Metuemus Tribe. Isang tribong punong-puno ng kapayapaan at katahimikan. Masasaya ang mga taong kasapi nito na nakatira sa liblib at sulok na bahagi ng Mindoro. Isang isla kung saan panahon pa ni Presidente Quezon ay ipinagbawal nang sinuman na pasukin. Iginalang noon ng presidente ang kahilingan noon ng pinunong si Ka Domingo na hayaan silang mamuhay ng tahimik.
Lumaki ang populasyon nila sa pagdaan ng panahon. Nakuha rin ng ibang mamamayan ang modernong pamumuhay. Nakapag-aral ang mga kasunod ng henerasyon. Natuto at nakasabay sa pagbabago ng panahon.
Lumaking masayahing bata si Carmela Calida. Ang tagapagmana sa lahi ni Ka Domingo. Maganda at matalinong bata si Carmela. Sa edad na anim na taon ay natuto na ito sa iba't-ibang uri ng pagsasanay sa paglakas. Kasama ang mga kaibigan nitong sina Keito at Arabella.
Ngunit, sadyang walang permanente sa mundo. Mula sa isang mapayapang tribo sa kanlurang Luzon, humantong sa karahasan ang lahat. Napuno ng ganid ang nasa syudad kabilang ang mga namumuno. Natuklasan ng kasalukuyang presidente ang kakaiba at hiwaga ng kanilang mga mata.
Metuemus tribe has the rare color of the eyes. Pulang mata. Ang alam ng lahat ay sa libro at isang alamat na lamang ang tungkol sa pulang mata. Usap-usapan lang at walang kongkretong katibayan. Hanggang sa matuklasan ng kasalukuyang administrasyon ang tungkol sa natatanging katangian ng mga nasa Metuemus.
Sa kaganiran sa kapangyarihan at katiwalian, nagkaroon ng labanan sa pagitan ng mga tao sa lungsod laban sa mga Metueman. At sa kakulangan sa modernong armas, marami ang nasawi sa mga Metueman. Tinanggalan ng mga taga-lungsod ng mga mata ang mga nasawing Metueman.
At nasaksihan iyon ni Carmela. Nasaksihan niya ang pagkatalo ng kanilang tribo. Nasaksihan niya ang literal na pagdanak ng dugo sa isla nila.
"Kailangan mong makatakas, Carmela. Kailangan mong mabuhay."
Ang huling mga pangungusap na iniwan ng kanyang ina habang tumatakas sila palayo sa kaguluhan. Umiiyak siya noon. Sa rami ng kanyang ginawang pagsasanay, wala siyang nagawa upang maipagtanggol ang kanyang mga ka-tribu. Pababa sila ng bundok noon nang maabutan silang mag-ina ng sundalo ng pamahalaan. Nahuli ang kanyang ina. Nagtago siya sa damuhan. At mula sa kinaroroonan ay kitang-kita niya ang walang habas na panggagahasa at pagpatay ng mga sundalo sa kanyang ina. Nakita rin niya ng dukutin ng pinuno nila ang kulay apoy na mga mata nito.
***
This is a work of fiction.
Genre : General Fiction | Action-Adventure | Romance | Fantasy
The Legendary Red-Eyed Girl
Copyright © Annieyonghaseyo
All Rights Reserved 2020
BINABASA MO ANG
The Legendary Red-Eyed Girl
ActionShe was a lone survivor. She came in the city to find justice. She became someone far from who she was. She's hungry for vengeance. She was Carmela Calida. And now, she's Carmela Marasigan. The legendary red-eyed girl.