One month na ang lumipas simula nung sabihin sakin ni Kade na gusto nya ako at liligawan nya ako.
Gaya ng sabi ni kuya ngayon lang talaga ako nagpaligaw kaya nasusweetan na ko sa ginagawa ni Kade.
Lagi nya kong hinihintay sa gate ng school namin every morning. Gusto pa nga nya sunduin ako sa bahay para sabay na kaming papasok. Syempre kasama si Kisses kasi sabay din kami pumapasok at hinahatid ng driver namin.
Pagdating naman ng uwian si Kade na naghahatid samin kasi may sarili syang sasakyan kaya hindi na kami nagpapasundo kay mang Bert. Okay na din sya kay kuya dahil unti-unti na nya nakikilala si Kade. Lagi ba naman nya ini-interrogate eh.
Paglunch time naman lagi din namin sya kasma kaya grabe nalang makatukso mga classmates namin.
"Waaaaa ang sweet naman manligaw ni Kade my knight! Lagi nyang sinasamahan si Elle!"
"Sana ako din."
"Gaga! Alangan namang ligawan ka nyan eh may nililigawan na diba?"
"Nakakainggit talaga! Sana ako nalang."
"Itchura mo naman bakla!" Sabi ng beki sa likod namin.
"Hahahaha. Ang lakas ng alindog mo Kade! Pati bakla!" Ang lakas tumawa ni Kisses buti nalang nakaalis na yung dalawang bakla. Baka mapikon eh, ayoko talaga ng away.
Pabalik na kami ng room para sa next subject ng makita kami ng mga barkada ni Kade.
"Oy pre! Kasama mo na naman yan? Hindi mo na kami nasasamahan ah lalo na sa mga lakad ng barkada." Sabi nung isa na kala mo ang laki kung makatayo eh mas matangkad pa ko.
Wait! Ano problema nito? Bawal ba kami magkasama?
"Elle ang pangalan nya, sinabi ko na dati diba? Nililigawan ko sya kaya respetuhin mo siya. Kung hindi mo maintindihan yun tumahimik ka nalang. Sa susunod kausapin mo ko ng ako lang, para hindi nya maririnig kung ano man yang sasabihin mo dahil ayoko syang mababastos lalo na ng barkada ko pa."
Mababa lang ang tono ng boses ni Kade pero ramdam mo ang kaba sa paligid lalo na ako dahil kitang kita sa muka nya na hindi na sya natutuwa sa bulinggit na nasa harap namin. Sus naman! Kalma lang kahit nakakaasar talaga yung bulinggit.
"Tol! Wag mo na pansinin yang si Marco. Pabebe lang yan. Alis na kami." Sabi nung matangkad na mukang mabait sabay lingon sakin.
"Elle, I'm Zac. Pasensya kana dito sa tukmol na to." Sabay kutos dun sa bulinggit na tahimik lang. "Pre, next time nalang pag may free time ka, naiintindihan ka namin." Baling nya kay Kade at umalis na nga sila.
Nasa classroom na kami at mukang bad mood parin si Kade.
"Kung iniisip mo parin yung kanina hayaan mo na yun. Hindi mawawala yun sa mga magkakaibigan. Gusto ka din nilang makasama lalo na kung lagi naman talaga kayong magkakasama dati. Tsaka sabi naman nung Zac naiintindihan ka nila diba? Intindihin mo din sila. Tama na yang simangot mo nakakahawa."
"Nakakahawa?"
Napangiti ako. "Lahat ata ng expression ng muka mo nahahawa ako eh." Huh? Ano? Anong sinabi ko? Teka! Waaaaa nakakahiya!
Nagsmile sya bigla. At ako naman napasmile na din. Ano ba! Agad agad? Smile agad, nagsmile lang sya?
"Aaminin ko natutuwa ako sa sinabi mo. Hindi ko alam pero kinikilig ata ako?" Hindi nya talaga alam kung kinikilig sya dahil napapaisip talaga sya pero alam ko kinikilig talaga sya kaya kinilig na din ako. Gaya gaya lang?
"Hoy! Kayong dalawa ba eh gusto nyo talaga kaming mamatay sa inggit dito?" Singit ni Kisses samin sabay turo sa buong classroom. Lahat sila nakatingin samin.
Waaaaaa nakakahiya. Lagi nalang ba sila titingin? Mahina naman usapan namin ni Kade ah.
"Girl, masanay ka na. Pangtulo laway ang face ng suitor mo." Sabi ni Kisses na mukang nagets ang iniisip ko.
Uwian na at pagkahatid samin ni Kade sa bahay ay nagpaalam syang pupuntahan nya ang barkada nya.
"Ok lang bang puntahan ko saglit mga barkada ko after akong pagmiryendahin ni tita?"
Right! Kada hatid nya samin ni Kisses pinapapasok sya ni mom para magmiryenda dahil gusto syang laging kausap ni mom. Palakwento sila pareho.
"Its ok Kade, hindi mo kailangang magpaalam sakin hindi pa naman tayo tsaka-"
"Dont worry Kade magiging kayo din ni Elle. Sabi naman nya sakin gusto ka din nya eh." Ang dakilang singitera ang galing magpasabog!
Ako? Nganga! May puno sa tapat ng bahay namin. Pwede bang bumagsak ka nalang bigla kay Kisses para wala na syang masabi pa? Pero joke bad yun.
At si Kade. Hindi ko alam sa kanya dahil halo halo na nagiging expression ng muka nya. Para pa nga syang natatae.
"Elle." Sa wakas nagsalita na si Kade pero hindi parin ako makapagsalita. "Totoo ba?"
Gusto pa talaga nyang sakin manggaling? Pano na yung puso ko? Aatakihin na ata!
"Elle." Tawag nya ulit sakin.
Magsasalita na sana ulit si Kisses ng bigla kong itakip yung kamay ko sa bibig nya. Sa wakas nagawa ko din. Sa bilis kasi nyang magsalita natapos na sya bago ko pa matakpan bibig nya.
"Fine! Oo gusto na din kita."
BINABASA MO ANG
Together Again (Completed)
RandomI'm Elizabeth Fiara Alcantara but you can call me Elle because you see ang haba ng name ko hehe. I experience the thing they called love when I was a fourth year high school student and become a girlfriend of the guy they called at school as their k...