TA 5

398 12 0
                                    

Andrei's POV

"Dad, ang tagal naman pumasok nung dalawa. Pupuntahan ko na nga sa labas."

Ano ba kasing nakain ni dad at pinayagan nyang maligawan ng kung sinu-sino si Elle? Mamaya nyan saktan lang nya kapatid ko eh.

"Hijo, calm down ok? Daig mo pa dad mo makapagreact ka. Graduating na si Elle, pwede na sya magboyfriend. Tsaka hindi pa naman sure kung magiging sila diba? Sa ganda ng kapatid mo imposibleng hindi maligawan yan."

"Mom, she's my baby sister. Sabi nyo bantayan ko sya diba? Tsaka marami talagang nanliligaw sa kanya pero yan lang ang dinala nya dito, baka boyfriend na nya yun."

"Kuya, manliligaw palang ok? Ngayon palang kaya sya nandito. Tsaka bakit ka ba ganyan? Hindi naman kita pinapakialaman sa dami ng girlfriend mo diba?" Hindi namin namalayan nakapasok na pala sila ng bahay dahil nakabukas na naman kanina pa yung pinto.

"Lalaki ako Elle, ikaw babae kaya pinoprotektahan lang kita."

"Daig pa si daddy eh pumayag na nga sya. Tsaka two years lang ang tanda mo sakin kuya kung makapangaral ka naman diyan."

"Tama na yan. May bisita ka Elle." Sabay lingon kay Kade.

"Yes mom. He's name is Kade. Kade, my mom Lily, kuya Andrei and my dad Franco." Pagpapakilala nya sa lahat. "Wag mo nalang pansinin si kuya ha?" Dagdag pa talaga ni Elle.

"Kailangan pa syang kilalanin."

"Let me do that kuya, ok?"

"O sya Kade, Elle, nagmiryenda na ba kayo? Kain muna kayo." Sabi ni mom.

"Pasensya na po kayo tita kaya lang po nasa labas na po yung driver ko, may pupuntahan daw po kami ng mom ko."

"Oh, its ok. Ang sweet naman sasamahan mo pa talaga mom mo, sana ganun din si Andrei sakin."

"Sweet naman ako sayo mom ah." Angal ko kasi totoo naman.

"Syempre naman joke lang yun hahahaha. O sige na Kade uwi kana baka mainip mom mo. Minsan dalhin mo sya dito ha? Para magkakilala kami."

"Nanliligaw palang mom parang magpopropose na ah." Angal ko na naman.

"Halika na nga sa labas ang daming reklamo ni kuya." Yaya sa kanya ni Elle at hinila na nga si Kade palabas.

Elle's POV

"Wag mo nalang pansinin si kuya, ganun talaga yun."

"Pero totoong wala ka pang dinalang manliligaw mo dito?" Tanong nya na nakangiti na naman. Seriously? Ano bang meron sa ngiti nito at mukang naaadik na ata ako?

"Ang saya mo noh. Oo wala, hindi ko lang talaga gusto."

"Meaning? Ako gusto mo?"

"Hoy! Yung driver mo hinihintay ka na oh." Sabi ko habang tinuulak sya papunta sa sasakyan nya.

"Hahaha ok lang kahit ayaw mong sabihin, I can wait. Anyway, ang cool ng parents mo parang si mom lang din. Kuya mo lang masungit pero naiintindihan  ko sya. Sasabihin ko kay mom yung sinabi ni tita Lily para nga magkakilala sila."

"What about your dad? Where is he?"

"Ah, sa sementeryo?"

"Huh? Hapon na ah, mamaya lang madilim na, nakakatakot naman kung nandun pa sya."

"Hahahaha, you're cute."

Ano bang tinatawa-tawa nito? Baliw

"Napapaseryoso na yang muka mo Elle. He's dead. Two years ago, heart attact."

Shock ako promise. Eh bigla ba naman magsabi ng ganun tapos sobrang seryoso pa at ang lungkot pa ng muka nya eh nakakadala nga yung expression ng face nya diba? Bigla kong naisip si dad.

"May heart problem din dad ko. Ay nako nakakalungkot. Pasensya na ha? Hindi ko alam eh, hindi mo pa kasi dineretso kanina."

"Its ok, sometimes naiisip ko sya. Masaya pa naman sya kasama. Pero puro masaya lang iniisip ko, ayokong isipin nung nawala na sya dahil sobrang sakit lalo na kay mom. Hehehe sige alis na ko." Sabay tawa namn nya at sumakay na nga sa sasakyan. Bago umalis ay kumaway pa sya sakin.

"Patay na pala  father nya."

"Oh my gosh! Dad! Kailan ka pa naging kabute at bigla ka nalang sumusulpot? At kailan ka pa naging tsismoso dad?"

Grabe promise parang kabute si dad dahil sumulpot nalang sya bigla mismo sa harapan ko at may kasama pang talon! Magkakaron na din ata ako ng sakit sa puso eh.

"Kanina pa ko dito hija. At hindi ako tsismoso. Rinig lang talaga dito boses nyo."

"Ok po pero sana dad wag ka bigla manggugulat."

"Trip ko lang. Hahahaha." Tatawa-tawa syang pumasok sa loob ng bahay.

May bestfriend na nga akong baliw pati ba naman si dad? Haaayyy....

Tama bang pumayag akong magpaligaw kay Kade? Hindi pa ako nagkakaboyfriend at hindi ko alam kung ready na ba ako.

Together Again (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon