Kabanata 4

10.8K 142 1
                                        

Kabanata 4

"Good morning, Miss Satin..."

Nakangiti akong binati ni Manang Hilda. Inilapag niya sa side table ang isang tray ng pagkain. My eyes followed her hands.

"May mga bagong damit na binili sa'yo si Sir Cronus, Miss Satin," aniya, sabay turo sa napakaraming paper bag na nakalagay sa couch. Pero hindi man lang ako nakaramdam ng kahit ano nang makita ang mga iyon.

They were just things. Pretty things, maybe. Expensive, probably. But they didn't matter.

"Manang Hilda, anong lugar po ba 'to? S-saang lugar po ba ako dinala ng Morfeo na 'yon?" I couldn't help the quiver in my voice.

I had been too lost in the haze of my own thoughts to pay attention to where we were.

"Nasa Yukon tayo, Miss Satin," tipid niyang sagot.

Yukon? Saang lugar ito?

"Yukon po?" I echoed.

"Yukon Territory, Canada," she clarified.

Nangatal ang labi ko sa narinig. Canada? Nasa Canada kami?

Hindi ako makapaniwala na sa tatlong araw ko rito, ngayon ko lang nalaman na nasa Canada pala ako! Pero paanong nadala agad nila ako rito? Naguguluhan ako.

"Manang Hilda, paano pong nasa Canada tayo? Tatlong araw bago po ako ma-kidnap, nasa Pilipinas pa po ako. Paano po ako nakarating agad dito?"

Her expression didn't change. Her face remained impassive, though there was a small trace of something behind her eyes. Pity? Or something else?

"Private jet, Miss Satin," aniya. "Kumain ka na. Hindi ka kumain kagabi. Mapapagalitan ako kung hindi ka kakain."

My stomach suddenly became aware of how empty it was. The tray in front of me seemed so out of place in the cold, stark room. Hindi ako nagugutom, but the thought of being scolded even by Manang Hilda for not eating made my body shiver.

Umiikot ang isip ko.

Canada. Canada. Canada.

I tried to wrap my mind around it. How was it possible? How did Cronus Morfeo move me from the Philippines to this frozen, isolated place in just a blink?

The vast, cold emptiness of the Yukon, the strange sense of entrapment I felt here, it felt like the world was shifting under my feet like I was lost with no way to find my way back.

"Alam niyo po ba kung bakit ako ang gustong pakasalan ng Morfeo na 'yon? Hindi naman po kami magkakilala, kaya nagtataka po ako kung bakit ako pa?" I blurted out before I could stop myself.

I didn't expect an answer, didn't even know why I was asking. Alam ko namang hindi niya rin sasagutin kung sakali mang alam niya.

"Manang Hilda, may pamilya po ako. Ako na lang po ang bumubuhay sa kanila. Nawalan ng trabaho ang Mama ko, at may sakit ang kapatid ko. Siguradong nag-aalala na po sila sa akin. Kung hindi po ako makakaalis dito, p-paano na po sila?"

Nagbara ang lalamunan ko. Kaya kahit marami pa akong gustong sabihin, naisantabi ko muna ang iba dahil ano mang oras, handa nang bumagsak ang lahat ng luha ko.

"Pasensya ka na, Miss Satin, pero hindi ko masasagot ang tanong mo. Mabuti pa siguro kung si Sir Cronus na lang ang tanungin mo riyan. Hindi ko rin alam. Nagtatrabaho lang talaga ako," napakamot siya sa kaniyang ulo.

I felt the bitter sting of helplessness, like ice water running through my veins. Every answer only opened up more questions. Nothing seemed to make sense.

In the Shadow of Diamond (COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now