TA 27

221 6 0
                                    

"Kuya Andreiiiii!!!!!" Tawag ko kay kuya habang pababa ako sa hagdan ng bahay. Hindi ko kasi sya makita. Nasan na ba yun?



Itatanong ko kasi kung bakit hindi pa kami kinokontak nila mom eh ngayon yung alis nila sa New York pauwi dito. Dapat kasi tatawag muna sila bago umuwi para masundo namin sila sa airport. Tsaka graduation ko na kasi next week hehehe.


"Manang nasan po si kuya? Nakila Kisses po ba?"


"Nandun sya sa office hija kanina pa sya dun."



"Ha? Kanina pa ko sumisigaw nasa office lang pala yun? Dapat pala hindi na ko bumaba eh, si kuya talaga oh. Bingi lang?"


Umakyat na ulit ako sa second floor ng bahay. Kakapagod ha? Ano ba kasing ginagawa non hindi man lang ako narinig? Hmp!


Pagbukas ko ng office ni dad nakita ko si kuyang tulala at kabababa lang ng phone. Anong problema nito? Nalaman ba nyang baog sya? Wahahaha joke lang.


Tinatawag ko sya pero nakatitig lang sya sakin. Kaya nilapitan ko sya sabay PoK! Siyempre binatukan ko sya hahaha.


"Ano ba Elle? Ang sakit non!"


"Kanina pa kita tinatawag noh! Ano ba kasing nangyayari sayo? Nabuntis mo si Kisses noh?" Asar ko sa kanya.



Yung itsura nya parang biglang may naalala tapos sinugod ako ng yakap at biglang umiyak sa balikat ko.


"Hala kuya! Nabuntis mo nga si Kisses? Lagot ka kay tita Agnes!"



"Hindi! My god, Elle! Hindi yun! Kung yun nga lang sana matutuwa pa ako pero hindi!" Tuloy parin sya sa pag-iyak kaya hinigpitan ko na ang yakap sa kanya. Ganyan kami kaclose.


"Kuya naman eh! Ano ba kasi yun?"



Bumitaw muna sya sa pagkakayakap nya sakin at sinabi ang hindi ko pinangarap na mangyari. Ever!



"Its about mom and dad. Shit! Elle, they're dead! Patay na sila!" Kitang kita ko ang sakit sa mga mata ni kuya at lalo lang syang napaiyak.


Hindi ko namalayan lumuluha na pala ako at matutumba na sana ako kung hindi lang ako nasalo ni kuya. Nanghihina ang mga tuhod ko at parang hihimatayin pa ako pero nilabanan ko ang nararamdaman ko dahil kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyari. Pano nangyari yon?


Diba pauwi na sila? Imposible yon!



"Buhay sila kuya! Ano bang sinasabi mo ha? Hindi magandang biro yan! Babatukan talaga kita!"



"Pauwi sila mom and dad sa bahay sa New York galing sa meeting ng biglang may sasakyang humaharurot na nilagpasan sila. Hindi nya napansin na may sasakyan pa na kasunod yung nauna at masyado ding mabilis ang pagpapaandar nung nasa likod nila. Kaya nung papaliko na sila ni mom bigla nalang bumangga yung sasakyan na mabilis magpatakbo. It turned out na hindi nya pala inaasahan na liliko sila dad kaya nabangga nya sila."



"You mean he's alive? Sya dapat ang patay! Oh god! Kuya hindi pwede to! Sila mom and dad! Buhay sila! Please tell me! Kuya hindi pwede yun!"


Niyakap na ko ni kuya dahil naghihysterical na ko. Ang sakit sakit ng pakiramdam ko! Siguro ang mawalan ng isang magulang masakit na sobra eh pano pa kaya kapag sabay silang nawala? Hindi ko kaya! Please! Nagkakamali sila!



"Sabi ni tito hindi daw tinakbuhan nung nakabangga sila mom. Siya daw ang nagdala sa kanila sa hospital at sinagot nya lahat ng gastusin."


"Hindi natin kailangan ng pera nya! I need mom and dad kuya."
Humahagulgol ko ng sabi.




"Tanghali nangyari yun Elle. Sa dami ng sasakyan sa New York dun pa nila naisipang magcar race!"



"What???? Namatay sila dahil dun? Hindi man lang nila naisip na baka may masaktan sila? Akala ba nila madaling tanggapin yung mawalan ka ng minamahal?" Wala parin akong tigil sa pag-iyak. Hindi ko alam kung makakayanan ko pa. Pero alam kong kailangan ako ni kuya at ni....




"Si Charlotte!!! How is she kuya?"




"She's fine. Inaalagaan sya ng yaya nya. Elle, she needs us. I need to go there, iuuwi ko si Charlotte dito pati narin ang labì nila mom. After your graduation saka ako pupuntang New York.



"Ok lang ako kuya. Kahit hindi ka na umattend sa graduation ko. Kailangan ka ni Charlotte. Punta-"



"Elle wala na sila dad kaya ako ang sasama sayo sa paggraduate mo. Charlotte is fine. Pinupuntahan sya nila tita sa bahay. They even stay there after what happened. Marami din akong kailangang ayusin bago makaalis so I'll stay. Aalagaan ko kayo ni Charlotte. Tahan na Elle."



Nagyakapan ulit kami ni kuya habang umiiyak. Sana kayanin namin ng kami nalang lalo na baby pa si Charlotte.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon