Kabanata 16
Paulit ulit na pumapasok sa isip ko ang sinabing iyon ni Cronus. I mean, alam ko namang gusto niya talaga ng anak. Gusto niyang may magpapatuloy ng pangalan niya, ng legacy niya. And I understood that. I really did.
But I'm not ready to be a mother.
Alam kong hindi madaling maging isang ina. I still caught myself learning how to be his wife, figuring out how to live with someone like him, how to move through his world. And now he want me to carry his child?
It's not just the physical weight I'm afraid of, it's everything that comes after. The responsibility, the changes and the things I'd have to give up without even realizing it.
He says he's sure. He says he wants this. But how can I say yes when my heart is still filled with so many no's?
Ito ngang pinakasalan niya ako sa dami ng babae, na mas maganda, mas mayaman, iyong mga katulad ni Madelaine Renault ay ipinagtataka ko pa rin hanggang ngayon, ito pa kayang magiging anak niya sa akin?
"Kumusta kayo sa Florida, nag-enjoy ka?" tanong ni Manang Hilda at ngumiti sa akin.
Pinapanood ko siyang nagluluto sa kusina. Kababalik lang namin galing Florida, dumiretso agad si Cronus sa opisina.
"Okay lang naman po, Manang."
Hindi ko rin alam kung nag-enjoy nga ba talaga ako.
Nagkatinginan kami sandali, pagkatapos ay bumalik siya sa paghalo ng niluluto.
Napaisip ako bigla. Kung matagal na palang nagtatrabaho si Manang Hilda sa mga Morfeo, siguradong marami talaga siyang alam sa pamilya nila, lalo na kay Cronus.
"Manang Hilda, ilang taon na po kayong nagtatrabaho sa mga Morfeo?" tanong ko, kasi hindi ko naman naitanong ang specific.
"Maliit pa lang sina Cronus, Miss Satin, hindi ko na mabilang ang mga taon."
I nodded. Kung bata pa lang pala si Cronus ay nakasama na niya, ibig sabihin lamang ay halos alam niya ang buong buhay nito.
"Ah, hindi po ba nagkaroon ng ibang asawa si Cronus bago ako? I mean, nauna pong pakasalan?"
Kasi matanda na siya, thirty na siya, so napaisip lang ako bigla kung nagkaroon na ba siya ng asawa tapos namatay lang o naghiwalay sila. O di kaya naman ay fianceé.
Manang Hilda stopped for a moment, the spoon still in her hand. She turned slightly toward me.
"Wala, Miss Satin. Bakit mo naitanong?"
"Ah... wala naman po," I said, trying to brush it off. "I was just curious. Kasi po, thirty na siya, so I thought maybe he had been married before, or had someone important in his life."
Manang Hilda didn't seem to buy my excuse, though. She set down the spoon. Ngumiti siya sa akin.
"Walang relasyon na itinatagal iyon. Hindi ko rin alam kung relasyon ba ang matatawag kasi dumadaan lang naman ang mga babae sa kaniya."
Oh. So, he's never been serious with anyone before, huh? Kung sabagay, hindi ko na dapat ipagtaka iyon. Alam ko naman hindi rin siya seryoso sa akin. Sex at anak lang ang habol niya. He doesn't need me for anything else. Just someone to give him an heir. That's all this is, right?
"Bigla ka atang na-curious sa kaniya at sa pamilya niya?" nagtaas ng kilay si Manang Hilda.
Natauhan ako roon. Curious nga ako. Ang dami kong tanong tungkol sa kaniya. Pero sa tingin ko naman ay karapatan ko iyon. He married me. Parang ang hirap maging asawa kung hindi mo ganoon kakilala ang pinakasalan mo, hindi ba?
YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Romance(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.
