong.... Kade?" Bakit nandito pa to? Akala ko umuwi na lahat? Hindi ko namalayan nasa harap ko na pala sya. Yung flashback naman kasi eh masyado akong nadala.




"Kanina pa kita tinatawag eh. Umuwi na kasi lahat ikaw nalang nandito kaya hinintay na kita."


Tinaasan ko sya bigla ng kilay. "Hindi naman ako naghahanap ng bodyguard ah kaya pwede ka ng umalis." Pagkasabi ko non parang biglang nalungkot yung mga mata nya. Ah ewan! Hanggang ngayon ba naman nadadala parin ako sa mga mata nya? Tss. Hindi pwede to!



"Elle, I'm sorry. Sana-"




"Hep!" Sabi ko at may kasama pang taas ng kamay ko para pahintuin sya. "Kung may sasabihin ka ako muna ha? Mukhang yun kasi ang balak mo eh na parang libre mo lang akong kausapin anytime you want. Pwes! Para sabihin ko sayo hindi ako interesado sa mga sasabihin mo. Nasaktan mo na ako nung una kaya hindi ko na hahayaang saktan mo ulit ako. Wag kang mag-alala hindi kita pinapaalis sa trabaho mo na kahit na alam kong kaya mong magkaroon ng sariling shop. Just get lost, Kade!"




Alam kong kasinungalingan yung sinabi ko dahil nasasaktan parin ako hanggang ngayon. At baka makita pa nya ang tunay na nararamdaman ko sa kanya kung hindi pa sya aalis. Nasasaktan ako dahil mahal ko parin sya kahit wala na syang nararamdaman para sakin. Ganito nalang ba lagi? Ako nalang ba lagi ang masasaktan?

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon