Kade's POV
"Ano bang problema nitong Marco na to nakuha pa kong tawagan?" Kausap ko sa sarili ko habang hawak ang cellphone ko na sinagot ko naman after ng tatlong ring.
"Bakit?"
"Wow pare ang sweet mo naman makipag-usap."
"Loko ka. Ano bang kailangan mo? Palabas na ko eh, istorbo."
"Hahaha. Magkikita ba kayo ni Elle? That's good."
"Ano bang pinagsasabi mo? Bilisan mo na kasi."
"Hahaha o sige. Wawarningan lang naman kita dahil barkada kita."
"O tapos?"
"Grabe naman nagmamadali talaga?"
"Papatayin ko na pagwala ka pang sinabing matino."
"O sya sya. It's about Hazel."
"What? Ano na naman problema ng babaeng yun?" Nakasigaw na ko dahil nakakabadtrip talaga yun.
"Huh? You know her?"
"She's my ex!"
"Takte yan! Pinatulan mo yung babaeng yun?"
"Nagmakaawa eh. Tsaka bakit mo sya kilala?"
"Lahat ba ng magmamakaawa sayo papatulan mo nalang?"
"Tado! Malamang hindi. Sya una kong girlfriend bago si Elle, gusto ko lang masubukan. Wala palang kwenta! Ano na? Yun lang sasabihin mo?"
"She's my cousin."
"Kaya pala baliw ka din."
"Tado! Sabi nya tulungan ko daw syang maging kayo."
Ay takte yan! Nablanko ako bigla! Naaasar na ko. Ibig sabihin paghihiwalayin nya kami ni Elle? Wala talagang maidudulot na maganda yung babaeng yun.
"Anong sinabi mo sa kanya?" Madilim na ang muka ko nung magsalita ako at alam nya ang tono ng boses ko.
"Pre hindi mo ko kaaway ha, gaya ng sinabi ko sayo barkada mo ko kaya nga kita tinawagan. Kahit pinsan ko yun alam kong mali ang binabalak nya. Wala na syang ibang sinabi sakin, yun lang na nanghihingi sya ng tulong para maghiwalay kayo ni Elle. Desidido sya pre."
"Okay okay. Salamat sa pagtawag." Pinatay ko na ang cellphone ko. Kailangan kong sabihin to kay Elle.
Sabado ngayon kaya ako pupunta sa kanila. Gusto ko talaga syang makita lagi. Alam kong matatag ang relasyon namin. Hindi kami maghihiwalay ng basta basta lang. Unless isa samin ang umayaw. Ah hindi, bakit ko ba naisip yun?
Elle's POV
"Mom, Kade's coming today. On the way na ata sya. Nagbake ulit ako ng cake, red velvet naman, you're favorite mom." Katabi ko si mom kaya kiniss ko din sya sa pisngi.
"Aba, may kiss pa anak. May kailangan ka ba?"
"Hahaha mom naman parang ngayon ko lang kiniss." Lagi kong kinikiss si mom basta makita ko lang sya. Hindi ako mama's girl ha. Hehe.
Doorbell... (Wag na dingdong ha para corny haha.)
"Si Kade na yan." Tatakbo na sana ako palabas ng harangin ako ni kuya. Nasa sala din kasi sya. "Kuya ano ba yun?"
"Excited masyado. Ako na." Tumayo na sya at dumeretso sa gate. Pinag-dayoff kasi lahat ng katulong namin. Gusto daw ni dad na kami muna ang magkakasama eh nandun naman sya sa office nya. Talaga si dad oh.
"Hello! Hello everybody."
Tsk! Si Kisses lang pala haha iskandalosa talaga to.
"Oy! Andrei penge naman akong makakain dyan. Please?" Utos ni Kisses kay kuya.
"Sige dun sa kusina samahan mo ko. Nagbake si Elle."
Huh? Himala! Bakit pag si Kisses nag-utos kay kuya sinusunod nya? Anong meron? Nakangiti pa to ng bongga. Baliw na din ba kapatid ko? Haays...
"Wow! Penge ako!"
"Wag nyong ubusin ha. Tirhan nyo si Kade."
Doorbell...
"Ay! Si Kade na yan." Tumakbo na ko agad papunta sa gate.
Nakangiti sakin si Kade paglapit ko sa gate. Ang gwapo talaga nya. Ngiti palang kinikilig na ko.
"Hi hon. Pasok ka na. Tsaka diba sabi ni mom welcome ka lagi dito sa bahay. Hindi mo na kailangan magdoorbell."
"Hehe baka harangin ako ng kuya mo."
"Wag mong pansinin yun. Inggit lang yun kasi wala na sila girlfriend nya hehe. Sya nga pala nagbake ulit ako. Halika na bilis." Hinila ko na kamay nya papasok sa loob ng bahay pero pinigilan nya ko.
"Hon bakit?"
"Dito muna tayo sa garden, may sasabihin ako sayo."
Ang seryeso naman nya ata. Umupo na kami sa upuan dito sa may garden.
"Naalala mo si Marco?"
"Oo naman. Di ko makakalimutan yung bulinggit na yun."
"Hahaha kulit mo talaga." Sabay pisil sa pisngi ko. Ok lang hindi naman masakit.
"Ano bang meron kay Marco? Inaway ka ba nya? Nakipag-away ka ba? Nagkasakitan ba kayo?"
"Hindi hon. Diba sabi ko sayo hindi na ko makikipag-away physically? Pero hon, si Hazel kasi-"
"Aba naman Kade! Wala pa kayong isang buwan ni Elle may iba ka na agad? Sino si Hazel ha?" Malamang alam nyo na kung sino yang sumisigaw na yan diba? Habang may laman pa talaga yung bibig nya. Tsk tsk
"Kailan mo kaya mapapansin na seryoso kami dito? Tsaka yung bibig mo naman Kisses puno ng cake tumatalsik samin."
"Nashock ako eh. May iba sya bestfriend. Layuan mo na yan."
"No."
Hala! Mukang naasar na si Kade.
"Hon joke lang ni Kisses yun. Alam mo naman yan advance mag-isip yun nga lang palpak. Wag mo na syang pansinin." Pagpapkalma ko sa kanya.
"Uy, uy, uy Kade. Ikaw naman hindi na mabiro. Wag mo kong sasaktan ha?"
Napabuntong hininga naman ng malalim si Kade. At nag-inhale exhale pa ulit. Ano bang problema nya?
BINABASA MO ANG
Together Again (Completed)
RandomI'm Elizabeth Fiara Alcantara but you can call me Elle because you see ang haba ng name ko hehe. I experience the thing they called love when I was a fourth year high school student and become a girlfriend of the guy they called at school as their k...