Kabanata Isa

6.4K 80 5
                                    

Don't Mess With The Jerk

Written by PekengKyoot

Kabanata Isa

@HyoRinLuvStar:Life is unfair. May discrimination, aminin man natin o hindi.

Ano ang pinanghuhugutan ko sa tweet kong 'yan? Yung nangyari sa'kin kanina sa school.

May babae akong kasabayan maglakad sa corridor. Mahaba ang buhok niya na kulot ang dulo, naka-fitted white shirt at pink skirt na tinernuhan ng pink pumps. Ako naman, simpleng printed black shirt at jeans na tinernuhan ko ng sneakers. Backpack ang bag ko di tulad sa babaeng kasabay ko na shoulder bag.

Of course, sa aming dalawa, siya ang tinitingnan. It's not that naiinggit ako. May pinupunto lang ako dito na...

"Oops, sorry!" pabebeng sabi ng babaeng kasabay ko sa lalaking nabunggo niya. Nagte-text kasi siya habang naglalakad.

"Okay lang, miss." Ang lawak ng ngiti ng lalaki habang nakatitig sa mukha ng magandang babae.

At dahil nga sa nakatingin ako sa kanila, hindi ako aware na may masasalubong akong tao na hindi marunong umiwas. Ayun, nagkabungguan kami.

"Ay, sorry po." Nag-bow ako sa kanya.

"Ang tanga-tanga mo namang panget ka!" Yun lang at nilagpasan na niya ako.

Sinundan ko siya ng tingin. "Ha! Akala mo kung sinong gwapo." Eh, mas worst pa nga ang mukha niya sa'kin. Tss. Iiling-iling akong nagpatuloy sa paglalakad. Kung marunong ba naman siya umiwas ng paglalakad dahil alam niyang hindi nakatingin sa daan ang taong masasalubong niya edi sana hindi kami nagkabungguan!

Anyway, ayan ang sinasabi ko sa inyo─ ang "discrimination". Kapag maganda ang nakabunggo, ayos lang. Pero kapag panget, tatanga-tanga?!

Nakakasakit sa damdamin ang masabihan ng tanga-tanga, pero sa tingin ko immune na ako sa salitang iyon. Well, sa lahat ng mga nakakasakit at mapang-insultong salita. Araw-araw ba naman akong nakakatanggap ng ganun, hindi pa ba ako masasanay?

Bago ako pumasok ng classroom, nagpakawala ako ng buntong-hininga. Grade 11 na ako this year. Supposedly first year college kung walang Kto12 program. Siguro naman nabawasan na ang pagiging immature ng mga kaklase ko at pagkakaroon ng ADHD.

Nang tuluyan na akong makapasok sa silid ay tumigil ang tawanan at ingay ng mga kaklase ko na kanina lang ay rinig na rinig ko sa labas.

Humigpit ang hawak ko sa magkabilang strap ng backpack ko habang pinapasadahan sila ng tingin. Lahat sila ay nakatingin din sa'kin at alintana sa karamihan ang pagpipigil ng tawa. Nag-iwas ako ng tingin at naghanap ng bakanteng upuan. Malamang may pinagplanuhan na naman ang mga iyan.

"HyoRin!" tawag ni Kyle, kaklase ko magmula Grade 9.

Karamihan sa kaklase ko ngayon ay kaklase ko dati. Ang iba, kahit di ko naging classmate kilala pa rin ako. Sikat kasi ako sa campus. Sikat pagtripan.

"Dito ka upo." Tinuro ni Kyle ang upuan sa unahan niya. Halata namang may binabalak siyang masama kaya doon niya ako gustong paupuin.

"Oo, HyoRin. Dyan ka na maupo. Ni-reserved talaga namin yang upuan na yan para sa'yo," pakikisali ni Carlo at nagtawanan sila.

Tinitigan ko lang sila. Wala pa ring pinagbago. Mapalalaki o mapababae, kasiyahan nila ang mapahiya ako.

Nagulantang nalang ako, pati na rin sila, dahil sa malakas na kalabog. Pagharap ko sa may pinto ng classroom ay may tatlong lalake na maangas na naglalakad papunta pa ata sa direksyon ko.

Don't Mess With The JerkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon