Kabanata 27
Don Maximillian and Doña Elizabeth were cremated by the Morfeos. Makalipas ang dalawang araw ay umalis na rin ang mga pinsan ni Cronus dahil may mga trabaho ito sa ibang lugar, ang naiwan lamang ay si Raju na nag-aasikaso sa minahan. Hindi muna kami bumalik ni Cronus sa Yukon, as his parents were still in mourning.
Sa pangalawang araw ko rito, kahit papaano ay nahinto ang pag-aaway away. Naging tahimik ang mansyon at mukhang ang lahat ay hindi pa rin makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari. Wala pa ring pag-usad tungkol sa kaso, pero hindi tumitigil ang mga awtoridad sa pag-iimbestiga.
Mahigpit ang security sa buong mansyon, bawat sulok ng bahay ay may nakabantay. Pero ramdam ko ang takot ng bawat isa. Paano ba nama'y pinaghihinalaan nila na mukhang nasa loob lamang ng pamilya ang pumatay kina Don Maximillian at Doña Elizabeth.
"Ayos lang po ba kayo?"
Lumapit ako kay Maxima Morfeo nang makita siyang tulala sa balkonahe. Mugto ang kaniyang mga mata at mukhang kagagaling lang sa pag-iyak. Ilang araw na rin siyang ganito. Pero naiintindihan ko naman dahil namatayan siya ng mga magulang.
"Puwede po ba akong umupo sa tabi niyo?" nag-iingat ang boses ko.
Tumingin siya sa akin, kitang kita ko ang lungkot sa kaniyang mga mata. Tumango siya at umusod. Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa gitna naming dalawa, hindi ko rin alam kung paano sisimulan ang pag-comfort sa kaniya.
"Alam ko pong wala ako sa posisyon para magsalita sa inyo pero gusto ko lang pong sabihin na naiintindihan ko po ang pinagdadaanan niyo. Gaya niyo po, naranasan ko rin pong mamatayan ng isang ama. Hindi po madali kasi kailangang pasanin ko ang responsibilidad niya. Pero isa lang po ang naghila sa akin para magpatuloy, iyon ay ang mga taong mahal ko na naiwan sa akin." kinakabahang sabi ko pero tinapangan ko ang loob.
Maxima kept her gaze fixed on the horizon. The wind teased a few strands of her hair, but she didn't move. Hindi agad siya nagsalita. The silence between us wasn't uncomfortable this. It felt necessary like a space for grief to breathe.
"You said your father died. How did you manage to... move forward?"
I looked down at my hands. "I didn't, at first. I tried to pretend I was okay. But eventually, I realized grief doesn't disappear, it just becomes part of you. I learned to live with it, and I leaned on the people who stayed."
Maxima turned to face me.
"Matatanggap ko, Satin. Pero alam mo kung anong masakit? Iyong mamatay ang taong mahal mo dahil may taong gumawa nun sa kanila. Iyon ang hindi katanggap tanggap."
I saw the anger. It wasn't just sadness that clouded her eyes it was fury.
"Kung namatay sa sakit, o sa katandaan," she continued, her jaw tightening, "baka kaya ko pang tanggapin. Pero pinili ng tao na tapusin ang buhay, pinagplanuhan."
I couldn't argue. She was right. There was something especially cruel about a death caused by human hands. Hinawakan ni Maxima Morfeo ang kamay ko.
"Alam mo ba kung bakit lalo akong hindi matahimik?" dagdag pa niya, halos bulong na lang. "There's a stain of guilt in me. Hindi ako tunay na anak ni Doña Elizabeth."
Napatingin ako sa kaniya, gulat sa bigat ng kaniyang sinabi.
"Po?" maingat kong tanong.
Nagtagal siya sa pagsagot, parang nilulunok ang sakit ng mga salitang isusunod.
"Anak ako ni Don Maximillian... pero hindi si Doña Elizabeth ang tunay kong ina. Galing sa hindi kilalang pamilya."
I didn't say anything, just listened.
YOU ARE READING
In the Shadow of Diamond (COMPLETED)
Romance(Gemstone Chronicles #1) A diamond is rare, precious, and hard to break. And he treats her as his prize to be claimed.
