Kabanata 5

10.7K 139 6
                                        

Kabanata 5

"Go back to your room," he said authoritatively.

Nilayo ko ang sarili ko sa kaniya. Galit at kahihiyan pa rin ang nararamdaman ko.

"Ayaw ko!" I shouted, showing him my anger once again.

Hindi porket nangyari ang hindi dapat mangyari, ay puwede na niya akong pasunurin na akala mo siya ang boss ng buhay ko. Unang-una, hindi ko pinili 'to. Sapilitan niya akong inilayo sa pamilya ko para lang masunod ang gusto niya.

"Go back to your room, Satin," he said again.

"Ayaw ko nga, sabi! Bakit mo ba ako pinipilit? Gusto ko nang umuwi sa pamilya ko! Pakawalan mo na 'ko!"

Umiling siya. "No."

Lalo akong nag-init sa pagkakasabi niyang 'yon. Napuno ng luha ang mata ko, pero ayaw kong ipakita sa kaniya na mahina ako. Hindi ko siya pagbibigyan.

"Goddamn you, Cronus!" I screamed.

I shoved him hard, fists pounding against his chest. He didn't move. His body was massive. Broad shoulders, a powerful chest, arms like steel wrapped in silk. Pakiramdam ko may back muscles pa kapag nagtanggal ng damit. He was towering over me, and I had to tilt my head just to meet his eyes.

I felt like I was throwing myself at a wall like all my strength and rage meant nothing to someone like him. And maybe it didn't.

My fists began to ache from the impact, but I didn't stop. The fire inside me was too wild. I wanted him to feel even a fraction of what I felt, the helplessness, the fear, the fury. Pero nanatili lang siyang nakatayo, his expression emotionless, watching me come undone like he was above it all.

"Hilda!" Isang maawtoridad na tawag lamang niya ay nagkukumahog na ang lahat palapit sa kaniya.

"Sir Cronus," Manang Hilda appeared, shocked to see us together.

"Give her a bath now. She'll have lunch with me," Cronus ordered.

Sumulyap pa siya sa akin bago siya unang lumabas ng silid. Agad akong nilapitan ni Manang Hilda.

"Miss Satin, tumakas ka ba ulit?" tanong niya.

I looked away and dropped my gaze to the floor, refusing to answer. My shoulders slumped in defeat, and my fists slowly unclenched as the fire inside me dimmed.

I couldn't bring myself to speak, not because I didn't want to, but because the lump in my throat was too heavy. Hindi na ako pinilit ni Manang Hilda. Instead, she gently placed a hand on my back and led me back to the room, my cage, my prison.

"Miss Satin, huwag mo nang subukang tumakas ulit. Baka magalit si Sir Cronus," aniya.

Kumuyom ang kamao ko. "Hindi ako natatakot sa kaniya! Siya ang dapat matakot sa ginagawa niya. Wala siyang konsensya!"

"Miss Satin, hindi mo pa kilala si Sir Cronus. Kaya please, sumunod ka na lang sa kaniya."

I laughed, but there was no humor in it.

"Bakit ako susunod sa kaniya? Sino ba siya? Kinidnap niya ako at nilayo sa pamilya ko. Tapos ako pa ang obligadong sumunod sa kaniya?!"

Manang Hilda sighed deeply, her expression somewhere between pity and worry.

"Miss Satin, kung susunod ka sa kaniya... baka sakaling makita mo pa ang pamilya mo."

"At kung hindi?"

Nagkibit-balikat siya. "Delikadong tao si Sir Cronus, Miss Satin. Natatakot lang din ako para sa'yo. Kaya sumunod ka na lang muna."

Napapikit ako sa frustration. She looked away, as if meeting my gaze was too much. Tumayo siya at inasikaso ang susuotin ko, pati na ang mga kailangan para maligo.

In the Shadow of Diamond (COMPLETED)Stories to obsess over. Discover now